Palihim akong natawa dahil sa gulat sa mga mukha nila. Hindi pa naman kami kasal ni Skyler pero sa mga kilos niya, sobra pa sa asawa ang trato niya sa akin. Para sa akin naman, hindi ako nagmamadali na makasal. Pero kung magp-propose siya sa akin, malugod kong tatanggapin. Bukod doon, ayokong maramdaman ‘yong pakiramdam na kaya lang naman ako pinakasalan dahil buntis ako. I don't want to rush things sa relasyon na meron kami ngayon. Gusto ko ‘yong mabagal pero sigurado, na ako hanggang huli. Pero gaya ng sinabi ko, kung sakali man na magp-propose siya sa akin, tatanggapin ko. “Kailan ka pa kinasal, Kapitan? Hindi mo man lang kami inimbitahan?” wika ng lalaki. Hindi ko alam ang pangalan pero pamilyar sa akin ang mukha. “Grabe ka naman, Kap. Parang hindi mo kami mga kagawad, ah.” “Madal

