MY DISTRACTER SEXYTARY 4

1495 Words
LESLIE Nag-umpisang bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa kaba. Kanina pagpasok namin ni Reyshelle dito sa malaking building na to' ay nag-umpisa ng maghurementado ang puso ko, ilang beses na rin akong napapa sign of the krus, nanalangin na sana sa pagkakataong to' ay makuha na ako. "Kaya mo yan, huwag kang kabahan." Pagpapalakas ni Reyshelle sa loob ko. "Tawagan mo ako mamaya pag tapos ka ng ma-interview." Tumango bilang sagot. "Sige." Dagdag ko pa. "Sige na pumila ka na, mauna na ako, basta tawagan mo ako, sige na kaya mo yan, nandon lang ako sa office department namin." Wika nito at umalis na. Pagka-alis nito ay napahinga ako ng malalim. 'Kaya mo yan self.' Wika ko sa sarili ko. Pang 187 ako sa lahat ng mag-aaply. Nagulat nga ako kanina dahil sobrang dami ng taong mag-aapply sa iisang posisyon lang. Hindi pa natatapos sa akin ang bilang kaya sana lang ay mapalad ako at tanggapin. Maniniwala na talaga ako sa swerte pag ako natanggap sa halos higit umabot sa 200 na mga aplikante rito. May upuang monoblock naman kaya hindi mangngalay ang paa ko sa pagtayo ko rito. Sa tingin ko ay hindi pa rin nag-uumpisa ang interview. "Ang aga kung dumating rito, pero hanggang ngayon wala pang mag-ininterview satin. Dumarami na ang tao." Rinig kong demand nung isang babae sa babaeng nasa harap niya. "Balita ko kasi, iyong mismong CEO ang mag-iinterview, sabi nung kakilala kung nagtratrabaho rito, gusto ng boss nila na siya mismo ang pumili sa sekretarya niya." Rinig kung sabi ng isang babae. Napalunok naman ako ng ilang beses, mukhang sobrang strikto nga ng boss ni Reyshelle. Siguro ay matanda na iyong CEO kaya sobrang strikto. Mukhang mas mahirap pa to' sa inaasahan ko. Siguro umabot din ng isang oras ang paghihintay namin bago mag-announce ang isang babae na nagtratrabaho rito na mag-uumpisa na ang interview, kaya lahat kami ay kanya-kanyang ayos na sarili. Umusad ang nasa harap kung babae kaya tumayo ako at umupo sa bakanteng upuang nasa harap ko. Lumipas ang tatlong oras at ilang aplikante na ang nakikita kung dumadaan dito sa hallway na may busangot na mukha na tila ba direct silang nerereject ng Boss ng kompanyang to'. At habang umuusad ang pila ay papalakas naman ng papalakas ang pagtibok ng puso ko. Ilang beses na rin akong napapadasal. Habang tahimik na pinapakalma ang sarili ko ay may isang babae ang tumatakbo habang umiiyak, galing doon sa loob ng opisina kung saan nag-iinterview ang CEO. Mas lalo tuloy domeble ang kaba dahil don sa babaeng umiyak. Grabe naman kung ganun. Hanggang sa tinawag ang babaeng nasa harap ko. Pero wala pa atang five minutes ay lumabas na itong umiiyak. Kinabahan tuloy ako lalo, ang lupit naman nung CEO kung ganun. Diko tuloy alam kung papasok pa ako sa loob o hindi, umatras at tapang ng loob ko sa taong nasa loob. Sa sobrang daming taong nakasagutan, nakaaway, nakasalamuha ko dito lang talaga ako kinabahan ng todo. "Pasok ka na miss sa loob." Wika ng babaeng nag-aasist sa akin ng hindi pa ako gumagalaw. "Ang lupit naman ng boss mo." Nasabi ko na tanging ngiti lang nito ang sinagot. "Hindi siya malupit, sige na pumasok kana." Sagot ng babae kaya agad nangasim ang mukha ko. Paanong hindi. Tumayo nalang ako at bahagyang inayos ang pencil skirt na pinahiram sa akin ni Reyshelle. Naglakad na ako at nagtungo doon sa pinto para pihitin ang door knob, pero nanginginig ang mga kamay ko habang pinipihit iyon ng dahan-dahan. Pero nagulat nalang ako ng may pumihit ng door knob at basta nalang akog tinulak sa loob, buti nalang at hindi ako sumigaw sa gulat, nanlaki lang ang mga mata ko. Lumingon din ako kung sino ang tumulak sa akin, iyong babaeng nag-aasist pala, ngumiti pa ito sa akin bago isinarado ang pinto. Nag-sign of the krus pa muna ako bago, humarap sa CEO. Pagpihit ko ng sarili ko paharap ay bigla akong natuod sa kinatatayuan ko sa nakita ko. "Are applying? or are you a statue?" Wika ng lalaki kaya nabalik ako sa sarili ko. Mukha pa itong galit dahil sa tono ng pananalita niya, kunot na kunot din ang noo nito. "Pasensya na po, aplikante po ako." Sagot ko sa magalang na boses. Akala ko naman matanda, pero tangina gwapong nilalang pala. "Then what are you doing, just standing there. Come and sit infront of me." May bahid pa ring inis sa tono ng pananalita nito. Agad namana akong tumalima at ibinigay sa kanya ang folder na hawak ko tsaka umupo sa upuang nasa harap. May ilang metro din siguro ang layo. Kinuha nito ang folder at binuksan, ilang minutong lumipas pero hindi pa rin niya ako tinatanong, basta binabasa niya lang ang mga nakasulat doon sa folder ko. Nilalaro-laro ko nalang mga daliri ko. Nakayuko rin ang ulo ko at nakatingin sa hita ko. "So, Ms. Rivera." Agad na napa-angat ang tingin ko sa lalaki ng tawagin nito ang apelyido ko. "Tell me about yourself." Wika nito na ikinakunot ng noo ko. Akala ko ba iyon ang binabasa niya sa folder na binigay ko sa kanya pero bakit nagtatanong pa rin. Inayos ko na lang ang sarili ko at umupo ng tuwid. "Okay sir, I'm Leslie Stephanie Rivera. I graduated accountancy at Rosaurio University, I'm currently 24 years old, i was born at Panggasin, born and raised their." Iyon lang ang sinabi ko. Hindi ito nakatingin s akin kundi sa laptop nito. "Is that it?" Sabi nito kaya medyo hindi ako nakapagsalita, ano pa bang dapat kung sabihin. Tanong ko sa sarili ko. "Yes sir." Sagot ko nalang. "Okay, Why did you apply to this company?" Sunod na tanong nito. "Nag-apply ako kasi nerecomend ng kakilala ko ang kompanyang to' ginusto ko rin kasi matagal na akong naghahanap ng trabaho pero wala akong makita." Honest na sagot ko. Tumango-tango naman ito bilang sagot. "Do you have experienced in this kind of work?" Tanong muli nito. "Kung tinutukoy niyo po ay ang pagiging secretary, wala pa po akong experience, pero marami po akong karanasan sa pagtratrabaho, madali din po akong turuan kaya wala po kayong aalalahanin." Honest na sagot ko ulit. "What kind of jobs did you do?" "Nag sales lady po ako sa maliit na grocery sa bayan po namin, may sakahan din po kami kung saan tumutulong ako sa mga magulang ko pag day-off ko, meron din po kaming pwesto nun sa palengke, at minsan ako poa ng nagbabantay. Sinubukan ko rin pong mag accountant nung kaka-graduate ko sa college, pero hindi ako nag-tagal kasi na backrupt yong kompanyang pinagtratrabahuhan ko. Nasubukan ko rin pong mag vulcanize at car washing." Sagot ko. Pero isa sa napansin ko ay kumukunot ang noo nito sa tuwing may mga sinasagot akong tila hindi nito inaasahan. "Why should i hire you as my secretary?" "Ahm, kung ako ang kukunin niyong sekretarya niyo gagawin ko ang best ko sa trabaho. Hindi ko sasayangin ang binigay niyong opurtunidad sa akin." Iyon lang ang sagot ko sa tanong niya. Ilang beses na akong tinanong ng ganyan pero ngayon ko lang sinagot ng maikli ang tanong na ganto, dati pag tinatanong ako sa mga inaaplyan ko ng gantong tanong ay sinisigurado kung mahaba ang sagot ko kahit na may halong kasinungalingan mapaganda lang ang sagot ko ay okay lang, pero bakit pagdating sa taong to' hindi ko magawang kompletuhin lahat ng sagot ko, at isa pa ay puro katotohanan lahat iyon, walang halong kasinungalingan. "Last question, Why do you need this job?" Tila biglang umatras ang dila ko sa tanong nito. Napatngin ako sa sahig at napa-isip kung magsisinungaling o sasabihin ang totoo. "Why Ms. Rivera, this question is easy. is it hard to answer? You can just say i need money." Wika ng taong kaharap ko ng ilang minuto na ang nakalipas ay hindi pa rin ako nasagot. "Or just say, i want this job because i need it." Dagdag pa nito. "Yes sir your correct. I just need this job because of money." Sagot ko. "Okay. You can g-" Wika nito na agd kung pinutol. "Pero kailan ko to', hindi sa kailangan ko." "What are you trying to point out Ms. Rivera?" "Ang pera kasi sir, kung usapang trabaho maraming makikita jan na pwedeng applyan, ang pinagkaiba lang ay kung gaano kalaki ang perang kikitain mo sa trabahong iyon, Totoong kailangan ko tong trabaho na to' kasi kailangan ko lang ng pera, pero kailangan ko ng pera dahil may mga bagay akong gustong gawin sa perang kikitain ko, may mga bagay akong kailangan punan gamit ang pera, pero gusto ko ring magkarooon ng permanent na trabaho. Gusto kung magtrabaho kasi may mga gusto rin akong tuparing mga pangarap ko." Sagot ko. Yumuko ito kaya napayuko rin ako. Mukhang hindi ako papalaring makuha. Sabi ko sa isip ko. Masyadong simple ang sagot ko mukhang malabo na nga. Pero nagulat ako sa sinabi nito dahilan para agad akong mapa-angat ng tingin. "Your hired."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD