CHAPTER 51

1588 Words

Ilang araw na mula nang mangyari ang insidenteng iyon sa apartment ni Astrid ngunit hangggang ngayon nga ay may takot pa rin s'ya sa tuwing aalis s'ya mag-isa sa bahay n'ya. Pakiramdam n'ya ay may nagmamasid sa bawat mga galaw n'ya at ang payo nga sa kan'ya ng mga kasamahan n'ya ay lumipat na s'ya ng inuupahang apartment ngunit hindi naman gano'n kadali maghanap nang malilipatan. Palagi siyang busy sa trabaho at halos tulog na lang nga ang pahinga n'ya kung tutuusin. Bumaba na s'ya sa kama upang magtimpla na s'ya ng kape at magluto ng almusal n'ya. Mag-isa lang s'ya palagi at hindi na rin naman iyon bago sa kan'ya. Noon ay kasama n'ya ang ama at dalawa niyang mga kapatid na lalaki ngunit dahil sa isang hindi inaasahang pangyayari nga ay sabay sabay ang mga itong nawala at napilitan na rin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD