I remained immersed by the magic this place gave me. I've embraced the peace it offers. The life I had here is a renewal I never knew I wanted, it's serene and sunny.
Gusto talagang kunin ni Sir Salvadico na player ng team nila si Jalandon dahil daw noong nasa pribadong eskwelahan ito sa Guimaras ay magaling talaga ito sa basketball.
Nakakapagtaka lang na lumipat siya sa pampublikong paaralan kung pwede naman siya roon sa mas 'easy access' na eskwelahan at talagang sa islang ito pa napiling mag-aral, mayroon naman sa Guimaras.
Hindi rin naman basta-basta ang eskwelahan na ito, narinig ko sa aking mga kasamahang guro na espesyal daw ito sa Mayor ng Guimaras. Kaya't pinagtutuunan talaga ito ng pansin para sa mga renovation, mga activities para sa estudyante, facilities at marami pang iba.
May mga taga-Guimaras nga daw na dito pa nag-aaral. Pinakamatagal na ang kinse minutos na biyaheng bangka mula Guimaras hanggang dito kaya hindi gaanong hassle.
Alas nueve hanggang alas tres ng hapon ay pasukan ng mga estudyante sa Belleza Maria National High School at hanggang three-thirty naman iyong mga grade 11 at grade 12.
At tuwing miyerkules at biyernes naman ng alas tres hanggang alas quatro ay may training ang mga atleta.
Sa akin napunta ang team ng swimming team at minsan hinahawakan ko rin ang Sepak Takraw kapag abala ang head coach. Kaya ramdam ko na ang pagod sa kalagitnaan pa lang ng taon dahil sa daming trabahong ibinigay sakin.
Sa sobrang pagod minsan wala ako sa mood na makipagkulitan sa mga bata. Tulad na lang ngayon, nobyembre pa lang, pero iyong usapan ng mga estudyante ay ang Christmas party nila.
Wala ako sa huwistiyo ngayon na sawayin ang ingay nila kaya nanahimik na lang muna ako. Nakikita ko kung paanong iyong ibang babae ay natututo nang magmake-up, iyong mga lalaki naman ay nag-aasaran.
"Okay! Everyone, settle down. That's enough!" Nilakasan ko ang timbre ng boses ko.
May natigil pero ilang minuto lang sa pag-didiscuss ko ng Renaissance music topic ay nag-iingay na naman sila.
Mga bulungan doon at dito. Para akong mahihilo dahil sa pagod at sakit ng ulo ko ngayon.
Nagulat pa ako nang mag-ingay ang upuan ni Jalandon. Iyon pala ay sinadya niyang ibagsak ang upuan kaya naglikha ng matinding ingay ang bakal na paa ng upuan nito sa sahig.
Natahimik lahat at nainis pa akong lalo.
"Do you have a problem, Jalandon?" Nawawalan ng pasensiyang tanong ko.
Parang gusto ko nang magsisi na sana kinuha kong kurso ay Elementary Education, o kaya ay sa Elementary ako nag-apply.
Pero naisip ko madali rin ba roon?
"May I go out?" tanong ni Jalandon bilang pagpapaalam.
Pinigilan ko ang aking galit. Bakit kailangan niya pa iyong gawin kung magpapaalam lang naman pala siya?
That incident happened again. The quarter break is almost here, so I gave them projects and written works to comply with.
I assigned a group for a musical play before the December break.
At sa lahat ng iyon itong si Jalandon lang ang hindi nakikipag-participate.
Walang ipinasa kahit ni isa. Maayos naman ang score niya sa mga quizzes at exams, pero pagdating sa ibang performances ay hindi na siya makiki-pagcooperate.
Hindi lang grade nine ang problema ko may grade ten hanggang twelve akong hawak tapos papahirapan pa ako sa pagkocompute ng grades niyang kulang-kulang.
"So, what special project do I need to comply for you to give me grades?" tanong nito nang makaupo sa upuan kaharap ko.
Kita mo ang ulupong na 'to, sa apat na estudyanteng kinausap ko na may mga problema siya lang itong walang galang.
"Anong problema Jalandon, bakit hindi ka nakakapagpasa ng mga reflection papers mo sa music? Wala kang naipasang projects sa arts at health."
Sa P.E lang siya magaling, paano naman ang iba?
Kung tutuusin ay hindi nga mahirap ang ipinapagawa ko dahil mas gusto kong nagi-enjoy sila sa klase ko at maramdaman nilang 'minor' na subject ang MAPEH at hindi sila mabibigatan.
Tapos pagpapasa lang ay di niya magawa?
"Is it necessary to pass reflection papers? I can tell it to you personally. Nakakapagod magsulat. Magkwentuhan tayo sa vacant ko," cool na sabi nito. Akala mo, siya nagpapasahod sakin ng buo.
Patawa ba 'to? Sana okay lang siya.
"Art projects are boring. Nakipag-participate naman ako sa play, what more do you want Miss?"
Pwede ko bang patalsikin ang batang 'to sa eskwelahan na 'to?
If I know, he only paid his group mates and brought them to their Vista for practice.
May isa pa rin akong studyanteng hindi nadadala sa mga suhol niya dahil nagsumbong sa akin na iyon lang ang talagang ginawa nito at isang beses lang nitong ginawa iyon at hindi na naulit pa pero isinulat pa rin ang pangalan niya bilang miyembro sa grupo.
Well, I consider that as participation. Kaya may grades siya, paano naman iyong individual project na never niyang pinasahan?
Bumuntong-hininga ako at umiling-iling.
"I really can't cope with your superior attitude," komento ko.
Nakita ko ang pagakagulat niya sa sinabi ko.
Sa lahat ng mga batang may problema sa grado siya lang itong may dahilan na tinamad lang.
Ang iba ay hindi nakakapasa dahil palaging absent. Walang panggastos sa pangaraw-araw na pasok. Walang pera para magpasa ng ibang project. Hindi nakakapag-practice dahil mas inuuna ang responsibilidad sa bahay.
Siya na may marangyang buhay binabalewala ang importanteng bagay para sa karamihang studyante rito.
"Fail me, then," hamon niya, siya pa ngayon ang may ganang magsabi ng ganito.
"You know what, Jalandon? I don't want to talk to you anymore. I want to talk to your parents."
"They don't have time for this s**t," tugon niya.
Nagkikiskis na ang mga ngipin ko sa sobrang inis sa kanya. Kung pwede lang manapak ng studyante gagawin ko. Kaunti na lang at sa guidance siya mapupunta.
"Let's settle this with just the two of us, miss," sabi nitong nanguuyam.
Tinitigan ko lang siya, nadidismaya na ako sa bawat tagal pa ng usapan namin, napadalas pa ang sakit ng ulo ko ngayon kahit na lumalamig naman na ang panahon.
"You are willing to fail Jalandon. Do you know what will happen if you fail? Just in case you didn't know, uulit ka ng isa pang taon o kaya'y mag-aaral ka sa summer, ayaw mo bang magpahinga?" Napailing kong sabi.
"Oh, I like that. Let's see who'll give up, will it be me or you?"
"Iniinis mo ba ako Jalandon?" tanong ko habang pilit na tinatago ang inis. Alam niya siguro na kapag binagsak ko siya ako rin ang magtuturo sa kanya sa summer. Iniisip ko pa lang iyon ay sumusuko na ako. Imbes na bakasyon ang gagawin ko magtuturo ako sa estudyanteng tulad nito.
Tinawanan niya ako pagdaan nang pagkairita ko.
Parang hindi ako iniiwan ng sakit ko sa ulo ngayon. Tapos ganito niya pa ako bastusin.
"Bibigyan kita ng chance na magpasa ng lahat nang hindi mo naipasa, now, please go," utos ko.
Naiirita na akong kausa ito, hindi kami magkaedad para tratuhin ako ng ganito.
"Ibagsak niyo na lang ako, Miss." Nakangising sabi niya.
"You're dismissed now, Jalandon. I have a lot of things to do other than make this fuss." Mahinang sabi ko kahit inis na inis na ay nagawa ko pa ring magpigil.
"You are a mediocre teacher, you don't inspire me to study harder. Baguhan ka kasi, para ka lang studyante," malamig niyang turan ngunit bakas doon ang pangmamaliit.
He has done so much insult to me that I couldn't help to relax anymore.
"Ikaw lang naman ang ganito kong estudyante. Anong inaasahan mo? Ilalagay kita sa lugar na espesyal dahil hindi mo ako gustong teacher, ganoon ba?"
"Ikaw lang din kasi ang teacher na dahil hindi mo makuha ang loob ng isang estudyante babalewalain mo 'yon kasi mas importane ang marami hindi ba? That's what mediocre teachers do."
Nanggagalaiti na ako sa pagsagot niya pati pagsingkit ng mga mata ko pinipigilan ko.
"It only means you are different. Bakit ikaw lang mag-isa na ganyan kabastos? Bakit lahat naman sila maayos ang pakikitungo sa'kin? Ikaw lang naman itong naiiba. Ikaw itong hindi magalang kasi ikaw itong mas mayaman at mataas ang tingin sa sarili dahil anak ka ng mayaman."
Hindi ko alam kung bakit imbes na panatilin kong maging kalma ay napapatulan ko pa siya. At lumayo ang ang argrumento ko.
"I never thought that way, Miss. I never flaunt my surname or whatever's—about my name, it's about you."
"What's wrong with me? I am a mediocre teacher? Syempre nagsisimula pa lang ako pero bakit lahat sila nagagawa ang responsibilidad nila bilang estudyante? Kaya bakit ikaw? Imbes na makipagpalitan sa akin ng mga ganyang salita, gawin mo na lang responsibilidad mo bilang estudyante dahil ginagawa ko ang akin. Hindi mo ba nakikita na ikaw lang ang kakaiba sa lahat ng studyanteng nakausap ko? Ikaw lang ang kung umasta ay mas superior pa sa'kin," sabi kong halos hindi na huminga.
"Yes, I am different. I am the only... different one. Then why don't you approach me differently? Huwag mo 'kong iparehas sa kanila. Kakaiba nga 'ko diba? Edi tratuhin mo akong iba sa mga studyante mo."
Naguguluhan ako sa kanya. Para akong mababaliw, dinaig ko pa ang nag-solve ng trigonometry problem sa inaasal niya.
"I'm done talking to a kid. I want to talk to your parents."
Tatayo na sana ako sa mesa nang mapabalik ako sa aking upuaan.
Nahilo ako bigla at agad niya akong naalalayan.
"Are you pregnant?" tanong nito na ikinagulat ko, hindi- nahintakutan ako.
"Siraulo ka bang bata ka? Hindi!"
Nakalimutan ko ang 'prim and proper' kong sarili dahil sa aking reaksyon.
The peace of Belleza Maria was tainted because of him, because of this kid, Axis Dmitrius Jalandon. The mayor's son.