Binigyan ko siya ng pagkakataon na ipasa sa akin ang mga dapat niyang ipasa.
Binigyan ko pa rin siya ng pagkakataon kahit sobrang huli niya na pero ipinangako ko na sa oras na ulitin niya ito sa susunod na quarter ay ako na mismo ang magko-contact sa magulang niya.
Napakawalang modo niyang bata.
Gumagaan na ang mga gawain ng mga estudyante kaya araw-araw na rin ang training ng mga atleta.
May sariling gymnasium at swimming pool ang eskwelahang ito, gilid niyon ay ang training area ng cheerleading, dancesport, at activity area para sa P.E classes.
Sa gilid ng malawak na soccer field naman na nasa labas ay mga courts ng Sepak takraw, Volleyball at badminton.
This government school is an extra-curricular friendly school. Kaya kahit nasa isla ito ay dinadayo naman ito ng mga estudyante nanggagaling sa mayaman at mga sikat na angkan.
Sa klase ko nga ay mayroong mangilan-ngilang mga estudyante kilala and pangalan at apelyido. Hindi lang kasi basta-basta ang islang ito, malawak at malaki ito, sikat din ito sa mga turista kaya't commercial island din ito na siyang pinagkakakitaan ng kung sino mang nakakabili ng lupa sa islang ito, gobyerno man o negosyante.
Dito rin nanggaling ang ibang mga panalo ng kahit na anong mga palaro ng publikong paaralan sa bansa maliban sa basketball, hindi nakakapasok kahit sa cluster ang team dahil palaging natatalo.
"Jorah, regu ang team niyo," mando ko, wala pang official coach ang Sepak Takraw team kaya ako muna ang humahawak.
"Galen, ipractice niyo ang inside kick sa kabilang court," muli kong sabi.
Mga batang grade seven hanggang grade nine ang mga atleta. Nasa labing-dalawa na ang bilang nila. Iyong anim na marunong ay pinaglaban ko ngayon. Ang mga baguhan ay nag-eensayo ng mga techniques para sa tamang pagsipa ng bola.
Dumating si Sir Camaya at tinulungan niya ako, natatawa pa ako kapag nagbibiro siya sa mga estudyante.
Pag-uwian ay kasabay ko 'yong mga atletang pareho ang dadaanan namin.
Three days later, I was told that I'll focus on my swimming team.
Ibinigay kay Sir Camaya ang Sepak team. It lessens my work and I'm a bit sad because I have learned to like the kids.
"It took you fifty years huh?"
Pamilyar na boses ang sumalubong sa akin.
Nagulat ako nang pagkapasok kong clinic ay nakaupo si Jalandon sa upuan kaharap sa mesa ko.
"Bakit? Anong meron, ba't di ka pa umuuwi?" tanong ko, itinatago ang napupukaw na inis.
"I am injured, and the assigned nurse is unfortunately not here so I waited," sabi nito na may pagmamandong tunog.
'Boss ko ba to?'
Napakunot ang noo ko sa pagsisimula na naman ng nakakabwisit niyang pananalita.
"Hindi ka ginamot ni Sir?" tukoy ko sa coach nila.
"I did not tell him, it's your responsibility, right?" anito.
Bumuga ako ng hangin dahil ayaw kong mainis sa kanya. Pero talagang sinusukat niya kung hanggang saan ang pasensya ko. Akalain mo yon? Dito lang pala malalaman kung gaano ba ko katibay pagdating sa pagtatago ng inis?
Dati kasi kahit anong sakit at inis ang nararamdaman ko nagagawa ko pang itago, pero sa ganitong pag-uugali at palag ko pang nakakasalamuha, parang sobra-sobra naman ata to?
"Patingin..." sabi ko.
Itinaas niya nang konti ang paa niyo, namamaga na iyon.
"At hindi mo pinagamot agad 'to? Hinintay mo pa talaga ako? Eh 'di sana hindi namaga 'to nang ganito," sabi kong napapailing.
"Yes, because you are the nurse?" patanong niya sabi.
Kung hindi kaya kita gamutin?
"Umupo ka sa kama nang maayos ko ang taping," utos ko.
Kumuha ako ng athletic tapes at bandages sa metal cabinet.
"Ma'am, ayos na po," sabi ni Jorah.
Pumasok sina Jorah, Galen at Samwell dala iyong mga kickboards at pull bouys na ginamit namin para sa training nila sa swimming at inilagay sa tamang lagayan.
"Sabay na tayong umuwi, sandali lang at gagamutin ko ang sprain ni Jalandon," saad ko sa aking mga atleta.
"Ah sige po," si Jorah ang sumagot. Dalawa ang sports na sinalihan nito swimming at sepak, gusto ko ang sipag ni Jorah.
Iyong dalawa ay nagsimula nang lapitan at kausapin si Jalandon.
