A steamy romance story
Love never hurt so good for Angeline when the man of her dreams came into her quiet and boring life and brought pain behind intimacy. Angeline has always been the weak, innocent, often bullied girl in town when she met Presley Aragon, the hot and wild billionaire in town and fell in love with him.
Pero iba pala ang plano ng tadhana sa dalaga at nakumpirma niya iyon nang makilala nang lubusan ang isa pang Senyorito sa pamilya Aragon, it was Raphael Aragon. Sa maitim na balak nito laban sa pamilya ay gagamitin niya si Angeline bilang instrumento para makuha ang gusto ngunit hanggang saan kaya ang maaapektuhan ng mga plano na ito?
Umabot kaya hanggang sa pagkakataong hindi na malinaw pa ang lahat sa kaniya dahil nahulog na sila para sa isa’t-isa?
Binigay ni Angeline ang lahat pagdating sa pagmamahal at pagtitiwala ngunit pakiramdam niya ay napaglaruan at ginamit lamang siya, sa paghihiganting gagawin, maging malinaw kaya sa puso niya na ang paglapit muli sa mga Aragon lalung-lalo na kay Raphael ay para sa paghihiganti at hindi para bigyan muli ng tyansa na maging malaya at masaya ang kaniyang damdamin para rito?