Chapter One

2454 Words
Allyana "You've been doing this for years, Allyana. How come you don't want it this time?" my mother asked me one morning. Dahan-dahan kong pinaiikot sa tinidor ang pastang nakahain sa glazed plate bago ko itinuon ang tingin sa kan'ya na nakaupo lamang sa harapan ko dito sa mahabang dining table. Natanaw ko pa ang marahang pagkagat ni daddy sa isang piraso ng karne. "That's the point, mommy. I've been doing that pictorial for years." "What is wrong with that, hija? As far as I can remember, you don't have a problem naman regarding it as long as you won't have to compromise your schedule..." patungkol niya sa nais idiin na simple kong ikinababa ng kubyertos na hawak sa salaming mesa. Lumikha ng tunog ang paglapat ng metal na kutsara sa babasaging mesa pero hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin. "Midterms next week, mommy," I reasoned out like it is the answer to everything. "I thought you don't review before the examination day?" Saka niya ako tinaasan ng kilay. Bahagya akong napanguso sa kagustuhang tapusin na ang usapan pero pinilit kong panatilihin ang kalmadong postura. "I joined the Science Club. Kami ang magho-host sa Science Fair this Friday... which is two days before the midterm exams. Ayaw kong pagurin ang sarili sa weekends." I tucked my hair on my shoulders and glanced at daddy who is silently listening to us. He prefers to do that everytime unless he is obliged to talk or if he has something important to say. Oo lang naman siya nang oo sa amin ni mommy dahil ayon sa kan'ya, kami ang reyna at prinsesa niya kaya pwede naming pag-usapan... o gawin ang kahit ano'ng gusto namin. "Sayang naman kasi. Isang araw lang naman, Allyana," pamimilit pa ni mommy na inilingan ko na talaga. "Mommy, I don't want to go. I don't want to do that shoot," I said firmly and took a sip from my glass of milk. Maigi talagang uminom ng gatas araw-araw dahil paghahanda ito sa aking pagtanda. Adequate amount of calcium is very important for youngsters like me. "Then at least tell me why? Anything personal?" she gushed. Napailing na lang ako. Mommy and her persistence. I guess that makes sense, lalo na at isa siyang marketing agent noon na nagbebenta ng iba't ibang brand ng kotse. Doon din naman niya nakilala si daddy eh. "You remember Jack?" "What about that kid?" Pinakawalan ko na ang isang malutong na irap na ni minsan ay hindi ko nagawa sa labas ng bahay. People know me as one prim and proper unica hija of Bianca and Allen Ocampo. An achiever, excels in both academics and extracurricular activities, fond of civil relationships and definitely, too feminine to be called bratty. Kung magtataas ako ng kilay, iirap at iismid sa kahit sino... baka makahanap pa ng rason ang mga tao upang siraan ako. Special mention sa mga inggit... Do people even know the word HATERS stands for Having Anger Towards Everyone Reaching Success? Because it is. Ang nakatatawa pa, kahit kaunting pagkakamali mo lang ay pinupuna na nila... ginagawang malaking isyu at ang dating one sentence statement ay nagiging isang pahina ng bondpaper—front and back pa iyon. "He is hitting on me," I told her nonchalantly. "For two years already." She seemed not surprised with what I said at inasahan ko na 'yon. "What's wrong with him? He is the eldest son of our sister company. He is good at sports and he has good looks! Magalang pa siya... It would be a waste to ignore such lad," she said suggestively. "He is only good at basketball and that sport bores me. He's only fair, hindi gwapo. At hindi siya magalang, mommy. Bastos pa nga kung tutuusin kasi tingin pa lang niya, para na akong hinuhubaran! Ayaw ko sa kanya." If I could have add "periodt" there, baka nagawa ko na. Nakakainis si mommy minsan. Ano ba kasi ang nakita niya sa 17-year old f*ckboy na iyon? Ang papansin, akala mo kung sino kahit halos hindi ko na i-acknowledge ang existence niya sa mundo. "When I told him I prefer books over boys, you know what he told me?" "What?" "Sabi niya, aanhin naman daw ang libro kung hindi naman ako nakakantot no'n. Nakaiinsulto at mabuti na lang ay nakontrol ko ang sarili ko o baka nag-landing na ang palad ko sa makapal at magaspang niyang pisngi," I lamented with a gritted teeth. Parang dinaanan ng anghel ang buong dining room pagkatapos kong sabihin iyon. Bumalik na naman ang inis sa sistema ko nang maalala ang mayabang niyang mukha isang araw na prangkahin ko siyang ayaw ko sa kan'ya. I don't entertain boys. Of course, boys my age know nothing but flirt. With this status of mine, I don't need anyone arrogant and self-proclaimed! More so, I.don't.have.time.and.interest.for.that. "W-What?" nauutal na tanong ni mommy matapos ang mahabang sandaling katahimikan. Natawa si daddy sa naging reaksiyon ni mommy kaya agaran siyang nakatanggap ng matalim na tingin mula rito. He immediately withdraw from the funny look and turned serious. Binigyan ako ng isang iling na daddy na kaagad ko namang naintindihan. "That only proves where he's good at—his nasty hobby and what he wants from me... Kaya 'wag na po natin siyang pag-usapan. Ayaw kong pumunta at gawin ang shoot kasama ang kupal na 'yon, mommy. Huwag mo na po akong pilitin," kalmado kong pagtatapos sa usapan at tumayo na. "Mauuna na po ako." I kissed both of their cheeks and found my way out of the room. My heeled shoes were a little noisy as I walked in the venile tiles but I heed it no attention. Dire-diretso akong nagtungo sa aking silid sa second floor ng aming mansion upang maghanda na sa klase. Sa grand staircase pa lamang ay nakita ko na si Margareta na naghihintay sa akin. She offered her hand to me and I handed her my phone. Siya na ang nagdala no'n hanggang sa makarating kami sa silid ko. My room is classy with the colors of peach and a lighter shade of gold. It looks aesthetic, from the white colored shelves I placed in a corner, study table, a vanity mirror together with my embellishments, a queen sized bed with cozy mattresses, bedside table made from birch, a large frame of my portrait painted by me, some frames and any modest chattel found around it. I did my usual morning routines at isang oras lamang ang lumipas, nasa loob na ako ng aming service habang binabagtas nito ang distansiya mula sa bahay papuntang school. Ang maganda sa daang tinatahak namin ay hindi ma-traffic. May iba pang rutang pwedeng daanan para hindi kami maipit sa trapik sa pangunahing mga kalsada at ito ang pinakamabilis. I busied myself with reading a magazine to kill time. Nakasasawa nang panoorin ang parehong mga establisyemento at kabahayang nadadaanan namin. "Hindi ho ba kayo nahihilo?" tanong ni Margareta na nakaupo lang sa front seat. She accompanies me anywhere I go, except sa loob ng school lalo na at malaki na ako para kailanganin pa ng yaya. I used to have one follow me anywhere until Grade 7. Dahil hindi ko kinaya ang pagsunod-sunod nila sa akin ay pinatigil ko na sila at in-assign si Margareta sa bahay. I can go to school and listen to the teacher myself. A maid is not anymore necessary. Isa pa, hindi naman biro ang ginagawa niya noon pa man. "No," tipid kong sagot at nagpatuloy na lamang sa pagbabasa. Tumigil lamang ako nang maramdaman ang pagliko ng sasakyan. I looked up and saw the huge gate of the school, even students of any grade levels go out of their cars and bikes, bidding goodbye to their family. Sto. Niño Academy is a christian school. Dito ako pinag-aral nina mommy dahil na rin sa kaibigan nila ang may-ari at ito ang pinakamalapit sa bahay. Isa pa, they graduated here and the facilities are good. I've been here for four years, since first year dahil transferee nga ako mula sa States. The school is huge too and everything about it is elite. Aside from that, from the 3000 population of students here, the teachers and staff are welcoming and skilled. I don't have to tell more, basta wala naman akong problema rito kaya nga nagtagal ako ng apat na taon. Tahimik akong lumabas ng sasakyan at nagpaalam kina Margareta bago ko isinukbit ang aking shoulder bag sa balikat. Hindi pa man ako nakaiisang hakbang ay may mga lumapit na sa akin upang bumati. I returned everyone's greetings with simple formalities before I started walking inside the school. My school uniform is an elegant one for both male and female. The top is made of good quality polyester and silk. It exhibited the plain color of white and black, together with a tie that reached half of the 50% of my body. The skirt is an inch above my knee and it goes very well with black shoes. Hilig ko ang mga may one to two inch na heel, at syempre, alaga ng shoe shiner. "Miss Allyana!" rinig kong tawag ng baklang kasamahan ko sa Science club. Vice President siya at elected naman akong President. Dala-dala niya ang isang folder at humahangos na naglalakad patungo sa akin mula sa kung saan. "Yes?" "May meeting tayo mamaya, huh? Sinabi ni Ma'am Cañete. Hindi niya nakuha number mo kahapon kaya hindi ka niya na-text. Hindi ka rin nagche-check ng socmed mo." Tumango ako at tipid na ngumiti. "Ah, right. Bibigyan ko siya mamaya. Saan at ano'ng oras?" I asked him as I glanced at my wristwatch to check the time. Ten minutes na lang bago ang unang subject ko sa umaga. Hindi na rin naman kami pinaglilinis dahil may naka-assign ng janitors at janitress para diyan. Para naman may silbi ang pagkamahal-mahal na tuition fee’ng binabayaran ng bawat estudyante rito. "3:00 pm, Miss Alyanna. Naku! Na-stress na ako sa palapit na fair tapos midterms na next week," himutok niya pa at minasahe ang noo. "Kaya natin 'to. Sige, salamat sa balita. Nakagawa na ako ng iilang plano. We can talk about it later," pormal kong pahayag at ipinalibot ang tingin sa kabuuan ng grounds. Nakatayo ang aabot sa limang three-story buildings, may mga puno at magagandang landscapes ang isinagawa sa parteng ito ng school. The bushes and pathways, even the side walks, waiting sheds, bulletin and announcement boards are located in various places that students can find easily. Bukod pa ro'n, may dalawang admin building, sampung courts, isang grandstand, tatlong senior high buildings, tatlong cafeteria at dalawang canteens ang school. Other basic necessities and leisure are also available here. "Sige po, Miss Allyana. I'll tell them!" masigla niyang sagot bago ako nagpaalam sa kan'ya. Diretso kong tinahak ang daanan patungo sa ikalawang building mula sa kanan kung saan naroon ang aking silid-aralan, sa ikalawang floor. I graced my way to the stairs and met both girls and boys who greeted me good morning. Simpleng pagtango lamang ang nagiging tugon ko sa mga kalalakihan lalo na at alam ko na kung ano'ng maaari nilang isipin kapag bumati pa ako pabalik. Naaalala ko noong elementary, isang kaklase kong lalaki ang mahilig bumati sa akin ng magandang umaga araw-araw at dahil binabati ko rin siya pabalik, pinagkalat niyang M.U kami. Simula noon ay hindi ko na inulit pa sa mga lalaki. Sakit lang kasi sa ulo. Nang marating ko ang room ay napahinga ako nang maluwag at naupo na sa aking upuan. Halos narito na ang lahat ng mga kaklase ko at naghahanda na para sa first subject. "Morning, Miss Allyana!" bati ng karamihan sa akin na tinanguan ko nang simple sabay bati pabalik. Tatlo sa mga kababaihang nakaupo sa may harapan at nagkukumpulan lamang kanina ang mabilisang tumayo at tinagpo ang direksiyong tinatahanak ko. They are smiling giddily early in the morning while they look so cute with their hair fixed into a ponytail while their cheeks are touched by a light blush and powder. "Bag mo po, Miss Alyanna," sabay abot ng mga kamay ng isa sa kanila. Hindi na ako nagulat sa kanilang ginawa, especially because they've been doing this for three years straight. "Schedule ko ngayon." "Here. Thank you," simple kong pasasalamat as I handed the girl my shoulder bag. It seems weird always, how I was pampered too much that even these girls who obviously are from rich families act like personal assistants. Parang sa pagdadala ng bag ko na lamang sila nabubuhay. Noong una, akala ko nagmamagandang-loob lamang sila pero nagtagal na ang mga taon at ganito pa rin ang sistema. Narinig ko pa nga mula sa dean na ang mga babaeng ito ay gustong palagi akong kaklase kaya handang magbayad ng kung ano para magkapareho sila ng section sa akin. That's obsession, I know. But anyway, I don't mind. It is what makes them happy so I'd let them be. Besides, wala akong utang na kahit ano sa kanila maliban na lamang sa pasasalamat. Kahit ano'ng sabihin pa ng iba, hindi mababago ang katotohanang hindi ko sila pinilit na gawin ito. It is the effort that counts. Sumama sila sa akin patungo sa aking upuan at maingat na inilapag ang aking bag sa mesa ko. Tipid ko ulit silang nginitian at pinasalamatan bago naupo habang parang mga batang binigyan ng kendi ang tatlong bumalik sa upuan nila. I inspected my phone a little bit before stashing it back on my bag and took my record book. "Wala po si George, Miss Allyana," imporma ni Katherine na nasa aking harapan lamang, ikalawa mula sa harapan. Nasa ikatatlong row ako ng mga upuan at hindi naman ako nahihirapan. "Excuse letter niya?" I asked her as I took the cap of my ballpen and opened the book. Nakalista ro'n ang attendance ng mga kaklase ko, simula noong June hanggang kalagitnaan ng July. Every school year, ako ang nai-elect na Class Mayor at President ng mga clubs na sinasalihan ko. Noong una ay nahihirapan akong pagsabayin ang klase at mga activities pero kalaunan ay nasanay na ako. "Wala po siyang ibinigay eh," tipid niyang sagot. Tumango na lamang ako at nag-shade sa attendance sheet bago iyon isinara. Nanatili naman siyang nakatingin sa ginagawa ko kaya isang matamang tingin ang ibinigay ko sa kan'ya. People are naturally curious about my life, huh? "Yes?" "I wonder lang po how you always do it kasi." She smiled a wide one. "What do you mean?" I asked her calmly. Mas lalo yatang lumapad ang ngiti niya sa akin. "You know, always being Miss Diligent," she pointed out. Lihim na lamang akong napailing bago ibinalik sa bag ang record book. "The same way how others do it... but always excellently."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD