CHAPTER 76

1719 Words

Kanina pa nakamasid si Astrid mula sa labas ng isang malaking bungalow na hinihinala niyang headquarters ng mga TLP mula sa may ilang oras din niyang pananaliksik mula sa mga luma nilang dokumento sa investigation section. Hindi s'ya sigurado kung may mapapala 'ba s'ya rito sa labas o wala ngunit nagbakasakali pa rin s'ya. Ito ang unang araw ng hiniling n'yang leave sa ninong n'ya at hindi n'ya sasayangin ang araw na ito upang mag-imbestiga. Ang totoo n'yan ay gusto naman talaga n'ya unahin ang tungkol sa grupo ni Gaurav, ngunit may kung anong puwersa ang nagsasabi sa kan'yang unahin n'ya ang TLP. Marahil dahil alam n'ya na ngayon na naririto nagkukubli ang dalawa niyang kapatid na lalake mula sa matagal din ng mga itong pananahimik at pagtatago at pinaniwala s'ya ng mga itong patay na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD