Sabay kaming napatingin ni Sky sa langit nang biglang kumulog kasabay no’n ang pagbuhos ng ulan. Hindi ko alam kung sisilong ba kami o maliligo na lang sa ulan tutal nabasa naman at maglalaba rin. “Hindi ba tayo sisilong?” tanong niya kaya napatingin ako sa kanya. “You’re not wearing a bra.” Mabilis kong tinakpan ang dibdib nang mapansin kong nakatitig siya ro’n. “A-Ano naman? Sa hindi ako komportable magsuot ng bra. Ang init kaya.” Dahilan ko at nag-iwas ng tingin nang tumingin siya sa akin. “Ba’t ka kasi nakahubád?” “Naiilang ka?” natatawang tanong niya. “Nagtanong ka pa,” sikmat ko dito. “Magsuot ka nga ng damit.” “Bakit ka naiilang kung nakita mo naman sa akin lahat?” “Ayon na nga, eh. Nakita ko na lahat. H-Hindi lang ako sanay lalo na dyan sa a-alaga mo,” nahihiya kong tinuro

