“Batos na kapitan,” parinig ko sa kanya. “Bitawan mo nga ako.”
Sinubukan kong bawiin sa kanya ang kamay ko ngunit hinigpitan pa niya lalo ang pagkakahawak sa akin ro’n.
Sa inis, nilingon ko siya at inikutan ng mata kaso tinawanan lang ako.
“Maldita,” mahinang usal niya. “May bastos bang kapitan, Kaisha?”
Inirapan ko siya at humarap na ulit. Ang tangkad niya para tingalain ko. He’s not worth it. Isa pa, ayaw na ayaw kong binabanggit niya ang pangalan ko. It was so sensual.
Alam kong sinasadya niya ang pagtawag sa akin ng gano’n at pinagt-trip-an lang ako. But can’t he just stop it? Ba’t ba ayaw niya akong tigilan? Kainis na kapitan!
“Ikaw…” bulong ko enough for him to hear it. Talagang pinaparinggan ko siya and I’m not scared. Awayin ko pa, eh.
“Kailan pa ako naging bastos, Kaisha?”
“Pwede bang tigilan mo’ko kakatawag sa akin ng ‘Kaisha’ with that tone of yours?” iritang sabi ko.
Natawa siya. “Ano ba dapat ang itawag ko sa ‘yo? Mahal? Babe? Honey? Sweetie? O baka naman gusto mo ng ‘baby’? You choose.”
This time sapilitan ko nang binawi sa kanya ang kamay ko. “You know what kapitan, you’re so annoying and gagô—”
Hindi ko na naituloy ang sasabihin at nanlaki ang mga mata nang halikan niya ako sa pisngi.
“Gagö ka ah!” I turned to him and pushed him on the couch but to my surprised, nahigit niya ang kamay ko kaya napasama ako sa pagkakatumba niya.
Napakurap ako ng ilang beses at napalunok ng sunod-sunod.
As our eyes locked and his lips curved into a smile.
Nanuot sa ilong ko ang pabango niya pati ang amoy ng hininga niya at masasabi kong napakasarap no’n sa ilong amoy-amoyin.
Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakakita ng lalaking sobrang kinis at g-gwapo—oo na sige na, siya na talaga ang gwapo! Ano naman?
“Ikaw kasi, mura ka nang mura.” Nakangising wika niya.
And now? He’s acting innocent? At ako pa talaga ang may kasalanan? Wow!
Dinuro ko siya. “You—”
“Kaisha?”
Nakagat ko ang ibabang labi pagkarinig sa boses ni Zeke kasunod ang boses ng mommy niya.
“Kapitan? Hija?” shiit!
“What’s happening here?”
Oh, God! Not Chine. Siguradong aasarin niya ako dahil sa posisyon namin ngayon ni Skyler na halos kumandong na ako sa kanya.
Napapikit ako ng mariin. I know they will misinterpret this.
“It’s not what you think—”
Nagsalubong ang kilay ko nang biglang bumungisngis si Kapitan. Talagang iniinis ako ng lalaking ‘to. Malapit na akong mapuno sa kanya, konti na lang.
“What the hèll is wrong with you?” I mouthed to him, annoyed.
“You,” he mouthed back, grinning. “Cute.”
“Baliw.” Sinamaan ko siya ng tingin at tumuwid ng tayo.
Humarap ako kay Zeke na naguguluhang nakatingin sa akin—sa amin, gano’n din ang mommy niya at si Chine na nakangisi.
“Uh…” napakamot ako ng batok. Nangangapa ako ng ipapaliwanag sa kanila.
Ito kasing kapitan na ‘to, ang lakas ng trip sa buhay, bwisit!
“Natumba ako at aksidente ko siyang nahila,” paliwanag ni Sky kaya doon pa lang ako nakahinga ng maluwag. “It’s not what you think, guys. Not my type.”
As if namang type ko siya! Kapal talaga ng mukha!
Hindi ko na pinatulan ang sinabi niya at sinenyasan si Chine na lumapit sa akin.
“Anong meron? Ba't ngisi-ngisi si Kapitan?” usisa pa niya sabay bangga sa braso ko. “Kwento mo sa akin ha? Namumula ka, eh. Halatang may ganap kanina no'ng wala kami.”
Inismiran ko siya. “Anong namumula ka dyan? Walang ganap, gaga. Uwi na tayo?”
Umiling. “Nah, naka-oo na ako kay kagawad. Ikaw din naman kay Zeke kaya dito na tayo mag-dinner. Siya rin kaya ang maghahatid sa atin pauwi.”
Napabuntong hininga na lamang ako. “Pero bilisan lang natin.” Pagpayag ko na siyang tinanguan niya.
Napansin kong palapit na sa amin si Zeke at si kagawad naman ay lumiban pakusina.
Siniko ko si Chine na huwag maingay at baka magka-misunderstanding pa. Ayoko ng issue.
“Sus,” hirit pa ni Chine at mabilis na tinikom ang bibig nang taliman ko siya ng tingin. “Sa kusina lang ako ah? Tulungan ko lang si kagawad.”
“Pero—” hindi ko na siya nagawang pigilan no'ng makalapit na sa akin si Zeke. “Ah… sorry, makulit kasi ‘yon.” Napakamot ako ng buhok.
Naningkit ang mga mata niya nang ngumiti ito. “Ayos lang,” aniya. “Maupo ka.”
Iginaya niya ako paupo sa couch. Mabuti na lang napapagitnaan namin siya ni Sky na abala sa pagtitipa ng kanyang selpon.
“Okay lang ba kung gabihin kayo? Nagpaalam ka ba sa kapatid mo?” panimula niya na tinanguan ko.
“Oo,” sgaot ko. “Plano ko sanang mamalengke ngayon kaso gabi na.”
“Pwede ko naman kayong samahan,” alok niya. “After dinner?”
Ang alam ko bukas ang palengke hanggang madaling araw. Mamalengke na lang siguro kami kahit gabi na. Kasama naman siya at isa pa wala rin kaming maibebenta bukas kung hindi ako mamamalengke ngayon.
“Okay lang ba? Wala ka bang gagawin?” tanong ko at baka may iba pa siyang gagawin tapos sasamahan pa kami sa palengke. Nakakahiya na.
Siya na nga ‘tong naghatid sa amin dito tapos sasamahan pa sa palengke at ihahatid pa kami pauwi. Sinong hindi mahihiya? Close naman kami, nakakahiya lang talaga.
“Ayos lang—”
“Zeke, napuntahan mo na ba si Linux?” Sky interrupted.
“Hindi pa kuya,” Zeke replied.
K-Kuya? So mas matanda si Sky? Eh ba't parang mas matured tingnan si Zeke? Ah, baby face nga pala itong si kapitan.
“Bakit hindi pa? Hindi ba inutos ko na ‘yon kanina pa? Hindi mo ginawa?” I don't like the tone of his voice. It screamed authority.
N-Nakakatakot siya kung magsalita. Parang hindi siya ‘yong kausap ko kanina. Kapitan na kapitan ang dating niya.
Hindi man siya nakatingin sa amin ngayon, natutunugan kong kailangan masunod ang gusto niya. Ganito pala siya kapag seryoso, nag-iibang tao.
“Dahil hindi mo naman napuntahan si Linux, I'll give you another task. Call a meeting with all the kagawad and inform them that Linux is no longer the acting chairman. I will be taking over to avoid any accusations of ineffective leadership. Furthermore, all necessary documents must be submitted to me by midnight." He authoritatively instructed Zeke.
“Pero kuya—”
“Ako na ang bahala sa kanila,” was he referring to us? Oh God! Wag na lang kung siya. “Yeah, you and your friend. Ano ulit pangalan niya?” tumingin siya sa akin.
“C-Chine.” Wala sa sariling sagot ko.
“Right, Kaisha and Chine,” bumaling siya ng tingin kay Zeke. “Is that clear, Zeke? O baka gusto mong—”
“Klaro na po kuya,” labag sa loob na pagpayag nito. “Kaisha, si kuya na lang ang sasama at maghahatid sa inyo pauwi ha? I have to do something eh, sorry.”
I could tell na ayaw niya pero wala siyang magawa. Hindi ko alam kung ako lang pero may pakiramdam ako na may usapan sila.
Ang lungkot ng mga mata niya na tila nangungusap.
“Okay lang, Zeke. If you have time, pwede kang bumisita sa amin.” Anyaya ko at doon pa lang sumigla ang mukha niya na kanina ay ang tamlay. “Ito-tour ka namin sa maliit naming bahay at karinderya kahit nakapunta ka na.” Biro ko pa kaya natawa kami.
“Tss.”
Ano bang problema ng kapitan na ‘to? Kanina pa siya nagpapapansin. Kulang sa pansin?
“Sure, bukas na bukas din.” Natutuwang wika ni Zeke.
“Pero wag ka nang mag-motor ha? Hindi ka sanay doon eh,” I'm actually worried no'ng sinakay niya kami kanina kasi ang alam ko kotse ang ginagamit niya at hindi motorsiklo. “Paakyat pa naman ng bundok ‘yong daan sa amin.”
“Sige, iyong isang kotse ko na lang. I'll help sa karinderya niyo bukas.” Nagagalak niyang saad.
“Sabi mo ‘yan—”
“Zeke, sa BPAT kayo magmemeeting at ikaw ang representative ng mommy mo.” Paalala pa ni Sky.
Nagsasalita pa ako tapos sabat nang sabat ‘tong kapitan na ‘to. Nagmamadali?
“Bakit kaya hindi ikaw ang pumunta? Ikaw ang kapitan ‘di ba?” hindi ko na napigilan ang sarili na sagutin siya.
“Bakit hindi mo sabihin sa kanya, Zeke?” panghahamon niya.