THIRD PERSON'S POV Panay ang sulyap nina Jarryl kay Izyll, nang mapansing tahimik ito. Kanina pa ito tahimik, simula nang makaalis sila sa mansion ng magpinsan. Nararamdaman nila ang kakaibang inis mula rito at alam nila kung bakit. "Huwag mo masyadong ipahalata na nagseselos ka," mayamaya ay sabi ni Flare sa kanya. Natigilan naman si Izyll sa sinabing iyon ni Flare at agad napalingon dito. Kuno't noo siyang tiningan ang babae, na nakapapailing sa kanya. "Hindi ako nagseselos," sagot niya sa sinabi nito at iniwas ang tingin dito. Napasinghal naman si Flare sa sinabing iyon ni Izyll, dahil para sa kanyan ay halatang nagseselos ito. "Hindi kami bulag para hindi makita ang itsura mo," muling sabi ni Flare. "Oonga, maging iyong paggamit mo ng kapangyarihan kanina sa kanila ay napansin n

