Nang makarating sila Phoenix at Gaurav sa mansyon ay kataka takang maraming mga tauhan nila sa grupo na pawang sa kabilang headquarters mga naka-duty ang nasa kanila. Nagtaka s'ya dahil hindi naman basta basta pumupunta ang mga ito nang walang ano mang ipinag-uutos ang ama n'ya o s'ya man kung kinakailangan n'ya nang tulong sa mga ito. Hindi n'ya maintindihan ngunit kaagad ang pagsalakay ng kabà sa dibdib n'ya kaya 'di n'ya natiis ay nilapitan n'ya na ang unang tauhan nilang si Felix na nakatayong malapit sa kan'ya. "Anong mayroon ha?" nagulat pa ito nang bahagya dahil bigla s'yang sumulpot sa harap nito. Nag-iwas ito nang tingin at tila humihingi ito nang saklolo sa iba pa nitong mga kasamahan na naroon sa labas ng sala nila ngunit abala naman ang bawat isa sa mga ito sa hindi n'ya malam

