KABANATA 31 NARINIG ko ang malakas na pagsinghap ni Senyorita Maurice kasabay ng malakas na pagtatambol ng aking puso sa ginawa ni Senyorito Raphael! Ang sunod na narinig ko ay ang matinis na matinis na tili ni Senyorita Maurice na parang nakakita ng kahindik-hindik na eksena. Kung sa bagay! Kahit ako magugulat sa ginawa ng Senyorito na ‘to! "You, b***h!" Mabilis na natakot ako kaya humiwalay ako mula kay Senyorito Raphael kahit na gaano pa kahigpit ang pagkakahapit niya sa 'king beywang, saka ako umikot at nagtago sa isang side ng coffee table na nasa gilid lang namin. Tumayo si Senyorito Raphael at agad na sinalubong ang pagsugod ng nagbabaga sa galit na si Senyorita Maurice. "Get out of my way! I'm telling you, Raphael, huwag na huwag mo akong pipigilan na saktan ang babaen

