“Hindi ka pa babalik?” lingon ko kay Sky nang maramdaman kong nakasunod ito sa akin. “Hindi ba busy ka sa barangay?” Ngumuso siya. “Tinataboy muna ako ngayon?” Natawa ako. “Does it sound like tinataboy kita?” Umakbay siya sa akin. “Bro, makakahintay sila. I want bebetime with my bro.” Sabay kindat nito. “Bro? Tropa tropa pagkatapos—” Pinanliitan ko siya ng mata nang takpan niya ang bibig ko gamit ang kanyang daliri. “Ssh, baka marinig ng kapatid mo. Malapit na tayo, oh.” Binaba niya ang kamay at nginuso ang bahay namin. “Wala pa naman siyang ka-ide-ideya kung gaano ka—” “Ssh,” tinakpan ko rin ang bibig niya dahilan upang matawa kami. “Ingay mo, Kapitan.” Tinuro niya ang sarili. “Ako?” tanong niya pagkatapos kong maibaba ang kamay. “Ako lang ba?” Napatuloy kami sa paglalakad at tin

