Bigla akong nahiya nang magsilapitan sila sa akin. Napaso lang naman ako pero bakit parang nagkasugat ako ng malaki sa reaksyon nila ngayon? Napatitig ako sa mukha ni Skyler na bakas ang pag-alala habang sinusuri nito ang kamay ko pababa sa aking katawan. “Are you hurt? Napaso? Nasugatan? Tell me where it hurts, baby,” natataranta at puno ng pag-aalalang wika ni Sky. Hindi ko alam bakit parang takot na takot ang mga mata niya. “Baby, m-magsalita ka naman.” “O-Okay lang ako, Sky. N-Napaso lang,” mahinang sabi ko. Bearable naman ‘yong hapdi pero nakaka-iyak. Mainit na parang sinusunog. It's hard to explain. Nanunuot sa balat ko. Mas gusto ko pa yatang nagkasugat na lang kaysa mapaso. “No, baby. You're not okay. Namumula ang kamay mo. Dadalhin na kita sa ospital.” Tumingin siya kay Lei a

