“Mukha ba akong manloloko? Patingin nga ulit at baka namali lang ako ng nailagay,” dahilan ko pero ang totoo sinadya ko talaga. Kinuha ko ulit ang selpon niya at itinama na ‘yon. “Ayan, tawagan mo ulit.” Binalik ko sa kanya ang phone. “Tss. Just admit that you intentionally put the wrong number. Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. “What? Itatanggi mo?” “Are you accusing me? Sige, akin na ‘yan! Burahin natin!” sinubukan kong kunin sa kanya ulit ang phone pero mabilis niya itong na-i-angat sa ere. “Ikaw na nga ‘tong binibigyan ng number tapos inaakusahan mo pa ako na minalian ko.” “Come on, you don't have to deny it. I just caught you. You hesitated at first. I saw your hands trembling.” Aba't talagang pinagdidiinan niya. “Akin na!” Tumingkayad ako para abutin ang phone ngunit natapilok

