Sa Casa Helestia ay nabubusog ang mga mata ni Morgan Luper sa mga naggagandahang mga kababaihan na pawang mga naka-two piece swimsuit. Narito s'ya upang mag-relax at mag-unwind saglit sa toxicity ng buhay kingpin o pagiging La cosa Nostra group leader. Buo ang tiwala n'ya kahit na paano sa nag-iisa n'yang tagapagmana na si Gaurav alyas Helix na madalas pa ngang mapagkamalang dalawang magkaibang tao o personalised dahil sa dalawang pangalan nito. Pinalaki n'ya itong matapang, tuso at walang sinasantong kahit na sino o tinatanaw na utang na loob maski na 'ba kanino. Kaya 'di rin s'ya nakakasiguro sa katapatan nito sa kan'ya balang araw o kung darating man ang araw na sa kan'ya nito gamitin ang mga natutunan nito sa kan'ya. Matagal na niyang inihanda ang sarili n'ya sakali mang dumating ang

