CHAPTER 41

1735 Words

Kanina pa kinakatok ni Phoenix ang kuwarto ni Gaurav ngunit sumakit na lahat ang mga daliri n'ya kakakatok ngunit walang Gaurav na nagbukas no'n. Kinabahan na s'ya kung kaya't kinuha n'ya na ang duplicate ng kuwarto nito at nang mabuksan n'ya nga ito ay tuluyan lamang no'n kinumpirma ang hinala n'ya. "Wala? Saan si boss?" nagtatakang tanong ni Brix na maaga rin nagising ng araw na iyon. Hindi maganda ang pakiramdam n'ya sa maagang pag-alis nito at may pakiramdam s'yang sinadya nito iyon upang hindi nila ito masamahan o malaman ang kung ano mang balak nito. Kung iisipin ang nangyari kagabi ay malaki ang tiyansang nagpunta ito kay Taronian o sa grupo ng Bluefox. Hindi ito dapat nagpadalos dalos sa ginawa nito. Sigurado naman siyang hindi ito sasaktan ni Augustos Lorie at ni Taro ngunit kung

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD