“W-Wala akong nilagay!” defensive kong sagot. “What makes you think na may nilagay ako dyan?”
“Really huh? Malay ko bang gusto mo'kong gantihan.”
Shiit! Natumbok niya!
“May nalasahan ka ba?” panghahamon ko. “Wala naman ‘di ba? Kaya bitawan mo'ko. You're wasting my time, kapitan. May ide-deliver pa kaming chicken pastil.” Pagdadahilan ko pero ang totoo gusto ko nang umalis dito.
Napangiwi ako nang ubusin niya ang natitirang laman ng kanyang tasa. Wala ba talaga siyang panlasa?
“Ayos ka lang?” wala sa sariling tanong ko. “Hindi mainit?”
Inisang lagok ba naman ‘yong kape na puno ng asin.
“Tss. Ano sa tingin mo?” pagsusungit niya at may kung anong ibinulong kay Lei.
Chance ko na sanang bawiin ang siko ko sa kanya kaso nahuli niya agad.
“Tatakas ka?” pinanliitan niya ako ng mata. “We're still talking, Kaisha.”
“Pwes ako tapos na.” Marahas kong binawi sa kanya ang aking siko at lumayo ngunit mabilis din ito nakalapit sa akin habang kinakalas ang necktie niya. “A-Ano bang ginagawa mo S-Sky? B-Baka nakakalimutan mong nandito si auntie.”
Atras ako nang atras habang humahakbang siya palapit sa akin. Tiningnan ko ang kinauupuan ni auntie pero wala na siya ro'n.
Kaya pala ang lakas ng loob niya dahil kami lang apat ang nandito, bwisit!
“Tingin mo may pakialam pa ako kung nandito ang auntie mo?” nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. “Nah, babe, it doesn't scare me—”
“Stop!” pigil ko nang macorner niya ako. “Kapitan ka ng barangay and you're acting like—”
“Childish?” he scoffed. “Masama na ba?”
Natigilan ako. “A-Anong sabi mo?”
“I'm acting like a child in front of you, so what?”
Shiit! Hindi maganda ‘to. Nagsisimulang magwala ang dibdib ko sa ‘di malamang dahilan lalo na kapag nagtatama ang tingin namin. N-Nakakalusaw ang mga mata niya kung manitig! Hindi ko matagalan! Nakakainis!
Get a hold of yourself, Kaisha! This is not the right time para lumandî!
“You're crazy, Skyler.” Mahinang sabi ko.
Halos makalimutan kong huminga nang bigla niyang ilapit ang mukha sa akin.
“And it's getting crazier, Kai.” He whispered with his bedroom voice.
Nagtaasan ang balahibo ko sa batok nang paglandasin niya ang mga daliri sa aking pisngi.
“Huwag mo'kong paglaruan, kapitan.” I said firmly.
“I'm not playing,” he trailed off. “Ginayuma mo ako.”
Natigilan ako sandali at no'ng makabawi ay tinulak ko siya ng malakas.
“You're so cute, Kaisha.” Sabay tawa niya ng malakas.
He's really good at teasing people! I hate him!
“Baliw!” sigaw ko rito at sinamaan ng tingin si Lei na nakikitawa sa may sayad niyang pinsan. “Magpinsan nga kayo, parehong may kalas ang utak.”
Padabog akong nagmartsa pabalik sa kusina. Sumunod naman si Chine na naririnig kong tumatawa ng mahina.
“Inis ka?” tanong nito nang sumabay sa akin sa paglalakad.
“Hindi ba halata?” inis kong sagot at uminom ng tubig.
Akala ko makakabawi na ako sa kanya pero hindi pala. Nakabawi agad siya sa akin sa pang-aasar pa lang. Nakakainis!
“Sa susunod huwag mo nang bawian si kapitan, bumabalik din sa ‘yo.” Natatawa niyang sabi.
“Iyong totoo sa kanila ka ba kampi o sa akin?” mariin ko siyang tiningnan at inikutan ng mata. “Ikaw ‘tong nagsuggest na gantihan ko siya, tss.”
“Lesson learned, ‘wag na uulit.” Inakbayan niya ako. “Kumalma ka mo na saka tayo lumabas.”
“As if namang sasabay ako sa kanila.” Kibit-balikat kong sabi at nagpakalma muna.
Sinigurado ko mo nang nakaalis na ‘yong dalawang asongot sa bahay bago nagpaalam kay auntie na idedeliver namin itong chicken pastil sa mga kapitbahay.
“Kai?” tawag ni auntie kaya agad ko itong nilingon.
“Po, auntie?”
Kinakabahan ako sa sasabihin niya. Iyong mga mata niya parang nangungusap na ewan.
“Limits, okay? Hindi basta-basta si kapitan.” Paalala niya na hindi ko inaasahan na sasabihin niya.
Napapalunok akong tumango. “Ngayon lang po ‘yon. Hindi naman po kami close no’n.”
Umiling siya. “I know what I saw, Kaisha,” natahimik ako sa sinabi niya at napayuko. “O siya sige, magdeliver na kayo.” Pumasok na siya sa loob kaya naiwan kami rito sa terrace.
“Hm, nakita ko rin ang nakita niya.” Pang-aasar pa ni Chine kaya marahan ko itong siniko na siyang tinawanan niya.
“Tumigil ka nga. Nangttrip lang ‘yon.” Naiiling kong sabi. “Tara na at baka abutan pa tayo ng dilim sa daan.”
Tuluyan na kaming lumabas ng bahay at nagsimulang maghatid ng chicken pastil sa mga kapitbahay. Dahil ayaw naming gabihin sa daan, naghiwalay kami.
Kabisado naman niya ang bibigyan at kung saan nakatira kaya walang problema.
“Ikaw pala hija,” salubong sa akin ni Kagawad Jessa at nilawakan ang paglakabukas ng gate. “Pasok ka.”
Napakamot ako ng buhok. “Ah, hindi rin po ako magtatagal. Ihahatid ko lang po talaga ito.” Tukoy ko sa inorder niyang chicken pastil.
Siya ang may pinakamaraming in-order na chicken pastil at minsan nakikipagchikahan ako sa kanya kaso pagabi na kaya huwag na muna ngayon.
“Kai! Pasok ka!” nabaling ang tingin ko sa tumawag sa akin at si Zeke nga, ang anak ni Kagawad Jessa.
Tumakbo patungo sa amin si Zeke nang hindi man lang nagsuot ng tsinelas.
“Ako na,” binitbit niya ang dala ko at hinila ako papasok ng bahay nila. “Dito na kayo mag dinner. Ako na rin ang maghahatid sa inyo pauwi.”
“Pero…” hindi ko natuloy ang sasabihin nang mapansin ko ang kotse na nakaparada—teka, nandito na naman ang kapitan na ‘yon?!
Ba't ba kung nasaan ako ay nandoon din siya?
“What's wrong?”
Napatingin ako kay Zeke. “Ah, wala…” hilaw akong ngumiti rito.
“Ah, nandito nga pala si kapitan. Dito muna siya pinatuloy ni mommy. Ongoing kasi ang paglilinis sa bahay niya.” Pagbibigay alam niya.
Gusto ko sanang umatras kaso baka sumama ang loob ni Zeke at ni kagawad. Nakasunod pa naman siya at si Chine na kararating lang dahil naririnig kong nag-uusap sila sa may likuran namin.
“Gano'n ba? O-Okay lang,” sabi ko kahit labag sa loob ko. Anong magagawa ko? Nandito na ako. “Si kapitan lang naman.”
No'ng malapit na kami sa sala, nakita kong pababa na rin sa hagdan si Skyler na naka-full white habang nakapamulsa.
Ang gwapo ng lakad at tindig niya. Ang aliwalas tingnan. Parang anghel—erase! Erase!
Pagkababa niya, tinapunan niya lang ako ng tingin gamit ang napakalamig niyang mga mata.
Anong problema niya?
“Sandali lang ha? Ilagay ko lang ‘to sa kusina.” Paalam ni Zeke na tinanguan ko.
Paupo na sana ako nang maramdaman kong may tao sa likod ko.
“Close pala kayo ni Zeke?”
Tang-na! Iyong kaluluwa ko, muntik nang humiwalay sa katawan ko sa sobrang gulat.
“Multo ka ba?” pabalang na tanong ko sa kanya. Pasulpot-sulpot kasi!
Dumistansya ako dahil ang lapit niya ngunit nahuli niya ang kaliwang kamay ko.
Sinubukan kong kalasin 'yon dahil natunugan kong pabalik na si Zeke kaso ayaw niyang bitawan.
“Mumultuhin ka pa lang. Saan mo gustong umpisahan? Sa ilalim?”
Ilalim ng ano? Ano bang sinasabi niya?
“S-Sa ilalim ng?”
Ngumisi siya. “Saan mo ba gusto?”
Gagông kapitan!
AUTHOR'S NOTE: May nagbabasa pa ba nito? Itutuloy pa ba? Nagkaproblema ang pamilya kaya ngayon lang nakapag-update at sana maintindihan niyo. Maraming salamat sa paghihintay! 💛