Nang makarating ako sa pool, ay nakita ko nga sina Flare at Cindy. Masaya silang nag uusap kasama si Heart. Napatingin pa sila sa akin at kumaway. Tumango lang ako at umupo sa may upuan, malayo lang sa kanila ng ilang metro. Gusto ko lang mapag isa dahil sa nangyari sa pagitan namin ni Izyll. Tsk! Ano kasing pumasok sa utak niya at ganoon ang ginawa niya sa akin? Hindi ko rin tuloy maintindihan ang sarili ko, kung bakit wala akong nagawang kilos kanina. Maari ko siyang itulak palayo sa akin, ngunit hindi ko magawa. Tsk! Nakakainis talaga! "Hi my loves, bakit ngayon ka lang? Kanina pa ako nag iisa dito eh," mayamaya ay sabi ni Gajeel, nang makita ko siyang lumapit agad sa akin. Hindi ko siya pinansin at napadikwatro na lang ako nang upo. Alam niyo bang ang sarap manapak ngayon? Kung pwedi

