Kabanata 2

1450 Words
“Kai, tara na kasi,” pilit sa akin ng kaibigan ko habang hinihila ang manggas ng damit ko. “Wala tayong mapapala sa kanya kung papatulan mo.” Hindi ako kumibo at nanatiling nakatitig kay Skyler na hanggang ngayon ay nakangisi pa rin sa akin. Kung kanina, gwapong-gwapo ako sa kanya, ngayon asar na asar na. “Staring competition ba ‘to? Baka magkaluwasan kayo niyan,” pabirong wika ni Lei. “Walang balak magpatalo? Come on guys, we're not kids anymore, stop it.” Hangga't hindi nauunang magbawi ng tingin ang langit na ‘to, walang aalis. Ayokong magpatalo sa kanya kahit sa titigan lang. Gusto kong manindigan na hindi ako ganun kadaling matalo gaya ng sinabi niya kanina. Wala akong pakialam kung kilala niya ako o kung saan ako nakatira. I'm not threatened. “Ba't hindi makapagsalita ngayon?” hamon niya sabay lapit lalo sa akin. “Kaisha? What a nice name…” at ngayon, ginagawa niyang katatawanan ang pangalan ko. Tama bang ugali ‘yun ng isang kapitan? Bwisit siya! “Maganda ka rin.” Nagbaba siya ng tingin pagkatapos basain ang ibabang labi. Halos makalimutan ko nang huminga nang masagi ng tungki ng ilong niya ang akin. “Gusto mong makatikim?” kasabay ng pag-angat niya ng tingin, tinampal ko ang mukha niya. “Gago!” tinulak ko ang mukha niya at inis na naglakad, rinig ang malakas niyang tawa. Kainis! Dapat pala sinuntok ko na lang! Nakalamang pa ako! Talo tuloy ako! “Talo!” napapikit ako ng mariin nang sumigaw siya. “Kaisha, loser!” “Kai sandali! Mababasa ka!” sigaw ng kaibigan ko ngunit huli na dahil basang-basa na ako sa sobrang lakas ng ulan. “L-O-S-E-R!” napahinto ako sa paglalakad at masamang tumingin kay Skyler nang dumaan ang kotse nila habang binibigkas ang mga katagang ‘yun. “K-A-I-S-H-A!” dagdag pa niya sabay ngisi ng nakakaloko. Muli akong napapikit at nakuyom ang kamao nang tumalsik sa akin ang putik nang humarurot ang sasakyan nila. “Kai—pfft!” pigil tawa ni Chine nang mahabol niya ako. “You look like—” hindi niya natapos ang sasabihin nang samaan ko siya ng tingin. “Ano? May sasabihin ka? Gusto mong sumama sa lecheng kapitan na ‘yun? Eh ‘di sige! Magsama kayo!” padabog akong nagpatuloy sa paglalakad. “Kai naman! Turn off nga ako sa kanya! Ito naman.” Habol niya ulit sa akin. Kitang-kita ko sa gilid ng mata ko na nagpipigil talaga siyang tumawa kaya kinurot ko. “Aray ha! Ba't kasi bigla ka na lang sumabóg? Misunderstanding lang naman ‘yun,” saad pa niya. “Galit na galit? Gustong manakît?” “Ang sama ba naman ng tingin sa akin!” nangangalaiti kong sabi at kinuha ang panyo sa loob ng eco bag saka pinunas sa mukha ko. “Saka totoo naman ang sinabi ko ‘di ba? Palagi siyang wala sa tuwing kailangan natin siya.” “Naiintindihan kita at tama nga naman,” tumatangong sangayon niya. “Alam ko rin kung bakit bigla ka na lang sumabôg kanina sa galit.” Napabuntong hininga na lamang ako. Ayoko sanang maalala pero tinrigger ako ng kapitan na ‘yun! Walang-wala ako no'ng kailangan ko ng pambili ng gamot para sa kapatid ko kaya ang inaasahan ko na lang ay yung ibibigay ng barangay pero wala pa rin ang kapitan para permahan ang listahan. Hindi ko naman magawang lumapit kay auntie dahil pinahiram niya ako ng puhunan para sa munting karinderya ko malapit sa sabungan. Sa awa ng diyos, nakita ako ni Chine sa araw na yun at kahit hindi niya ako ganun kakilala, hindi siya nagdalawang isip na hiraman ako ng pera kaya habang buhay kong tatanawin na utang loob ang pagtulong niya sa akin. “Wag na nga natin isipin ang kapitan na ‘yun! Pagtatalunan pa natin eh,” inakbayan niya ako. “Bawi na lang tayo sa susunod na eleksyon. Sayang ang boto eh, hindi naman epektib na kapitan.” “Hindi talaga,” gigil na sagot ko. “Matalo sana siya sa susunod na eleksyon.” “Next month na ‘yun kaya konting tiis na lang.” Susubukan kong kumbinsihin ang pamilya ni auntie na huwag iboto ang kapitan na ‘yun, eh wala naman naitutulong sa barangay pati sa mga tao niya. Baka nga ‘yung pondo ng barangay ay pinambibili niya ng mamahaling sasakyan, halimbawa na lang ‘yung sasakyan niya kanina na McLaren. Hindi talaga uunlad ang Barangay Sinakulo. Kawawa ang mga tao—kawawa kami. “Kai! Chine! Sakay!” Sabay kaming napatingin ni Chine sa tumawag sa amin. “Oy, ang manliligaw mo,” kalabit sa akin ng katabi ko. “Manliligaw ka dyan,” kibit-balikat kong sabi. “Hindi ko naman pinayagan saka wala akong oras para dyan.” Nang makalapit sa amin si Zeke gamit ang motorsiklo niya, nakangiting tinanguan ko ito. “Ikaw pala, Zeke.” “Zeke!” salubong sa kanya ni Chine. “You’re here! Akala ko ba hindi ka marunong mag sidecar? What’s this? Sacrifice?” pilyang tanong niya sa lalaki kaya palihim kong kinurot at pinandilatan ng mata. “I have to,” nakangiting tugon ni Zeke sa kanya. Tropa sila kaya hindi malabong mauwi sa asaran ‘to mamaya which is sanay na ako. “Hiniram ng kapatid ko ang kotse ko kaya napilitang mag sidecar.” “Pero paano mo nalaman na nandito kami?” takang tanong ni Chine. “Rai called me,” sagot nito. Nahagip ng mata kong napatingin siya sa akin. “Anong nangyari sa’yo? Ba’t ano… putikan ka? Nadulas ka ba?” “Long story, Zeke. Wala ‘yan sa mood kaya tara lets!” iginaya ako ni Chine pasakay sa motor habang nakasunod ng tingin sa akin si Zeke. “You sure na kaya mo kami?” “Kaya naman—” “Huwag mo lang bilisan ang pagpapatakbo mo,” putol ko sa sasabihin niya. “Hindi ka pa naman sanay.” “Oy concern siya,” ito na nga ba ang sinasabi ko. Manunukso na naman ang babaing ‘to. “Pero oo nga naman, Zeke, wag mo na lang bilisan. Gusto pa naming mabuhay ng matagal.” “S-Sige, babagalan ko na lang,” wika nito at hinubad ang jacket saka nilahad sa akin. “Suotin mo, mukhang nilalamig ka na.” “At ako?” sabay turo pa ni Chine sa sarili. “Mamatày na lang sa lamig, ganun?” Natawa si Zeke. “Share na lang pala kayo.” “Ganyan dapat! Hindi ‘yung siya lang. Halata ka naman masyado, Zeke.” Asar pa niya kay Zeke at kinuha ang jacket. “Ikaw talaga, Chine…” naiiling na lang siya. “Bagal mo kasi.” Rinig ko pang sabi ng katabi ko na hindi ko na lang pinansin. Tahimik lang ako buong biyahe habang sila nag-uusap ng kung anu-ano. I was too busy thinking kung paano mababawian ang kapitan na ‘yun. May araw din siya sa akin. Nang malapit na kami sa bahay nila auntie, kumunot ang noo ko nang mapansin ko ang nakaparadang kotse sa tapat nila. “Teka, pamilyar sa akin ang kotse na ‘yun ah,” saad ni Chine pagkatapos itabi ni Zeke ang motor sa tabi ng kalsada. “Pareho?” Gusto ko rin malaman kaya agad akong bumaba. “Chine, ‘yung pamasahe—” “Huwag na,” tanggi ni Zeke. “Pumasok na kayo sa loob. Baka hinihintay na kayo ni Aling Marla.” Saglit kaming nagkatitigan at tinanguan ko nang makabawi. “Hindi ka sasama sa loob?” tanong ko. Umiling siya. “Hindi na. Ibabalik ko pa kasi itong motor. Hihintayin ko na lang sa bahay ang chicken pastil na inorder ko.” “S-Sige,” sagot ko at siniko si Chine dahil panay bungisngis na parang bata. “Doon muna kami ha?” “Yeah, sure…” nakangiting sagot ni Zeke saka kumaway. Hinila ko na si Chine papasok sa loob ng bahay ni auntie ngunit napatigil kami sa may maliit na hagdan nang makarinig ng nag-uusap sa may sala. May papalabas! “Kapitan, hindi na po ba kayo magkakape—Kaisha?” natigilan si auntie nang makita niya kami. “Auntie…” halos pabulong kong sabi at dahan-dahan nag-angat ng tingin sa lalaking nakapamulsang nakatayo sa harap ko. “Bakit ngayon ka lang? Tumabi ka dyan at dadaan si kapitan.” Hindi ko pinansin ang sinabi ni auntie at napakô sa kinatatayuan. Napalunok ako nang magtama ang tingin namin ni Skyler. Ang lamig ng mga mata niya. “Yung kape, pwede bang siya ang magtimpla?” Bakit ako?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD