"Ate? Kuya? May nangyari po ba?" salubong sa amin ng kapatid ko, bakas ang pag-alala sa boses. Nagpanggap na lang akong tulog at siniksik ang mukha sa leeg ni Sky habang nakapasan sa likod niya. Sa totoo lang, hindi ko na maramdaman ang magkabilang hita ko sa walang tigil niyang pag-angkin sa akin. Lumupaypay na ako at lahat-lahat, pero patuloy pa rin siyang naglalabas-masok sa akin na para bang walang kapaguran. Ang ending, ito pasan niya ako dahil nanginginig ang mga hita ko. "She's fine, Tiffany. Pagod lang kakahabol sa akin kanina." Si Sky na tila natutuwa pa sa dahilan niya kaya palihim kong kinurot. Kapal ng mukha. Ako pa talaga ang naghabol? Hambalusîn ko 'to eh. "A-Akala ko naman may nangyari na," rinig kong bulong ni Tiffany. "Galing po kasi kayo sa gubat. Malay ko bang nat

