Hindi ko pinansin ang marahang pagsiko sa akin ni Chine at nanatiling nakatitig sa lalaking nasa driver's seat.
“Si kapitan nga,” bulong sa akin ng katabi ko na panay kurot sa akin. “Mas lalo siyang gumwapo kumpara noon. He looks more mature and halatang batak mag-gym sa katawan pa lang. Mapapa-ulalam ka na lang.”
Hindi ko siya kinibo at pinasadahan ng tingin ang kapitan ng barangay namin. Huling kita ko sa kanya ay noong nakaraang eleksyon. Madalas sa tarpaulin at campaign ko lang siya nakikita at hindi rin sa malapitan.
Ito ang unang beses na natitigan ko siya sa malapitan at masasabi kong tama si Chine. Mas lalo siyang gumwapo, naging matured tingnan pero may parte sa akin na namimisteryosohan sa pagkatao niya o baka ako lang?
“Tingin mo papatulan niya ako?” tanong ng kaibigan ko kaya hindi ko maiwasang mapangiwi.
Bukod sa pagiging kuripot, kilala si Skyler na mahigpit at walang pakialam sa babae kaya imposibleng patulan niya ang kaibigan ko.
“Malabo,” tipid na sagot ko kaya ayon tinulak ako ng gaga. Muntik na tuloy akong masubsob sa bintana kung saan si kapitan. “Sorry,” hingi ko ng paumanhin nang sandaling magtama ang mata namin at agad na lumayo. “May kailangan po ba kayo?”
Palihim kong kinurot si Chine dahil sa ginawa niya pero bumungisngis lang siya. Nakakahiya tuloy.
“Hindi ako,” sandali akong natigilan nang sumagot si kapitan. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nagandahan sa boses ng isang lalaki. Malamig at mabigat pero kayang pakalmahin ang sistema mo. Ewan ko na lang kapag galit. “Ang kasama ko.”
Napatingin ako sa tinutukoy niya at napagtantong may kasama pala siya.
“Wait lang girls, mabilis lang ‘to.” Baling sa amin ng lalaki na tingin ko ay may kausap sa telepono dahil nakadikit yun sa tenga niya. “Can we talk later, Reina?” sabi niya sa kausap. “Nasa daan pa kami.”
Nagkatinginan kami ni Chine at nagpalitan ng makahulugang tingin saka siya tumango ng isang beses.
“Hindi ko napansin na may kasama siya,” yun din sana ang sasabihin ko sa kanya. “Masyado tayong na-starstruck sa kapogian ni kapitan pero sana isabay tayo. Tingnan mo oh, para na tayong basang sisiw,” bumubulong nitong sabi na tinanguan ko na lang. “Si kapitan na ‘yan, aarte pa ba tayo?”
Alam kong tipo niya si kapitan kaya ganito na lang siya kung magsalita na tila kinikilig pa.
“Baka singilin tayo,” bulong ko pabalik. “Kuripot ‘yan ‘di ba? Siguradong mahal ang gas ng kotse. Mamahalin pa naman.”
Natawa siya sa sinabi ko. “Matu-turn off ako sa kanya kung ganun. Pero grabe naman kung sisingilin nila tayo, eh sila itong nag-alok na isabay tayo? Eh ‘di magbayad na lang kung sakali.”
“Mabuti pa nga.” Sangayon ko.
“Sumabay na kayo sa amin,” sabay kaming napatingin ni Chine sa lalaking kasama ni Skyler. “Malakas pa naman ang ulan at umaambon na rin. Saan ba ang punta niyo?”
“Sa palengke,” diretsong sagot ko at hindi hinayaan na mapatingin kay kapitan dahil nakakailang. “Okay lang ba?” the question was directly to Skyler. Tingin ko siya ay may-ari ng kotse.
Bukod doon, parang nakakahiyang sumakay at sumabay sa kanila sa itsura namin ngayon na basang-basa.
“Okay lang naman sa akin,” saglit siyang timingin kay Skyler na para bang humihingi ng permiso na pasakayin kami. “It's your people bro, hahayaan mo bang maglakad sila sa gitna ng ulan?”
“Get in,” mabilis akong nag-iwas ng tingin nang mahuli niya akong nakatingin sa kanya. Parang ang hirap na hindi tumingin sa kanya. Ang ganda niyang lalaki at hindi nakakasawa titigan. “Remove your raincoat.” Utos niya kaya agad na inalis ni Chine ang kanya.
“Alisin mo na rin ‘yang sa ‘yo, ako na hahawak ng payong.” Kinuha sa akin ni Chine ang payong at tinulungan ako sa paghubad ng kapote.
“Magkapatid ba kayo? I'm Lei by the way,” pakilala ng lalaki. “Siya naman si Skyler. Kilala niyo naman siguro ang kapitan ng barangay niyo?”
“Hindi,” sagot ko habang abala sa pagtutupi ng kapote.
Napatingin ako kay Chine nang kurutin niya ako sa tagiliran.
“Bakit?” takang tanong ko. May nasabi ba ako?
“Iyong sagot mo kasi, ayusin mo,” lukot noo'ng sabi niya na ipinagtaka ko. Sumagot naman ako ng maayos na hindi kami magkapatid. “Naku naman, Kai.” Nagpakawala siya ng malakas na buntong hininga at pilit na ngiti-ngiting bumaling ng tingin kay Lei. “Sister by heart at syempre kilala namin si kapitan. Sino bang hindi?” siniko niya ako pero hindi ko pinansin.
Napatingin ako kay Skyler at bahagyang napa-atras nang magtama ang mata namin. N-Nakatitig pala siya sa akin.
“Lagot ka, Kai.” Bulong sa akin ng katabi ko. “Hindi kasi nakikinig, yan tuloy, galit.”
“Eh ano naman kung hindi ko siya kilala? Big deal ba yun sa kanya?” sabi ko pero kilala ko naman talaga siya, sadyang hindi ko narinig yung kasunod na tanong ni Lei at saka sumagot lang maman ako. “Wala naman siyang pakialam sa atin. Palagi ngang wala eh.” Prangkang dagdag ko at inilagay ang kapote sa loob ng eco bag.
“Kai, hinaan mo naman ang boses mo, rinig na rinig ka.” Saway sa akin ni Chine dahil napalakas yata ang boses ko na dapat bulong lang. Tawang-tawa tuloy si Lei.
“Totoo naman ‘di ba?” matapang kong tanong kay kapitan at nakipagsukatan ng tingin dito. Ang sama ba naman ng tingin sa akin.
“Hala, nire-real talk ka na ng tao mo,” pilyong wika ni Lei na tila aliw sa nangyayari. “Kung ako ‘yan, mahihiya ako. Chairman should be present all the time in the barangay hall, tama?”
“Tama,” confident kong sagot. “Kapag kailangan ka ng mga tao sa barangay, palagi kang wala. Saan ka namin hahanapin? Sa maynila? Bakit babayaran mo ba ang gagastusin namin sa transportasyon papunta doon?”
“Kai…” mahinang hila sa akin ni Chine. "Baka hindi na nila tayo isakay."
"Ayos lang, kaya ko naman maglakad." Pagmamatigas ko nang hindi inaalis ang mariing paninitig sa kapitan.
Padilim nang padilim ang tingin niya sa akin at wala ng mabakas na emosyon sa mga mata niya pero hindi ako nagpatinag. Mabuti na yung masabi ko ang hinanaing ng mga tao.
There was a time na pumunta ako ng barangay hall para sana itanong kung kailan ang distribution ng vitamins ng mga may sakit pero wala pa daw ang chairman para pirmahan ang listahan ng bibigyan. Dalawa oras akong naghintay pero walang dumating na kapitan kaya napagpasiyahan kong umuwi na lang.
Okay lang sana kaso sa sumunod na araw wala pa rin siya kaya hindi na ako bumalik. Bumili na lang ako ng gamot sa pharmacy kahit malayo at mahal.
Sa sumunod na linggo, nagbakasakali ako kaso wala pa rin siya. Inaasahan ko naman na pero yung makita na nakapila ang mga PWD na naghihintay ng release sa labas, yung inis ko sa araw na ‘yun ay abot na sa kasukdulan. Tirik na tirik pa ang araw sa oras na yun. Naawa na lang talaga ako. Supply pa naman yun para sa kanila at kagaya ko, hindi pa napipirmahan ang listahan. Awa na lang talaga.
“Parang pinatunayan mo lang sa amin na nagsayang kami ng pagboto sa'yo kasi ang totoo hindi ka talagang epektibong kapitan ng barangay,” harapang sabi ko sa kanya.
Kumulo bigla ang dugo ko nang makita ko siyang ngumisi. Sabi na nga ba, may kulo 'to sa loob. Wala talaga siyang pakialam sa mga nasasakupan niya.
“Fine, you got my attention. What do you want me to do? To serve you?” ngising tanong niya at kinalas ang seatbelt na parang bang nagbabanta.
"I think we should go.” Hila ulit sa akin ni Chine pero binawi ko ang kamay. “Masyado ka nang matapang, tara na.”
“Hindi, dito lang tayo. Isampal natin sa kanya ang katotohanan na hindi siya epektibong kapitan. Alam natin na tungkulin ng isang barangay chairman ang magbigay ng magandang serbisyo sa nasasakupan niya, hindi yung kailangan pa natin hanapin sa kabilang mundo. Kung magkakaisa tayo, pwede natin siyang ipatanggal.” Parinig ko kay Skyler pero nainis lang ako nang tawanan niya ako.
"Hey, miss, that's a bit personal—"
"Personal? Bakit pinakialaman ko ba ang buhay niya? I'm here to voice out the shortcomings of our captain. Masama na ba yun? Okay lang kung hindi niyo kami isakay, sanay naman kaming maglakad."
“Ano bang alam mo, Kaisha?” bahagya akong napa-atras nang dumungaw sa bintana ng kotse si Skyler. A-Ang lapit niya. “Nandoon ka lang naman sa bundok kaya ano bang alam mo sa ginagawa ko bilang kapitan ng barangay? At ipatanggal? Try harder, sweetie, kasi ngayon pa lang talo ka na.”
Natigilan ako. P-Paanong kilala niya ako? At kung saan ako nakatira?