LESLIE
"Sigurado ka na ba jan nak sa desisyon mo?" Wika ni Mama habang tinutulungan akong mag-impake.
"Ma, ilang ulit mo na bang tinanong yan. Para din sa atin itong gagawin ko, lalo na kay Papa." Wika ko.
"Nakakapanibago lang kasi nak, lagi ka naming kasama tapos ngayon heto at dumating na nga araw na susubukan mo ng mag-trabaho sa malayong lugar. Panigurado kahit ang Papa mo malulungkot din, hindi man iyon nagsasalita ay alam kung hindi rin iyon sang-ayon na lumuwas ka ng maynila." Payahag ni Mama.
"Huwag na kayong malungkot, Hayaan niyo ma ipapangako kung lagi akong tatawag sa inyo." Wika ko at lumapit kay Mama na nag-aayos ng mga gamit ko sa maliit na maleta. Hinaplos ko ang likod nito na tila ako'y nanglalambing sa ina na parang eight year's old na bata.
Yumakap pa ako sa braso nito. Bukas na kasi ang alis ko, kaya ito si Mama at paulit-ulit akong pinangagaralan. Si Papa naman mula ng malaman niyang may sakit siya ay hindi na ito gaano kumikibo lalo na ng malaman nitong magpapa-maynila ako para doon magtrabaho.
Ilang ulit ko namang pinaliwang sa kanila, marahil ay talagang naninibago at nalulungkot lang sila. Mula pagkabata ko na kasi ay lagi akong nakabuntot sa kanilang dalawa, ultimo sa paghahanap ko ng trabaho ay kasama ko si Mama. Kaya hindi ko lubos masabi sa sarili kung independent akong tao, dahil nga sa laging nasa likod ko ang mga magulang ko, mula pagkabata ay lagi na nila akong ginagabayan, isa rin ito sa dahilan ko. Gusto ko ring tumayo sa sarili kung mga paa, gusto ko ring maranasan ang buhay na wala ang mga magulang ko sa likod ko. Gusto kung maging independent kasi sa totoo lang, pag-usapang realidad hindi sa lahat ng pagkakataon ay laging nanjan ang mga magulang ko para gumabay sakin o sa mga kapatid ko, bilang nakakatandang anak na rin kailangan ko ring i build ang sarili ko dahil darating ang araw na ako naman ang aasahan nila. Pero syempre hindi ko rin hahayaang malagay sa panganib ang isa sa amin, minsan kailangan din talaga ng sakripisyo.
Kinabukasan ay maaga na akong nagising dahil gusto kung abutan ang first trip ng bus pa maynila. Ganon din si Mama, alas tres ng madaling araw nagising si Mama, mas nauna pa sa akin pinagluto pa kasi ako ni Mama ng agahan at babaonin ko sa pagbyahe ko.
At ng mag-alas singko na nga ay ginising na ni Mama si Larken para ipag-drive kami sa terminal. Akala ko nga sasama rin si Papa sa paghatid sa akin, pero sabi ni Mama ay hayaan ko nalang.
Alam kung gusto akong pigilan ni Papa sa gagawin kung pag-alis, pero alam niya ring hindi ako magpapapigil sa gagawin ko kaya talagang alam kung malaki ang tampo sa akin ni Papa.
Matapos ng isang oras na byahe ay nakarating din kami sa Terminal. Bumili na nga ako ng ticket at habang naghihintay sa bus na sasakyan ko ay ito at todo pangaral na naman sa akin si Mama. Mga pangaral na walang katapusan.
"Ingatan mo ang sarili mo don ha, Leslie anak. Huwag kang magpapagutom, kumain ka sa tamang oras. Pagdating mo sa Maynila ang bilin ko sa'yo ang unang hanapin mo ay ang matitirhan mo. Kung mahigpit at hindi tama ang pakikitungo ng boss mo mag-resign kana. Mas maganda kung uuwi ka nalang dito kung ganyan lang din naman ang gagawin nila sayo. At ang pinakabilin ko, mag-lock ka ng maayos lagi mong tandaan yan-" Mahabang saad ni Mama.
"Ma, Ma, Oo na Ma, lahat ng bilin mo tinandaan ko lahat, huwag kayong mag-alala." Wika ko.
"Naku siguraduhin mo lang talaga nak, sundin mo ang bilin ko para iwas disgrasya, at isa pa," Ito na naman si Mama. "Lagi mong i safety ang mga gamit mo sa tuwing lalabas ka, balita ko ay maraming mga magnanakaw sa maynila." Tatango-tango nalang ako sa mga sinasabi ni Mama.
"Ito na ate." Sakto namang bumukas ang pinto ng sasakyana at bumungad sa akin ang mukha ng kapatid ko inaabot sa akin ang tatlong siopao na pinabili ni Mama sa kanya para daw may meryandahin ako sa Bus.
"MANILA! MANILA!" Sigaw ng kondokror.
"Ayan na anak ang sasakyan mo, sige na ilagay mo nasa bag mo yan." Wika ni Mama at lumabas na kami sa loob ng Van.
Kinuha naman ng kapatid ko ang maliit na maleta ko at isang bag para ilagay doon sa bus.
"Ingat ka don ate ha." Wika ng kapatid ko sa akin.
"Oo naman, kayo rin ingatan mo si Papa, alam mo naman hindi nagpapapigil sa mga gusto niyang gawin kaya kailangan pagsabihan." Bulong ko sa kapatid ko.
"Oo teh, lagi kung papangaralan si papa." Wika nito. Bumaling naman ako kay Mama at niyakap ito ng maghigpit. "Mag-ingat ka don anak." Bulong nito sa akin at hinalikan pa ako sa noo ko.
Nang maghiwalay kami ay bumaling naman ako sa kapatid ko at niyakap ito. Pagkatapos non ay nagpa-alam na ako at sumakay nasa Bus.
Bago ako sumampa sa hagdan ng bus ay nakita ko pa kung paanong punasan ni Mama ang pinipigilan nitong luha niya.
Nang mapuno na ang Bus ay umalis na ito, at dahil malapit ako sa window ay nakita ko sa labas ng terminal nakaparada ang sasakyan namin, Alam kung nandoon sa loob sila mama hinihintay na maunang umalis ang bus na sinakyan ko bago sila umuwi.
Nang makarating sa terminal ng Maynila ay talagang naninibago ako sa paligid ko. Ang daming malalaking gusali. Pagbaba ko sa Bus ay todo libot ko ang paningin ko sa paligid ko. Halos anim na oras din ang byahe.
'Pano ba to." Bulong ko sa sarili ko. Dahil hindi ko alam kung saan ako pupunta. Paglabas ko sa terminal ay todo tingin ako sa paligid ko. Ang daming dumadaan na sasakyan.
'Saan kaya ako makakahanap ng mauupahan na bahay.' Wika ko pa sa sarili ko.
Hanggang sa umabot na ng dalawang oras ang paglalakad ko sa kalye ay wala pa rin akong nahahanap na matitirhan.
Kung ano-anong iskinita na rin ang pinasok ko, habang bitbit ko ng mahigpit ang maleta at sadlay-sadlay ko naman sa balikat ang bag ko.
Nang makaramdam ng uhaw ay tumigil muna ako sa tindahan na nakita ko. Bumili ako ng isang zest-o na makense pesos. 'Ang mahal, 10 pesos lang benta ni mama ng ganto ah.' Bulong ko sa sarili ko. Nilabas ko na rin ang isang siopao na natira ko kanina. Habang nagmimiyerda ay nagtanong na rin ako sa nagtitinda. "May alam po ba kayong mauupahan na bahay dito?" Tanong ko sa tindira.
"Mauupahan ba kamo neng, merong bahay na kulay orenge sa kaliwang eskeneta, doon ka magtanong kung may bakante pa sila, iyon na kasi ang pinakamalaking paupahan dito." Wika naman ng tindera kaya napatango-tango ako.
"Salamat ho," Pasalamat ko at ibinag ko na ang kalahating siopao na natira ko, itinapon ko naman sa isang sakong basurahan ang wala ng lamang zest-o.
Sinunod ko ang sinabi ng ginang, at pagliko ko nga sa kaliwang iskinita ay nakita ko na ang sinasabi ng ginang na orange na bahay. Pagtapat ko sa malaking gate ay nakita ko ang karatulang wanted borders na may numero pa ng may-ari. Agad ko namang kinuha ang cellphone ko na umabot na ng tatlong taon, okay pa naman yon nga lang ay nagha-hang na, pero huwag ka kahit tatlong taon na to' sa akin hindi ko pa ito nababasag.
Ilang ring lang ay may sumagot na sa kabilang linya. "Hello po, kayo po ba ang may-ari ng orange house?" Tanong ko.
"Oo ako nga bakit?" Sagot naman ng babae sa kabilang linya.
"Gusto ko lang sana itanong kung available itong karatulang nakasabit sa gate niyo po." Sagot ko naman.
"Ay oo iha, sakto at naabutan mo, nanjan ka ba sa labas?" Tanong ng ginang.
"Oho," Sagot ko. "E teka lang at lalabas ako." Wika nito at pinatay na ang tawag.
Ilang minuto lang ay bumukas ang gate, lumabas doon ang isang babaeng siguro ay nasa 50's na, nakaduster ito ng itim.
"Hello po." Magalang kung pagbati ng lumapit ito sa akin. "Naku iha, buti at naabutan mo, balak ko na sanang kunin iyong lalaking nagpunta rito kahapon pero buti at hindi ko pa iyon kinukuha, mas gusto ko na ring babae ang mga borders ko." Wika ng ginang at tinanggal na ang karatulang nakasabit sa gate.
"Saan ka nga pala galing iha?" Tanong nito. "Galing po akong probinsiya." Sagot ko. "Ah tanong ko nga pala kung ilan po ang babayaran sa pag rent." Dagdag ko. "1500 lang iha, ako na ang may pinakamababang presyo dito pagdating sa pag paparenta, karamihan din kasi sa kinukuha ko ay mga estudayante. Siguro ay first time mo rito sa manila?" Tanging tango nalang ang naisagot ko. "Meron akong isang kwarto dito, huwag kang mag-alala dahil may sariling kusina na rin iyon kaso ang Cr at bathroom ay nasa labas. Halika ng maipakita ko sa'yo." Pag-anyaya nito sa akin sa loob. Umakyat kami sa ikatlong palapag at may nakita akong limang pinto. Binuksan nito ang isang pinto na malapit sa hagdan. "Tsaka nga pala ako nga pala si Rosa, tawagin mo nalang akong tita." Wika nito.
Pagpasok namin sa loob ay agad kung iginala ang paningin ko. Meron isang pinto, siguradong iyon ang kwarto, nagtungo ako doon at binuksan at tama nga ang hinala ko may isang katre doon pero walang kahit na ano, tanging kahoy na katre lang at maliit na aparador, may maliit na salas at ang kusina din. Hindi na masama sa halagang 1500.
Dinala naman ako ni tita rosa sa labas at doon ay pinakita niya sa akin ang Cr at bathroom. "Itong apat na kwarto, huwag kang mag-alala at mga babae ang narito, nasa eskwelahan sila ngayon, matanong ko iha, saang school ka papasok." Agad na napangiti at bahagyang napailing ako sa sinabi ng matanda. "Hindi na po ako nag-aaral, tapos na po ako. Sa katunayan ay naghahanap ako ng trabaho rito sa manila." Wika ko. "Ay napakabata mo namang tignan, akala ko ay nag-aaral ka pa, ilang taon ka naba iha?"
"24 na po ako." Ngiting sagot ko. "Mas mukha kang disi-otso. Napakabata mong tignan, at bagay na bagay sa'yo ang pagiging crema mo." Wika pa ng matanda na nakapag-pakunot ng noo ko. "Crema ho?" Takang tanong ko. "Ibig kung sabihin ay ang ganda ng kutis mo, hindi masyadong maputi at hindi masyadong morena." Paliwanag nito. "Sige na iha, siguradong pagod ka sa byahe, kung may itatanong o sasabihin ka puntahan mo ako sa itaas." Paalam ng ginang kaya napatango ako. Sinabi rin niya pala sa akin na kukunin niya ang renta ko sa ika-tatlong week ng oktubre. Ang bilis kausap ni tita Rosa.