Chapter 4: Day

1856 Words
The brisk, orange sensation of dry season is assaulting my senses as I move through the pathways. At the same time, I am aware that the air is becoming increasingly thinner. It makes one feel at home and cozy. I noticed that some of the leaves were beginning to turn color. It marks the passage from middle age into old age. The leaves are falling off of it. They are bidding farewell to the warmth and shelter provided by tree branches and twigs, not because they wish to leave but because the briskness of the air compels them to do so. Ngayon ang huling linggo sa buwan ng Oktubre, lumalamig na ang simoy ng hangin at kaygandang pagmasdan ang ang paglalagas ng mga dahon sa mga puno na nakatayo sa malawak ng pathway ng eskwelahan. This is one of those things that would prove to us that falling is beautiful. Magaan lamang nga mga ibinigay kong gagawin sa estudyante ngayon, nagkaroon kami ng music lesson at patungkol sa mga classic songs na gawa ng mga Filipino artists. Bago matapos ang Nobyembre ay magkaroon sila ng presentation gamit ang dalawang kantang pipiliin ng tatlong grupo sa isang klase. Tatlong section ang hawak ko sa grade 7 at grade 8. Dalawang section naman sa grade 9 at 10. Isang section sa grade 11 at 12. May hawak din akong swimming team, ngunit gusto ata akong patayin ng trabaho dahil ginawa pa akong official assistant coach ng speak kaya't kahit wala akong advisory ay nahihirapan pa rin ako loads ko. Mabuti't hindi ko hawak lahat ng section ng mga baitang at baka mabaliw na ako. "Oh, anong ginagawa mo, Jalandon? Matutulog ka lang, hindi ka makikipag-ccoperate sa mga kagrupo mo?" Hinayaan kung mag-practice and mga grupo ngayon ang kaso itong Jalandon ay nakayuko lang sa desk at mukhang natutulog. Graded pa rin ang araw na ito dahil tinitignan ko kung nagtatrabaho at nakikipagkoopera ba sila sa kagrupo nila. "I'm not feeling well, miss," sabi nito. Wag mo akong lokohin, muhang mas matibay ka sa kalabaw at mukhang mas malusog ka pa kaysa kay Joan na hikain. Napairap ako dahil mukhang alam ko na ang susunod niyang sasabihin. "Can I stay at the clinic for a moment?" sabi nito, kunyaring nanghihina. "Wag mong gawing intenirary ang clinic, Jalandon. Tumayo ka diyan at pumunta ka sa grupo mo," sabi ko habang binibigyan siya ng naiinis na tingin. "Axis, halika na rito," tawag ni Aniela sa kanya, ang kanilang group leader. Ngumuso ito at walang nagawa kundi ang lumapit sa grupo nila. Lunch break nang pumasok si Jalandon sa clinic, ni hindi man lang kumatok, nakakawalang modo talaga. "Sa susunod kumatok ka, pag di mo pa gagawin yan sa susunod, sisiguraduhin kong ila-lock ko ang punta tuwing lunch break," sabi ko, habang tinataasan siya ng kilay. Hinahanda ko ng ilabas ang aking lunch box. "Fine, you're so grumpy." Bigla itong humiga sa higaan ng clinic. Wow! Ibang klaseng estudyante. "You know, miss, I don't have the energy to go to the cafeteria and buy food..." pagpapasaring niya. 'Oh eh ano naman ngayon?' "And?" tanong ko. Sinumulan ko ng buksan ang aking ulam na afritada at ininit sa binili kong microwave para paginitan ng pagkain ko. "And? Could you please share your food with me?" sabi nito sa mahinang boses, "tsaka, titikim ako sa lutong ulam mo," dagdag niya. 'Ayoko nga!' Ang hirap pala talagang palaging galit, at isa ito sa mga araw na sinukuan ko na ang mainis sa kanya dahil kahit anong gawin ko matigas talaga ang ulo niya. May mga araw na pinapaalis ko sya ang kaso ay pinipilit niyang masy sakit talaga siya. Mga tatlong beses ko nang ginawa iyon. Gusto ko siyang ireklamo sa principal, ang kaso baka nga mapatunayan na mediocre teacher lang ako dahil isang estudyanteng matigas ang ulo pa lang sinukuan ko na. Dinamihan ko ang ulam kong niluto dahil inimbitahan ko ang tatlong samahan akong kumain ngayon. Saktong nainit na ang ulam at luto na ang kanin sa rice cooker ay dumating sina Samwell, Galen, Jorah, at Arlo. Inimbitahan ko na rin si Arlo at tulad nila Jorah ay nakita kong wala itong kinakain sa lunch break. "Halina kayo at kumuha na kayo ng pinggan," sabi ko. Napalingon ako sa estudyanteng nakahiga sa higaan at nakatalikod samin. "Jalandon, sumandok ka pagkain mo't hindi ka senyorito para pagsandukan namin," sabi ko. Wala pang segundo'y bumangon ito't mabilis na kinuha ang pinggan ni Galen. Nagulat man ang inagawan niya ng pinggan at ngumiti pa rin at kumuha nalang ng panibagong pinggan. Wala na talaga akong masabi. Pinatabi namin ang dalawang desk mesa upang magkakasama kaming kakain. Inilipit namin ito sa higaan dahil tatlong upuan lang ang mayroon sa clinic. Ako na ang umupo sa higaan, ipinatabi ko si Jorah at Samwell sa akin ngunit mabilis pa sa alas quatrong umupo si Jalandon sa kaliwang parte. Kaya't napagitnaan nila ako ni Jorah, si Samwell na lang ang nag-adjust. "May tryout mamaya, Arlo. Gusto mong subukan?" tanong ko matapos naming pagusapan ang schedule ng training namin. "Sige po, ma'am, ang kaso wala kasi akong damit pangligo eh," sabi nito. Kung hindi ko siya inalok nang inalok na kumuha ng ulam ay isang sandok lang ang kakainin niya, halatang gutom siya ang kaso ay nahihiya lang. Hindi tulad nitong katabi ko, si Jalandon, nakailang sandok na akala mo kasama sa budget, eh salingkitkit lang naman. "The taste isn't bad huh?" Tumatango-tangong sabi nito nang maubo niya na ang pagkain niya. Hindi ko naman hinihingi ang opinion niya kaya wala akong sinabi at patuloy na kinausap si Arlo. "Wag kang mag-alala may mga spare cycling short dito tsaka rash guard," sabi ko. Padabog niyang inilagay ang pinggan sa lababo, kaya't napatingin kaming lahat sa kanya. Hindi ko napansing tumayo na pala si Jalandon. "Hugasan mo yan– uy!" tawag ko ngunit hindi niya ako pinansin at mabilis na lumabas ng clinic. "Ayos talaga tong si Jalandon eh no?" sabi ko na lang, kasi bilib na bilib na talaga ako sa paguugali niya. Alas dos palang ay nagsimula na kami sa swimming tryout. Kasama ko si Sir Camaya, Sir Makoy at dalawa pang MAPEH teachers para manood sa mga estudyanteng magtatryout ng swimming. Marami ang nagtryout kahit papaano. Dalawang Grade 11, tatlong grade 7 at dalawang grade 8. Hindi ko nga inasahang aabot sa tatlo ang sasali. Limang lalaki at dalawang babae. Lahat sila sinali ko sa team kaya't may labing-isang atleta na ako sa team. Kung dati ay apat lamang, sina Jorah, Samwell, Galen at iyong anak ng negosyanteng si Bronn na estudyante ko ngayon ay marami na. Hindi pa nila gaanong alam ang postura ng freestyle pero pansin kong mabibilis silang lumangoy kaya't sinali ko silang lahat. "Mukhang mag-uuwi na ng medal ang swimming team ma'am, mukahng may potential ang mga swimmers niyo ngayon eh," sabi ni Sir Camaya. "Sana nga sir eh." Hanggang alas quatro and tryout kasama na ang konting orientation patungkol sa mga trainings sa mga atletang kinuha ko nang makita kong naglalakad papasok sa swimming area is Jalandon. Nakaalis na ang ibang Mapeh teachers, ngunit may mangilan-ngilan pang mga estudyante rito. Napataas ang kulay ko nang lumapit ito sa amin habang nasa bulsa ng kanyang ang mga kamay nito. Saglit ko lang siya nilingon at wala rin naman siyang balak na mas lumapit pa sa amin, nawala na rin ang paningin niya sa amin nang mabilis itong napalibutan ng ibang estudyante. Napapasulyap ako habang nagsasalita at sa kumpulan kung saan siya ang main of attraction. Napapailing na lang ako dahil hindi ko mawari kung bakit pa siya nag-aksaya ng oras na pumunta rito. Tinapos ko na ang meeting at niyaya ko nang umuwi ang mga atleta ko. Masayang nag-uusap sina Galen, Samwell, Arlo, at Jorah nang mabilis na nakaalis sa kumupulan si Jalandon. "Gotta go," sabi nito at agad na iniwan ang mga estudyanteng nais pa siyang kausapin. "Uy, Axis, sayang hindi mo naabutan iyong Grade 8 na parang pamangkin ata ni vice-mayor," sabi agad ni Jorah. "Hmm," sagot naman ni Jalandon. Napapailing ako kung paano niya sagutin nang ganoon lamang ang mga sinabi nina Samwell sa kanya. Sa bawat kwento ng apat ay tango at ngiti lang ang naisasagot niya. "Do you have some stories to tell?" Mabilis akong napalingon sa tabi ko, kanina lang ay nasa likuran ko lang sila nahuhuli sa paglalakad dahil abala sa usapang hindi niya naman sinasalihan. Naglalakad na kami sa mahabangp pathway kung saan puro puno ang gilid, ito ay diretso sa main at harapang gate ng eskwelahan. "What stories?" tanong ko. "Well, the boys have got a lot of stories to tell. I'm wondering if you've got one," sagot nito. Napansin ko ang paglalagay niya ng mga kamay niya sa bulsa ng kanyang slacks. Tiningala ko siya dahil napakatangkad niya. "I don't, do you?" tanong ko ulit. "I have," saad niya. "Then go tell those to your new friends, Jalandon. Mas magkakaintindihan at matutuwa pa kayo dahil magkaedad lang kayo." Inirapan ko siya habang sinasabi iyon. "Yeah, whatever." Napatawa ako ng mahina dahil sa tinuran niya. "So, how's your day? Are you tired today?" tanong nito. Matapos ang ilang segundong katahimikan. "Fine," tipid kong sagot. "What did you do after lunch?" tanong niya ulit. "Had a class and went to the swimming pool for the swimming tryout." Inayos ko ang aking shoulder bag habang sinasagot ang mga katanungan niya. "So how was it?" Tumigil ako sa paglalakad at pinang-mewang ko ang aking kaliwang kamay. "Why don't you ask the boys what happened to their day? Kasi kanina pa sila nais na magkwento tungkol sa tryout pero ayaw mong makinig tapos ako tinatanong mo dyan." Mahabang litanya ko. "Well, if you weren't that gorgeous—I mean, kind of—I'd say you're naive, but you really are." Tumango-tango pa ito na parang nakumpirmang tanga nga ako, kung hindi niya sinabing 'gorgeous' ako baka mainis na ako, kaya patatawarin ko siya saglit. Ngumiti ako. "I'll take the first one as a compliment, and I'll pretend I didn't hear the latter." Umirap ako at muling naglakad. "Wait!" sigaw nito. Tumatakbo na pala sina Joraj palapit sa amin. "Parang crush mo si ma'am, Axis," sabi ni Samwell. "You wish! I've seen prettier girls than her," sagot naman ni Jalandon. 'Eh ano naman kung maraming mas maganda sa akin?' "Gustong-gusto mo siyang kausap eh," ani Galen. "Well, she's the best target, she easily gets annoyed," sagot muli ni Jalandon. "Hindi naman mabilis mainis si ma'am," sabat ni Arlo, "Diba ma'am?" tanong niya sa akin at nilingon ko sila at tumango ako. Hinayaan ko lang silang mag-usap, at pag-usapan ako habang naririnig ko sila. Ang gagaling! "You're wrong! Mainitin ang ulo niyan!" sagot ni Jalandon na halatang pinaparinig sa akin. 'Bahala ka diyan!' "Baka kasi may ginagawa kang kinaiinisan niya," sabi ni Jorah. At doon na siya natahimik. Napapadalas ang pagsabay ni Jalandon sa amin nina Galen, Samwell, at Jorah. Kasabay na rin namin si Arlo. At sa bawat araw na sumasabay siya ay ganoon pa rin ang madalas niyang tinatanong at hindi iyon pumapalya. 'How's your day? Are you tired today?'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD