LESLIE
Ilang ulit akong napapabuntong-hininga sa tuwing hindi ako natatanggap sa mga ina-aaplyan kung trabaho. 'Mas mahirap pa pala to' sa inaasahan ko.' Kausap ko sa sarili ko habang binubuksan ang isang mineral water, habang naka-ipit naman sa kanang kili-kili ko ang isang brown envelope na naglalaman ng mga papeles ko. 'Okay, lang yan Les, makakahanap ka rin.' Pagpapalakas ko sa sarili ko ng matapos kung uminom.
Sinubukan ko na lahat ng nadaanan kong pwedeng pagtrabahuhan, pero wala pa rin, kaninang umaga sinubukan kung mag-apply doon sa isang malaking kompanya, pero hindi pa man ako nakakapasok sa loob ay agad na akong hinaharang ng guard. Na kesyo daw hindi ako mukhang nag-aapply sa ganung kalaking kompanya.
Halos sampung kompanya rin ang sinubukan kong pasukin no, at isang kompanya lang ang tanging nagpapasok sa akin pero sa kasamaang palad ay hindi sila kumukuha ng mga bagong trabahador.
At ngayon ay ultimo dito sa palengke ay naglilibot ako makahanap lang ng trabaho. Sakto namang nahagip ng mata ko ang karatulang nakasabit sa isang karenderyahan. Agad akong lumapit doon sa tingin ko ay may-ari ng karenderya. "Hello po." Magalang na pag-agaw ko sa atensiyon ng ginang. "Nakita ko kasi itong karatula na wanted dishwasher, gusto ko po sanang mag-apply." Wika ko ng maagaw ko na ang atensyon nito. "Naku pasensya na iha, matagal na kasi akong nakakuha e. Hindi ko lang natanggal iyan diyan." Wika ng ginang at lumabas at tinaggal ang karatula. "Ah ganun po ba, sige po salamat nalang." Wika ko.
"Subukan mo nalang tumingin sa iba." Wika ng ginang na tinanguhan ko nalang.
Hanggang sa sumapit na ang gabi. Bagsak ang balikat kung umuwi. Pagkabukas ko ng pinto ng nirerentahan kung kwarto ay deretso akong naglakad sa maliit na salas at hinila ang nag-iisang mono block na upuan. Umupo ako doon at ipinatong ang dalawang siko ko sa hita ko at pinagsalikop ko ang mga kamay ko, at ipinatong ang baba ko sa kamay ko.
Dapat bukas makahanap na ako ng trabaho, dahil kung hindi ay baka sa susunod na araw ay wala na akong makain. Tanging limang libo lang pera ko rito, iyon ang huling sweldo ko sa pagiging sales lady bago ako nag-resign. Ano kayang gagawin ko. Nabaling ang tingin ko sa brown envelope na ipinatong ko sa mesa. Kinuha ko iyon at binuksan, muli kung binasa ang mga papel na nakapaloob doon, mula sa resume sa birth certificate, at sa iba pa. Habang binabasa ko iyon ay wala naman akong nahanap na mali roon, itong mga mapeles din naman na to' ang ginamit ko sa pag-aaply ko ng trabaho doon sa probinsiya.
Muli nalang akong napabuntong hininga at ibinalik sa loob ng envelop ang mga yon. Tumayo ako at kinuha ang sabon sa ilalim ng lababo, at ang towel ko. Pagkatapos ay lumabas na ako at nagtungo sa banyo para mag-shower. Masyado na kasi akong nalalagkitan sa katawan ko.
Kinabukasan ay maaga akong nagising, nagluto ako ng isang itlog bilang pang-ulam. Matapos kung kumain ay naligo na ako, ala sais palang ng umaga ay umalis na ako sa bording para simulan ang paghahanap ng trabaho.
Umabot na ng alas syete pero heto at naglalakad pa rin ako sa tabi ng kalsada. Hanggang sa mapadpad ako sa isang malaking building. Kaya napagdesisyonan kong magtanong doon sa guard. "Magandang umaga ho mamang guard." Agaw ko sa atensiyon ng guwardiya. "Anong maitutulong ko sa'yo iha?" Tanong naman sa akin ng guard. Mukhang mabait itong guwardiya hindi gaya ng mga nakaharap ko kahapon.
"Ahmm, itatanong ko lang po sana kung may pwede pang pag-applyan ng posisyon dito sa kompanyang to' kahit sa maliit lang na posisyon mamang guard." Wika ko. Umaasang sana ay meron.
"Naku, pasensya na iha, tapos na kahapon ang interview siguro ay nakakuha na rin sila sayang at hindi mo naabutan." Nanlumo naman ako sa sagot ng guard sa akin.
"Ah ganun ho ba. Salamat ho."
"Subukan mo nalang sa ibang kompanya neng." Wika ng guard na ikinatango ko nalang.
Sa ilang minutong paglalakad ko ay napadpad naman ako sa maliit na resaturant.
Pumasok ako doon at nagtanong sa staff sa loob, ngunit sa kasamaang palad ay hindi daw sila tumatanggap ng bagong empleyado.
Napadpad naman ako sa isa pang restaurant pero ganun din ang sabi sa akin. Sinubukan ko na rin sa coffee shop na nadadaanan ko pero hindi rin ako natanggap.
Ilang gusali at establishment na ang sinubukan kong applyan, hanggang sa hindi ko na namalayan ang oras, ala sais na ng gabi. Hindi ko na namalayan ang oras, pati ang pagkain ng tanghalian ay nakalimutan ko na rin. Habang naglalakad pa-uwi ay sobrang lalim ng mga iniisip ko. Naglakad na rin ako para tipid sa pamasahe. Halos dalawang oras na rin akong naglalakad bago nakarating sa inuupahan kung bahay.
Bubuksan ko na sana ang gate ng may magbukas nun mula sa loob. Agad kung nakita si tita Rosa, may kasama itong babae nasa tingin ko ay kaedad ko lang din. Nagtatawanan pa sila habang papalabas.
"Oh iha, gabing-gabi na ah ngayon ka lang umuwi?" Tanong sa akin ni Tita ng mapansin ako nito.
"Oho." Maikling sagot ko naman. "Naghanap ka ng trabaho?" Muling tanong nito na ikinatango ko. "E kamusta naman, may nakuha ka naman bang trabaho?" Muli akong umiling bilang sagot sa tanong nito. "Ah ganun ba. Huwag kang susuko dibale at makakahanap ka rin. Tsaka nga pala ito pala si Reyshelle pamangkin ko, binisita ako." Pakilala sa akin ng ginang sa sinabi niyang pamangkin niya.
"Hi, ako si Reyshelle." Pakilala ng babae sa sarili niya, ngumiti naman ako at ipinakilala rin ang sarili ko. "Hi din sa'yo, ako si Leslie."
Mukha namang mabait itong pamangkin ni Tita Rosa. "Sige na Reyshelle gabi na umuwi kana baka hinahanap kana ng mama mo, hatid na kita sa liwasan para maisakay ka sa taxi, malalim na ang gabi baka may mangursunada sayo. Sige na iha umakyat kana sa kwarto mo ha, mag-lock ng pinto pag matutulog kana." Wika ni Tita Rosa kaya ngumiti at tumango nalang din ako.
"Nice meeting you Leslie sana sa susunod makapagbanding tayo." Paalam ni Reyshelle at kumaway pa ito sa akin habang naglalakad sila papalayo.
"Nice meeting you rin." Wika ko.
Pumasok naman na ako sa loob ng bahay at habang paakyat sa hagdan ay kinukuha ko naman ang susi sa bag ko. Pagkabukas ko ng pinto ay kinapa ko ang switch ng ilaw na malapit sa pinto.
Nang magliwanag ang buong paligid ay tamad kung tinanggal ang sapatos ko sa gilid at basta nalang hinagis sa mesa ang bag ko. Pumasok ako sa kwarto at nahiga sa kama na tanging sinapinan lang ng banig at bedsheet. Sobrang pagod ko ngayong araw, ni hindi ko namalayang naipikit ko na ang mga mata ko at nakatulog ng hindi kumakain. Hindi ko na rin kasi ramdam ang gutom ko, mas ramdam ko ang pagod at kagustuhang matulog. Kahit ang magbanlaw ng katawan at magsipilyo ay hindi ko magawa dahil sa sobrang bigat ng katawan ko dala ng pagod sa buong araw na paglalakad. Sana lang makahanap na ako ng trabaho.
Kinabukasan ay medyo tinanghali na ako ng gising. Ala syete na akong nagising. Nagsaing na rin ako dahil napanis iyong kaning niluto ko nung isang araw pa.
Matapos kung mag-ayos ay isnuot ko na nag sapatos ko at ready ng umalis. Kinuha ko ang brown envelope na lagi kung hawak at binuksan na ang pinto pero hindi ko aasahan na makikita ko si Reyshelle sa labas.
"Hi, kakatok palang sana ako pero naunahan mo ako." Nakangiting wika nito. Tumango naman ako bilang pagbati.
"Ako si Reyshelle iyong kagabi."
"Oo, hindi ko nakalimutan. Nga pala bakit nasa labas ka ng boarding ko?" Tanong ko.
"May pupuntahan ka ba?" Imbes na sagutin ang tanong ko ay tinanong din ako nito. "Hmm.." Tanging lumabas sa bibig ko sabay tango ng ulo ko. "Maghahanap ka ba uli ng trabaho?" Muling tanong nito na ikinatango ko.
"Bakit mo ba naitanong?" Tanong ko na labis ang pagtataka.
"Mga anong trabaho naman ang ina-applyan mo?" Muling tanong nito.
"Kahit ano, teka nga bakit mo ba tinatanong, kanina pa ako nagtatanong pero eto at binabato mo rin ako ng tanong." Nagtataka na talagang wika ko.
"Alam mo kasi, baka may maitulong ako, nagtratrabaho ako sa isang malaking kompanya rito sa manila, isang oras ang byahe mula rito. Sinabi sa akin ni Tita kagabi na dalawang araw ka ng naghahanap ng trabaho pero walang tumatanggap sa'yo, sakto naman at binuksan ng boss ko ang hiring sa pagiging sekretarya, nag-resign na kasi iyong dating secretary niya, mukha namang qualified ka sa mga qualifications kaya pinuntahan kita rito, baka lang gusto mo." Paliwanag nito. At dahil sa sinabi nito ay agad na nagliwanag ang buong mukha ko.
"Aba'y oo naman. Kailan ba ang interview?" Hindi ko na maitago ang excitement ko.
"Nag-umpisa na ngayon. Pero-"
"Pero ano" Wika ko ng huminto ito sa pagsasalita. Pansin ko rin na pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Dapat sa pag-aaply ng trabaho, lalo na sa mga malalaking establishment dapat presentable ang suot mo." Wika nito na ikinakunot ko naman ng noo.
"Bakit, presentable naman ang suot ko ah." Sagot ko naman. Wala naman kasing mali sa suot ko. Nakasuot ako ng puting t-shirt na may violet na lining sa laylayan, at puting maong na pantalon at puting sapatos at puting topper. Mahilig kasi talaga ako sa puting kulay, karamihan sa damit ko ay puti, gusto ko kasi ang kulay ko pag nakasuot ako ng puti, para kasing nilalabas niya ang kaputian ko kahit hindi naman ako ganung kaputi.
"Alam mo puti rin ang suot mo kahapon kaya hula kung puti ang paborito mong kulay. Wala namang mali sa suot mo, actually pa nga ay tumitingkad ka sa kulay na yan, napakalinis mo sa ganyang kasuotan. Pero kasi pagdating sa boss ko ayaw niya ng matitingkad na kulay." Wika nito.
"Ganun ba, e wala na kasi akong ibang kulay ng damit e, meron man pero pangbahay na." Malungkot kong saad. "Masyado bang strikto yang boss mo?" Tumango ito bilang sagot. "Strikto siya pero mabait siya sa empleyado niya, mataas din siya kung magpasahod." Wika nito kaya muling nagliwanag ang mukha ko ng banggitin nitong mataas magpasahod ang boss niya.
"Teka, meron ata akong naiwan na mga damit sa bahay ni Tita ng tumira ako rito, maghahanap ako ng pwede mong isuot."