"Jorah pwedeng maglagay ka ng tubig sa basin at isang hanky? Salamat." Nginitian ko ang bata matapos utusan. Isa ito sa batang hikahos sa buhay pero gustong maging atleta, at nag-aaral ng mabuti.
Gamit iyong bigay ni Jotrah ay si Jalandon ang pinalinis ko sa kanyang paa, ano siya? pati sa paglinis ng paa ako pa ang gagawa?
Tumulong si Galen sa paglilinis ng pa nito at pagpunas ng tuyong panyo.
"I-relax mo para hindi humigpit," sabi ko at sinumulang lagyan ng elastic bandage ang bukong-bukong niya.
Even his foot exudes affluence, having been lavished with designer labels. Although I don't want to generalize, privileged kids stand out. Their skin tone, the labels they wear, and even their manner of speech and demeanor can all give them away.
He's fifteen but I guess he's five feet and eleven. Unang tingin mukha itong may lahing banyaga.
I'm silently shaking my head while I am wrapping the gauze after putting the under wrap.
Palibhasa ay mayaman kaya siguro ganito kung umasta. Perhaps it was wealth that shaped the way he carried himself... that quiet arrogance born of comfort, of always being obeyed. Maybe he grew up in a world where commands replaced kindness, where control was the language of affection. Or maybe... I've simply judged him too soon, mistaking his manner for malice when it was only habit.
Napapansin ko rin kung paano siya makitungo sa mga kaklase niya, masungit at malamig.
"Practice mo pa lang pero injured ka na agad?" tanong ko.
"We can't avoid it," nababagot niyang sagot.
"Ang galing nga niya ma'am kanina e, practice game pa lang," komento ni Jorah.
"Galing mo lumamon ng senior Axis," sabi naman ni Galen habang napakalawak ng ngiti. Tinignan ko si Galen, pansin na pansin ko ang paghanga niya kay Jalandon. Napapailing ako. Alangan namnan PE ang gagalingan niya, pano naman music, arts, at health?
Hindi ako nabibilib, sa ganito lang siya magaling pero hindi siya maayos na estudyante sa akin.
"Tss... magaling din naman kayo." Ito ang reaksiyon niya sa lahat ng sinabi ng mga atleta ko. Kita? Ni wala man lang kabuhay-buhay, walang touch of friendliness sa katawan.
"Eh ang galing niyo kayang paamuhin 'yong iba diyan," pasaring niya.
Napataas ang kilay ko, hindi ako tanga kung ano ang ibig sabihin niya roon dahil titig na titig siya sa akin nang sabihin niya iyon.
"Dahil una sa lahat Jalandon, hindi aso ang mga tao para paamuhin mo. Pangalawa magtino ka. Pangatlo, we earn respect, we don't demand them." Pinantayan ko ang titig niya, sa pagkakataong ito ipapakita ko sa kanya na mas matanda ako sa kanya.
Sa ilang segundong titigan namin ay siya ang nag-iwas ng tingin matapos tumikhim.
Hindi ko na napansin ang sumunod niyang sinabi. Pero narinig ko ang tanong at pangusyuso nina Galen.
I was busy placing the end of the tape running diagonally over the top of his ankle from his sole, then I made a horseshoe-shaped and repeated it. Wrapped it with a bandage and secured it with a metal fastener.
"Try to be friendly too, Jalandon," sabi ko, siya na nga itong kinakaibigan ito pa ang isnabero.
"Why? You are not even friendly," sagot niya.
"Hindi naman sa akin, sa mga kaedaran mo," sagot ko. At paki ko kung hindi ka friendly sakin, you wish! Gusto ko sanang idugtong kaso baka marinig nga mga atleta.
Napapasingkit ang mata ko at tumayo na lang nang makapagbuntong-hininga. Ayaw ko nang maulit iyong usapan naming iniinsulto ang pagiging baguhan kong teacher.
"Sabay ka sa'min, Axis? Madadaanan 'yong Vista niyo," yaya ni Samwell.
Nakangisi akong ginulo ang buhok ni Samwell, siya ang pinakabata at pinakamaliit, gusto ko rin ito dahil napakasipag niyang bata.
"Haynaku Samwell, may sasakyan sila Axis," sabi kong nagliligpit ng aking mga gamit.
Tumayo na si Jalandon at masama ang titig niya sa akin. Umiiwas talaga ako sa kanya, hindi ko gusto ang ugali niya. Kahit titigan mo pa ako ng nag-aapoy mong mga mata di ako matitinag.
Tama siya, baguhan akong teacher dahil hindi ko alam paano kunin ang ugali ng estudyanteng may ugaling tulad niya.
Hangga't hindi niya rin naiisip kung paanong tunay na naiiba siya kung makitungo sa akin, hindi ko siya papansinin.
"Wala akong sasakyan... pwedeng sumama?"
Huh? Makikisabit ka pa samin eh. Napapairap ako habang naririnig ko ang tuwa ng tatlong atleta.
"Oo naman Axis," si Jorah ang sumagot.
"Minsan naman talaga nagta-tricycle ka diba, Axis? Nakikita kita minsan eh," sabi naman ni Samwell.
"Sometimes," tipid niyang sagot.
Maraming gustong makipagkaibigan sa kanya, napapansin ko 'yon.
May mga estudyanteng mayayaman sa eskwelahanng ito at si Jalandon ang sa tingin ko ang pinakamayaman. O baka feeling ko lang kasi siya lang naman itong ganito kung umasta sa akin.
Kaya nasabi kong siya pinakamayaman dahil hindi namin ganito umasta ang ibang mga estudyanteng mayaman dito.
"Samwell, dito ka-" sabi ko pero bago pa makaupo si Samwell sa tricycle ay si Jalandon na ang umupo sa tabi ko, nanahimik na lang ako.
"Ayos lang kayo d'yan?" Nilingon ko sina Samwell at Galen sa likuran namin at sa likod ng driver na nakaupong si Jorah.
"What do you think? Of course they are," sapaw na sagot ni Jalandon.
Tinaasan ko siya ng kilay. You can't receive good treatment from me when you don't know how to respect a person that's older than you.
Iba ang setup ng tricycle dito sa Belleza Maria. May dalawang upuan sa likod at dalawang upuan sa harap na parang setup ng upuan ng isang kotse.
Kaya nakikita nina Samwell ang malamig na pakikitungo ko sa estudyanteng tingin nila ay diyos.
"Bukas 'di ka makakapag-ensayo Samwell?" Nilingon ko si Samwell, nasagi ko ang braso ni Jalandon pero pinanindigan kong hindi siya pansinin.
"Opo ma'am, pasensiya na," mahiyaing sagot ni Samwell.
"Naiintindihan ko, sa Christmas break, p'wede ba akong dumalaw sa lugar nyo?"
"Ay opo ma'am, siyempre," sagot ni Samwell.
"Ma'am sabi ko rin po kay nanay na may titser kaming maganda kaya sabi niya imbitahan ka daw po namin sa piyesta," maligayang nakisali si Galen.
"Talaga? Wow! Pwede ba?" Napangiti ako at tuluyan nang bumaling sa kanila.
"Opo, ma'am, balita po sa'min na may mga teachers na maganda ngayong taon kaya nga po no'ng nasabi kong kayo ang pinakamaganda eksayted sila."
Natawa ako sa sinabi ni Galen. Siyempre alam ko namang binobola nila ako.
"Iyong kuya at Tito ko sumadya pa dito para makita ka po sabi nila parang diyosa ka raw," dagdag ni Samwell.
Naisara ko ang dalawang bibig ko at nilawayan muna 'yon bago tumawa, nakakatuwang biro, mga bata talaga magaling mang-uto.
"Nakakataba naman ng puso." Tumatawang sabi ko.
"Opo ma'am, crush ka po no'ng pinsan ko." Sumilip naman si Jorah sa amin.
"You'll get heart disease if your heart goes fat," komento ni Jalandon, napairap na lang ako, maghanap ka ng kausap mo.
"Diba crush din ni Cyc si ma'am, Axis? Kaya noong bakasyon hinanap niya yung peysbuk ni ma'am?" tanong si Galen, tumikhim si Axis.
Hindi sumagot si Jalandon hanggang sa kailangan nang bumaba ni Jorah, sa susunod ay ako na at si Jaladon ang bababa.
Malapit kasi ang Vista nila sa inuupahan ko, bale parang ito ang bayan ng Belleza Maria.
Huling bababa sina Samwell at Galen.
"Nong, lima po yan, salamat," sabi ko at nag-aabot ng bayad nang naunahan ako ni Jalandon.
"Ako dapat magbayad non-" sabi ko.
"And who sets that rule?" masungit niyang sabi.
Paika-ika itong naglakad. Hindi niya ako nabigyan ng pagkakataong makapagbayad.
"Fine. Thanks," sabi ko.
Sinilip ko iyong lalakarin niya, mahaba-haba pa iyong burol na kinatatayuan ng Vista nila.
Sa likod nitong mga hiwa-hiwalay na kabahayan ay ang pribadong taniman ng kanilang maliit experimental vineyard ng mga Jalandon.
Mga Jalandon din ang nagmamay-ari ng mga Mango plantation sa Guimaras at ang pamilyang kauna-unahang nagpatayo ng plantang coil-free sa Negros. Paano ko nalaman? Sa mga co-teachers ko, kapag nababangit kasi ang apelyido niya, parang automatic na 'mayaman' kaya't napaguusapan.
"Are you mad at me, Miss?" tanong nitong tinaasan ko lang kilay.
Tinalikuran ko lang siya.
Now, I hope this answers his question, dimwit kid!