Matapos makita ang review ng CCTV nila Gaurav at halos magkasunod nga lang din ang pagdating ng mga imbestigador sa mansyon nila at nangako ang mga ito na hahanapin kung saan maaaring matagpuan ang mga grupo ngang iyon na nanloob at pumaslang sa ama n'ya sa mismong loob ng teritoryo nila. Alam niyang kung gugustuhin n'ya ay kaya n'ya naman ang isuplong sa mga ito kung saan at sino ang mga taong tinutukoy ng mga imbestigador na s'yang nakita sa mga kopya nng CCTV nila sa bakuran nila noong gabing iyon na nangyari ang krimen , ngunit sinadya na lamang nila ang magpatay malisya dahil ayaw na nilang makagulo pa sa mga diskarte nila ang gagawing imbestigasyon ng mga ito at baka may iba pang makalkal na impormasyon ang mga ito laban sa kanila at maging sanhi pa iyon upang mas lalo silang madii