Chapter Two

2477 Words
Allyana "I have noticed that our science exhibits and activities for a day-long school science fair have been redundant and repetitive. Kung patuloy nating ia-apply ang mga nakasanayang activities dahil lamang sa gamay na ito ng mga students, sa tingin ko ay wala na ang thrill factor ng fair sa students this year," mahabang paliwanag ko sa kanila. Nasa likuran ko ang white board at nakapuwesto naman sa gitna ng silid ang isang mahabang mesang gawa sa makapal na uri ng pulidong kahoy kung saan isa-isang nakaupo ang mga miyembro ng club sa kani-kanilang upuan nakahilera sa paligid lamang ng upuan. Kasama ko sa aming pagtitipon ang aabot sa labin-limang kasapi ng aming club na halos ay kilala ko na kahit sabihin pang this year lang ako sumali. They've been inviting me for years. That's why. "So we will use the remaining hours to brainstorm about new activities we can add to spice up our Science Fair." "Pero, Miss Allyana... I don't think the students will pay great attention to our activities kasi upcoming na ang ating first midterm examinations," si... Luna? I remember she's Luna. Natuon ang aming atensiyon sa kan'ya, lalong-lalo na ang akin dahil sa kan'yang sinabi. Kinuha ko ang whiteboard pen na nasa desk lamang hindi kalayuan at bahagya iyong pinaglaruan sa gitna ng aking mga daliri. Our room is painted white and surround us are different laboratory equipment and preserved bodies of insects and animals. Hindi ko alam kung gaano na iyan katagal pero naniniwala akong sobrang tagal na kasi the past few years, ipinagbawal na ang pagda-dissect ng mga insekto at reptiles sa aming school, o kahit saan pa. "That is why we should make it exciting this time. Stress reliever kung baga sa pararating na examinations... Isa pa, hindi naman tamang balewalain lamang ang fair dahil lang sa midterms. Science is very important and we joined this club to make students see that, right?" pormal kong pahayag sa kan'ya bago binuksan ang cap ng marker. "T-Tama ka, Miss. Pasensiya na," hinging paumanhin niya kaagad na mas lalong ikinatahimik ng buong silid. Tipid ko siyang nginitian at tumango. "No problem, I know you are just worried." Tinalikuran ko na sila at hinarap na ang board. Isinulat ko ang mga salitang "Science Fair Activities List" at nag-bullet ng lima sa ibaba kung saan ko isusulat ang mga suhestiyon nila. Madadagdagan pa iyan depende na rin sa dami ng irerekomenda ng mga clubmates ko. "Let's start." "I have a suggestion, Miss Allyana." Susan raised her hand from the seat nearest to me. Mabilis kong ipinokus ang atensiyon sa kan'ya saka siya sinenyasang magsimula. "Aside sa mga nakasanayan nating showcase of mini-experiments, how about we venture also on this biodiversity in the school premises through quadrat analysis?" "You mean we should have some students find some botanical plants, and anything biological... sketch them in a canvass or some piece of paper?" pagtatapos ko na sa kan'yang suhestiyon. I earned a nod from her and the rest of our group. "Yes po. Maraming schools ang nagsasagawa ng activity na iyan, kahit ang mga local science fairs international. We can even come up with a prize so that mas lalo silang maeengganyong sumali... lalong-lalo na 'yong mga artistic student ng school!" she beamed. Napatango-tango ako. "May sapat naman tayong pondo para sa prizes... so I guess it will be fine," I muttered before I started writing her recommendation on the board. "Anything else?" "We can do a Discovery Science Expo," ani ng isang boses. Natigil ako sa pagsusulat ng mga salita sa board nang marinig ang hindi pamilyar at malamig na boses na iyon mula sa likuran. Mabilis akong lumingon at nakita ang isang lalaking nakatayo sa may pintuan, ang isang kamay ay nakahawak nang bahagya sa doorknob habang ang mga mata ay diretsong nakatingin sa akin. "Pardon? May I know who are you?" pormal kong pagbati sa kan'ya. Walang nag-imikan sa kanila, o kahit siya saglit bago ko narinig ang tawa ni... uh, Jade? I was able to examine the guy's face for a while. Well... he kinda looks good. I mean, very good. He got this foreign features, ebidensiya ang matikas at magandang hugis ng kan'yang panga. Matangos ang ilong niya at malalalim ang mga mata. His lips are modeled in a formidable manner while he is indeed tall and paper white. "Naku! Si ano ho... si Azarias! Azarias Laxamana, dating member at President ng club natin, Miss Allyana! Senior na kasi kaya nag-break muna siya pero always welcome siya rito! Sorry at hindi yata nasabi ito sa inyo," halata ang pagkautal na imporma sa akin ng Vice President. "You really have something to be sorry for, people." Gusto ko sanang sabihin iyon pero pinigilan ko ang sarili at tumango na lamang. Hindi na magandang gawing big deal pa ang nangyari. "Okay, welcome. Kung ayos lang sa'yo, maupo ka at nang mapag-usapan natin ang proposal mo," paanyaya ko sa kan'ya at tumayo nang tuwid. Isang iling lamang ang naging tugon niya na halos ikinangunot na ng aking noo. Is this person... rejecting my offer? "Don't bother, Miss. May hinihintay lang ako at parating na siya." Sumandig siya sa pintuan at pinagkrus ang mga braso, iniwan niya pang bukas ang pinto na mas lalong hindi ko nagustuhan. I don't want it open because we are in a middle of a meeting and it would be very uncomfortable. "Oh. That is too bad. Sa tingin ko ay hindi magandang manatili kang nakatayo riyan at mas lalong hayaang nakabukas ang pinto habang nasa kalagitnaan kami ng isang importanteng pagtitipon. Do you mind?" I gave him a tight smile. Come on, creature. Close.the.door.and.sit. "Then do you mind if a non-member barge in looking for me?" Umiling lamang ako. "As long as marunong siyang kumatok," tipid kong sagot bago siya nakitang naglalakad na patungo sa isang vacant seat sa may dulo ng mahabang mesa. Nakuntento naman ako sa ginawa niya bago ibinalik ang atensiyon sa board. "So, what do you mean about the expo?" Sinulyapan ko siya na nakatingin lamang sa board. This dude looks like he's always bored. Pero bakit hindi ko naman yata narinig na may schoolmate akong ganito? With this physique, imposibleng hindi siya maging kilala. "It'll help students explore more on the field of science they are interested in. Mayroon namang mga experiments na pwedeng-pwedeng i-exhibit... but for the past years, not able to." "May I ask why?" "Time management," tipid niyang sagot. "All of it seem expensive and time-taking. Hindi talaga magandang ideya na magkaroon ng Science Fair ilang araw bago mag-midterms." "That is not one, good reason to make the science fair plain," I insisted once again. Hindi naman talaga. There should be a day in a year, o kahit more pa na maitanghal ang malaking tulong ng siyensa sa mundo. "I know, Miss. I also believe you are competent enough to take the risk." Iyon lamang ang sinabi niya bago siya umub-ob sa desk. Halos tawagin ko na lahat ng santa at santo para lamang pigilan ang sariling hindi magtaas ng kilay. This lazy ex-President definitely assured me it was a good thing I did not join Science Club the past years! Didn't he know that the best way to promote dedication and discipline in a group is when such attitude is seen in the leader himself? Paano naman niya namo-motivate ang mga kasamahang kumilos kung nakikita ng mga ito na palagi siyang walang gana sa paggawa? He can influence them to be lazy! Or worse, think so little about science even when they entered this club to celebrate it! Nakadi-disappoint. "Miss Allyana, kami na po ang bahala sa pagdi-disseminate ng info about sa exhibits sa mga STE at STEM sections. Sila ang bahalang magtakda ng idi-display nila sa ating expo by booth. Sigurado akong matutuwa silang ibahagi ang mga nakatambak nilang experiments sa iba!" bakas ang galak na ani Grace na mabilis kong tinanguan. Wala naman akong makitang mali ro'n, sa katunayan ay mas magandang ideya. Mas mapagagaan lang ang trabaho ko, plus, not that hassle din para sa club. Makatutulong pa ang mga science specialized sections sa aming fair. "Sure. Ako na ang bahala sa STE A, Grade 10," tukoy ko sa aking baitang at seksiyon. Nasa huling taon na ako ng junior high school at moving up na ako next year. Hindi ko pa rin alam kung ano ang strand na kukunin ko for the next school. Bukod sa results ng aking NCAE, I also think I am torn between ABM and STEM. Kung sakali mang hindi pa rin ako makapagdedesisyon sa panahong iyon ay makikipag-usap na lamang ako kina mommy at daddy para tulungan ako sa bagay na 'yan. I know they know what is best for me. "My cousin is a transferee and he just got here last month," the guy, Azarias, muttered. Mabilis na natuon ang atensiyon ko sa kan'ya. "Ano kaya ang maaaring maging koneksiyon ng pinsan mo sa meeting natin?" pormal kong tanong sa kan'ya. "He's from the States. He knows more about this because he studied in a Science and Mathematics specialized school. Pwede natin siyang pagtanungan tungkol sa bagay na iyan." "Oh yes! I heard nga! He's one, brilliant student, Miss Allyana. We can definitely ask him for some recommendations!" Jade almost squealed. Napansin ko ang mabilis na pagbabago ng ere sa loob ng conference room sa pinag-uusapan naming persona ngayon. "Mas specialized siya sa math at accounting kasi 'di ba, he's an ABM student too? Sayang at hindi nag-STEM." Then they started gushing up about this transfer student they are talking about. Isinara ko ang marker at naglakad na patungo sa teacher's desk sa harapan. "I'm sure he has some ideas. Why don't we invite him here so we can ask for help about this?" tanong ni Lucas na nakaupo katabi lamang ni Jade. Sa pagkaaalala ko ay senior na siya at halatang kaklase niya ang tinutukoy nilang transferee. Siguro mga lima lamang kaming junior dito at ako pa ang naihalal na President... gayong isa naman ako sa pinakabata "Then let's do that. Imbitahan natin siya rito if ever available siya," sinabi ko na lang bilang pagtatapos sa mga tsismis nila tungkol sa pinsan n'ya. But based on the context clues I gathered and how they seemed so excited about this person especially the female ones here, then he seems interesting. Siguro hindi lamang sa pisikalidad, pero lalong-lalo na sa katangian at kakayahan. "Pero hanggang ngayon lang din kasi namin pwedeng pag-usapan ang tungkol dito. Maghahanda kami sa midterms at iilang mga project sa susunod na mga araw. Is he available right now?" Nakinig na lamang ako sa kanila at naupo sa upuan. Nakakapagod tumayo lalo na at nananakit na ang aking mga bukong-bukong. "He's coming here... pero baka saglit lang. We have to run an errand in the Dean's office today." Saka niya binalingan ang relong pambisig. Wala na akong nagawa kun'di ang tumango bilang pagsang-ayon. Siguro nga ay abala sila dahil graduating na sila sa school year na ito. "We'll do that. So... anything else, people?" I asked them. "None, I guess. Paulit-ulit nga iyong mga activities natin gaya ng sabi mo... Saka baka mamahalan tayo sa mga activities na nase-search natin sa net, Miss Allyana," Doe told me as she scrolled in her laptop. Binuksan ko rin ang cellphone upang maghanap ng kung ano ma'ng may sense sa internet. It is the information super highway. There should be some things that make sense here. "Wait, excuse me. He's here," Azarias excused himself. Lumabas siya ng silid habang sinusundan naman ng tingin ng bawat isa. Nagsimula na naman ang bulong-bulungan sa pagitan ng mga kasamahan ko kaya napailing na lang ako. I turned my phone off and took the pen just in the table before I stood up. Naglakad ako pabalik sa may board at ipinagpatuloy ang isinulat ko kanina na hindi ko pa pala natatapos. "We have ten minutes. Is that okay?" I heard Azarias asked and I don't have to answer for them. Nang maka-oo ang iba ay natahimik ulit siya. I heard the door opened and closed again as I heard some minor gasps and repressed squeals from them so I know they definitely are in. Matapos ang ginagawa ay nilingon ko na sila at nakita ngang may bagong nadagdag dito sa amin, katabi lamang ni Azarias. Naobserbahan ko siya nang maayos sa loob ng tatlong segundo, pero bakit parang hindi yata sapat ang mga segundong iyon? One look at the newcomer and I know anyone would want him to be in their coffer any way! If Azarias has this serious and badboy feel, his cousin is imperious and strict. He exhibits a look that will make anyone's knees weaken, even when he isn't looking. Kahit nakayuko nang kaunti at nakatingin sa relong pambisig ay kitang-kita ko ang dilim ng kan'yang mga matang mas pinadilim pa ng makakapal niyang kilay. His nose is patrician-personified. He looks noble and grim with the ruthless shape of his thin and slightly pinkish lips. He is another paper white specimen, complete with anything grandiose and blue-blooded. Hindi nagkamali ang mga magulang niya sa paggawa sa kan'ya, kahit ang nagdisenyo pa ay halatang binuo siya sa pinakamagaling at pinakaperpektong paraan. Nang magtama ang mga mata namin ay ramdam na ramdam ko ang pagkawala ng lahat ng aking tiwala sa sarili. I felt so damn little when his intense and brooding, blue eyes made contact with my chestnut one. My, he is gorgeous. Pero may kakaiba sa kan'ya na hindi ko talaga matukoy. Idagdag pang hindi ko na nagugustuhan ang namimilipit na pakiramdam ko sa aking tiyan na hindi naman nagawang iparamdam sa akin ng kan'yang pinsan. "You must be..?" pormal kong paninimula ng konbersasiyon sa abot ng aking makakaya. He really must be a transfer student kasi kung ganito rin naman siya sa pangkalahatan, imposibleng hindi siya maging usap-usapan sa loob ng mga taon. "Nathaniel," tipid niyang sagot pero hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin. Ang lakas ng pintig ng puso ko at hindi ko maintindihan kung bakit. Inaalarma ang buong sistema ko sa presensiya lamang niya at alam kong hindi ito maganda. I am Allyana Ocampo. I am an SSG officer, club president, class mayor, diligent child and filial daughter. Isa akong babaeng kayang-kayang dalhin ang sarili sa kahit anong sitwasiyon. Ni minsan ay hindi ako natibag ng sinumang mga tao kahit sabihin pang gaano sila karikit at kayaman. Kaya hindi maaari! I have to pull myself altogether! "Nice to meet you, then. Ang sabi nila ay marami ka raw karanasan sa ganito... I hope we won't be a bother to you if we ask some of your time?" pormal ko pa ring pahayag. Umiling lamang siya at hindi na nagsalita. Ginawaran ko siya ng isang tango bago hinarap ulit ang board. It's just a meeting, come on.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD