Kabanata 6

1431 Words
Tiningnan ko si Zeke na hindi makatingin sa akin ngayon ng diretso. “S-Sabihin na ano?” tanong ko kahit wala naman akong karapatan na alamin ‘yon kasi magkaibigan lang naman kami. “Next month…” he trailed off, still not looking at me. “I’m planning to run for barangay chairman.” Napamaang sandali ang bibig ko. “T-Talaga?” well, magandang balita ‘yon. Kung gano’n, magiging magkalaban sila ni Skyler? Or susuportahan na lang niya si Zeke? Sinulyapan ko ang kinaroroonan ni Kapitan at napaurong nang magtama ang mata namin. I didn’t know that he was staring at me pero bakit? Gusto ba niyang makita ang reaksyon ko sa sasabihin ni Zeke sa akin? “Oo, tingin mo mananalo ako?” Zeke asked hesitantly. Napakamot pa siya ng buhok at hindi pa rin makatingin sa akin. Nahihiya siguro. Wala naman dapat ikahiya doon. Problema lang talaga sa politika ay hindi patas at madumi ang labanan. “Oo naman…” I glance at Sky at hindi ko alam ba’t ang dilim ng mukha niya. “So, uh, paano 'yon? Magkalaban kayo?” tukoy ko kay Kapitan. “He’ll support me that’s why ako ang nagmamanage ngayon sa barangay,” paliwanag niya. “Training maybe? Para makabisado ko kung anong dapat gawin bilang barangay chairman.” Dahan-dahan akong tumango. “Mabuti na ‘yon kesa—” “Kumain na tayo,” sabay kaming napatingala ni Zeke kay Sky nang bigla itong tumayo. “Zeke, kumain ka mo na bago pumunta ng BPAT." “S-Sige kuya,” tugon ni Zeke rito. Napasunod na lamang ako ng tingin kay Skyler nang magsimula siyang maglakad patungong kusina. Why do I feel like I offended him? Ang dilim ng awra niya. “Don’t mind him,” Zeke offered his hand which I gladly accepted. “Wala lang sa mood. Hindi pa kasi nagsa-submit ang mga kagawad tungkol sa kani-kanilang project.” “Iyong Linux na tinutukoy niya kanina, siya ‘yong acting chairman habang wala siya ‘di ba?” kuryusidad kong tanong. “Oo, isa rin ‘yon sa pinoproblema niya,” aniya. “Eh si Linux era lang pala ang gusto sa barangay kaya ayon nagkadaleche-leche ang sistema sa barangay. Kung si Kuya Skyler lang siguro ang namuno, marami na sigurong naipatayong proyekto sa barangay. Iyong ibang kagawad naman, nawalan ng gana kasi walang pundo. Paano sila makakapag-implement ng project kung wala ng pera?” That explained. Pero bakit niya in-assign ang lalaking ‘yon sa posisyon? “No’ng una maganda naman ang pamamalakad ni Linux pero sa mga sumunod na buwan, hindi na mahagilap. Wala nang pumipirma sa mga distribution sa barangay para sa mga nangangailangan, allowances ng mga PWD at kung anu-ano pa. As a result, they put the blame to Kuya Skyler kaya ngayon inaasikaso na niya.” Sandali akong natigilan at napatingin sa gawi ni Sky na tahimik na nakasandal sa kinauupuan niya. Kung gano’n hindi pala siya ang may kasalanan no’n tapos kung makapagsabi ako sa kanya dati—napailing ako. Should I apologize? “Kuya Skyler is a good leader,” panimula niya. “He maybe an uptight man, kuripot sabi nga nila, strikto at masungit, swear mahal niya ang pinamumunuan niya. Nagkaproblema lang noon sa—” “Zeke, Kaisha, kain na!” tawag sa amin ni Kagawad Jessa. “Let’s go?” aya niya. “Uh, s-sige…” Gusto ko sanang itanong kung anong problema ang tinutukoy niya tungkol kay kapitan kaso baka isipin niyang interesado ako sa buhay ni Skyler kay wag na lang. Nakakahiya and at the same time nakaka-intriga! I disregarded the thoughts and went to the dining area with Zeke. Medyo nakakailang na pinapagitnaan ako ni Skyler at Zeke habang nasa tapat ko naman si Kagawad Jessa na tahimik na kumakain at Chine na kanina pa pasulyap-sulyap sa akin na hindi mawala ang ngisi sa labi. Kung pwede ko lang batukan ay kanina ko pa ginawa. Hindi na nga ako makakain ng maayos dumagdag pa siya. “Mamamalengke raw kayo, hija?” basag ni kagawad sa katahimikan. “Zeke is not available kaya baka si kapitan ang sumama sa inyo at nang maihatid din kayo pauwi mamaya.” “Ah oo, kagawad.” Sagot ko at hilaw na ngumiti. “Mabuti na ‘yong may kasama kayong lalaki lalo’t gabi na,” saad nito na tinanguan ko naman. “Si kapitan naman ang kasama—” “Ako na lang ang pupunta sa meeting. Mas komportable yata sila kay Zeke kesa—” “Ayos lang kung ikaw ang sumama sa amin,” putol ko sa sasabihin niya kaya napatingin siya sa akin. “Komportable naman kami sa’yo.” It was a lie but knowing na makakaabala kami kay Zeke sa pagtakbo niya bilang kapitan, kahit ayaw ko kay Sky, siya na lang ang isasama namin. Kailangan ko lang pahabain ang pasensya ko. Huminga ako ng malalim at pekeng nginitian si Kapitan na landakang nakatitig sa akin na para bang tinitimbang kung labag ba sa loob ko ang pagpayag ko o ano. “You don't have to force yourself—” “Hindi ako—kami napipilitan,” sinipa ko ang paa ni Chine sa ilalim ng lamesa. “Hindi ba, Chine?” “Mali ka yata ng sinipa, hija…” natatawag sabi ni kagawad kaya nagtawanan sila maliban sa amin ni Sky. Shiiit! Nakakahiya! Paa pala ni kagawad ‘yong nasipa ko. “Oo na lang, Kaisha.” Natatawang sagot ni Chine habang ako namumula na sa kahihiyan. "Sorry, kagawad." Paghingi ko ng paumanhin dito. “It's okay, continue eating, kukuha lang ako ng panghimagas.” Nakangiting saad ni kagawad at nagsimulang maglakad papuntang kusina. “Mom, iyong vanilla ice cream para kay Kai, favorite niya ‘yon,” pahabol ni Zeke. “Hoy, wag na. Hindi na kailangan.” Saway ko sa kanya. “Nah, it’s okay. Alam naman ni mommy.” “Nakakahiya,” mahinang sabi ko. Gusto kong magtago na lang sa ilalim ng lamesa. “May tubig naman.” “Tss.” I heard Sky hissed. Mabilis ko siyang nilingon at tinaliman ng tingin. Kanina pa siya, ano bang problema niya sa akin? "What? Why are you looking at me like that?” salubong ang kilay niyang tanong at hindi maipinta ang mukha. “Ano bang problema mo? Kanina ka pa, ah.” “Ikaw ang problema ko, anong pake mo?” padarag niyang inilapag ang kutsara at tinidor. “A-Ako? Ba’t ako? Pumayag na nga ako ‘di ba?” Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang galit niya sa akin. He looked like he was about to strangle me. Parang kutsilyô ang mga mata niya kung makatitig sa akin. “That’s not what I mean Kaisha!” nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang hampasin ang lamesa. “You’re clearly flirting with Zeke in front of everyone!” “What the fvck?” wala sa sariling sabi ko at napatakip ng bibig. His eyes widened. “What did you just say?” hindi makapaniwalang tanong niya. “Fvck?” Tama pa ba ‘tong sinasabi ko? “Kuya/Kapitan!” napatayo si Zeke at Chine nang kaladkarin ako ni Skyler sa labas. “Hoy! Saan mo’ko dadalhin kurimaw ka?! Hindi pa ako tapos kumain!” sigaw ko habang pilit na binabawi sa kanya ang pulsuhan ko. “Bitawan mo’ko kapitan!” “That’s profanity and I won’t allow anyone inside my house who’s cursing—” “Wow! Banal-banalan, Kapitan? Hindi ka nagmumura? Weh?” Sunod-sunod ang mura ko nang itulak niya ako papasok sa passenger seat ng kotse niya. “Shut up!” he blurted out. “Mamamalengke na kami.” That was the last thing I heard before he slammed the door of his car. Sapilitang pamamalengke ba ‘to? Pagpasok niya ng kotse, agad akong kumandong sa kanya at walang pag-aalinlangan na sinabunutan siya. “Kanina pa ako magtitimpi sa’yo tapos kung kaladkarin mo ako parang ang dali-dali lang sa ‘yo ha?!” “Fvck! Kaisha, stop it! Not my hair!” sinubukan niya akong pigilan ngunit hawak ko na ang buhok niya. “Dàmn it, baby!” “Kurimaw ka! Hindi ako nakikipaglandian kay Zeke! Hindi ako gano’ng klaseng babae! Kung sa tingin mong nilalandi ko siya, eh ‘di bobô ka!” “Shiit! Tama na! Sige na! Fvck it, Kaisha, nasasagi mo—tumatayo—tangîna!” Natigilan ako. Tumatayo? A-Ang alin? AUTHOR'S NOTE: May nagbabasa pa ba? Dahil tapos na ang fasting namin, susubukan—uulitin ko, susubukan kong mag-update daily, salamat! 💛
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD