MY DISTRACTER SEXYTARY 1

1748 Words
LESLIE "PA!" Malakas akong napasigaw ng biglang bumagsak sa maputik na sakahan si Papa. Kasalukuyan ko kasing tinutulungan ang mga magulang ko na magtanim ng palay dito sa sakahan namin dahil day-off ko naman sa trabaho. Pero habang kinakausap ko siya ay wala akong narinig na sagot niya kaya ng mapatingin ako sa kanan ko ay nagulat nalang ako ng nakabulagta na si Papa sa maputik na sakahan. Agad namang lumapit sa amin ang mga sinahuran ni Papa para sa pagtatanim ng palay dito sa bukid. 'Anong nangyari?' Tanong ko sa sarili ko. Pinagtulungan nila ang Papa na buhatin hanggang sa makarating sa gilid ng kalsada dahil medyo may kalayuan ang sakahan namin sa kalsada. Bigla naman akong nabalisa at kinabahan. Labis ang kaba at pag-aalala na nararamdaman ko para sa aking ama. Wala naman kasi akong alam na sakit ang itay. Bigla namang may humawak sa balikat ko, paglingon ko ay ang kapatid kong lalaki na humahangos mula sa pagtakbo. "Anong nangyayari teh, pinapunta ako ni mama rito kasi parang nakakagulo daw." Hinihingal na wika ng kapatid ko habang nakahawak sa kanyang tiyan. Meron din kasi kaming kubo o 'kalapaw' dito sa bukid kong saan naroon si mama na nagluluto para sa mga trabahador kasama nitong kapatid kung lalaki at ang isa ko pang kapatid na babae na siyang bunso. "Tawagin mo si mama Larken." Apurido kung utos. Naramdaman ko namang tila natuod sa pagkakatayo ang kapatid ko ng mawala ang ilang mga taong nakapalibot kay Papa. Ilang saglit lang ay, naramdaman ko ng umalis ang kapatid ko sa tabi ko. "Doc, ano pong sakit ng asawa ko?" Agad na napatayo kami sa pagkaka-upo ng lumabas na ang Doctor sa emergency room. Kanina kasi nagising si Papa sa sasakyan habang papunta kami dito sa hospital, tapos bigla nalang dumugo ang ilong ni Papa at nawalan na naman malay, at kahit nga nawalan na ito ng malay ay tuloy pa rin sa pagdugo ang ilong niya. "Sa ngayon misis. Kailangan pa munang dumaan sa ilang proseso ang asawa mo para malaman kung saan nagmula ang labis na pagdurugo ng ilong niya. Huwag kayong mag-alala napigilan na namin ang bleeding." Wika ng Doctor at nagpaalam ng umalis. Bumukas namang muli ang Emergency room at lumabas ang isang nurse na babae na hila-hila ang hospital bed kasama rin nito ang isang lalaki sa dulo na siyang nagtutulak sa hospital bed. Ngayong kami nalang ni Mama ang naiwan dahil pina-uwi ko na ang dalawang kapatid ko. Hanggang nagyon ay wala pa ring kibo si Mama mula ng ilipat ng mga nurses si Papa dito public patient area dahil wala naman kaming extrang pera para sa private room. "Ma, Labas lang ako para bumili ng makakain." Wika ko pero nanatiling nakatulala lang si Mama na tila wala itong narinig. Umalis nalang ako, at habang naglalakad palabas ng hospital ay malaking pala-isipan sa akin ang kung ano mang sakit ni Papa. Panalangin ko nalang na sana ay hindi ito malubha at malala. Siguro ay baka nakuha lang ni Papa ang pagdurugo ng ilong niya kanina dahil sa labis niyang pagtratrabaho. Hindi kasi uso ang salitang pahinga para kay Papa. Para sa kanya hanggat may araw hindi siya titigil sa pagtratrabaho at mababagot lang ito kung walang gagawin. Pagbalik ko ay napahinto ako saglit ng makita kung kinaka-usap ng Doctor si Mama. Hindi naman ako masyadong malayo sa kanila, sapat lang para marinig ko ang sinasabi ng doctor. "Misis mula po sa result na lumabas sa X-Ray ng asawa mo, ay may Brain Tumor po si Mr. Rivera na siyang nag-cause ng bleeding niya kanina." Wika ng Doctor. Nakita ko naman kung paanong nanghihinang napa-upo si Mama sa upuang Monoblock. "Gaano po kalala Dok?" Doon ay sumingit na ako sa usapan. Napatingin naman sa akin ang Doktor na tila minumukhaan niya ako. "Anak po ako ng pasyiente." agad na wika ko. Napatango naman ng bahagya ang doktor. "Hindi pa naman ito gaano kalala, maliit lamang na bukol ito kaya pwede itong operahan hanggat maaga pa." Paliwanag ng Doktor. "Magkano naman po ang halaga sa pag-oopera?" Tanong ko. "Dahil maliit na bukol lang ito, aabutin ng 300,000 thousand pesos sa pag-oopera." Sagot naman ng Doktor kaya napatango-tango ako. May mga itinanong pa akong ilang katanungan bago ito nagpa-alam na aalis, dahil may mga pasyiente pa itong pupuntahan. 300,000 thousand pesos sa pag-oopera, plus iyong biopsy, paggamot kay Papa kanina, at ilang days na pag-stay namin dito sa hospital, mga gamot niya pang kailangan bilhin. Habang kumakain kami ni Mama ay tahimik namang nag-cocompute ang utak ko sa lahat ng pwede naming magastos dito sa hospital. Hindi sapat ang sahod ko sa pagiging sales lady sa mall kung aabutin ng isang milyon ang lahat ng magagastos namin. Isa pa ay, may loan pa ang mga magulang ko dahil doon sa second hand na sasakyan na binili nila. Wala ring maani ngayon dahil kakasimula palang magtanim. Iyong mga kita sa mga nakalipas sa pagbibinta ng palay ay naibayad sa utang at pagpapasweldo sa mga nagtrabaho. Hindi rin naman kumikita ng malakas ang maliit na tindahan namin. Kung iisipin, wala kaming sapat na halaga. Kung ang pag-oopera lang kay Papa ang pag-uusapan siguro pwede ko pa itong utangin, pero kung pagsasamahin lahat ng gagastusin baka mabaon pa lalo sa utang. Ang mga kapatid ko pa ay nag-aaral pa, lalo na si Larken na nasa kolehiyo, exam na niya nextweek at sigurado akong malaking halaga rin ang kailangan doon dahil sa private ito nag-aaral. Hindi man nagsasalita si Mama, alam kong iniisip niya rin kung saan siya makakakuha ng ibabayad sa pag-oopera ni Papa. "Mamaya aalis ako, ikaw na muna mag-bantay sa Papa mo." Napatingin ako kay Mama ng magsalita na ito sa wakas. "Saan po kayo pupunta?" Tanong ko. "Mangungutang ako para may maibayad tayo sa gastusin dito sa hospital." Hindi nalang ako nakagsalita ng sabihin iyon ni Mama. Kinabukasan, ay hindi pa nakakabalik si Mama, hindi pa rin nagigising si Papa. Hindi na rin ako nakapasok sa trabaho ko. Hapon na ng magising si Papa. "Kamusta po ang pakiramdam niyo?" Nag-aalala kung tanong matapos nitong ibigay sa akin ang mineral bottle na pinag-inuman niya." "Ayos naman na ako Nak, Bakit hindi nalang tayo umuwi, isa pa sa gagastusin kung manantili ako ng matagal dito. Wala naman akong sakit malakas pa ako." "Oo na Pa, Alam kung malakas kayo. Sabi ng Doktor pwede na tayong lumabas kinabukasan." Malambing kung turan. "E bakit bukas pa, pwede namang ngayon na." Wika pa ni Papa. "Si Papa talaga, magpahinga nalang muna kayo." Malalim nalang na napabuntong hininga si Papa sa sinabi ko. Isang oras lang atang nagising si Papa ay nakatulog na naman ito. Hindi ko na sinabi rito ang tungkol sa sakit niya, baka kasi magsisigaw ito at ipatawag pa ang doktor at sasabihing bakit may sakit ito e ang lakas-lakas pa naman niya. Kanina rin kasi ay pumunta ang doktor dito at sinabing, pwede na kaming lumabas bukas pag nagising si Papa ngayon, tumawag nalang kami sa kanya pag-magpapa schedule na kami ng operation, sabi rin niya ay sana mas mapaaga dahil mabilis daw kumalat ang tumor at pwede ring maging cancer sa utak kung hindi agad ma-ooperahan. Gabi na ng makabalik si Mama. "Nagising na si Papa kanina Ma, sabi rin ng Doktor ay pwede ng ilabas si Papa bukas." Wika ko. "Sinabi mo ba sa Papa mo ang kalagayan niya?" Tanong naman nito sa akin. "Hindi pa, natatakot kasi akong pag-nalaman niya eh ay baka magwala siya rito at magsisigaw, sasabihing wala siyang sakit dahil siya ang pinakamalakas na tao sa buong mundo." Wika ko, pareho nalang kaming natawa ni Mama, dahil alam na naming parehong hindi malabong mangyari iyon. Kabisado na namin ang ugali ni Papa. "Ikaw Ma, may nautangan ka ba?" Tanong ko habang nagbabalat ng binili nitong orange. "Meron, Pero sampung libo lamang ang nahiram ko sa mga kumare ko. " May bahid ng lungkot sa boses ni Mama. "Ma." Pagtawag ko rito, kahapon ko pa ito pinag-iisipan. "Paano kaya kung magtrabaho ako sa Maynila." Agad na nakita ko ang pagkunot ng noo ni Mama sa sinabi ko. "Mag-tratrabaho ka sa Maynila?" Paninigurong tanong ni Mama na ikinatango ko. "Pinag-isipan ko na ito Ma. Kung iisipin kasi wala tayong mauutangan na may malaking ipapahiram sa atin, kung magungutang tayo sa bangko mas madadagdagan pa lalo ang loan niyo, lalo na si Larken, kailangan niya rin ng pera para sa eskwela niya. Hindi rin naman sapat ang limang libong sweldo ko sa pagiging sales lady." Wika ko. "Sigurado ka ba sa desisyon mong yan nak? Alam mo namang maraming masasamang tao sa maynila, baka makursunadahan ka nila doon. Naku talaga Leslie sinasabi ko sayo, pag may nangyaring masama lang sayo sa maynila, naku talaga." May diing wika ni Mama sakin. Alam kung nag-aalala lang siya. "Ma, huwag kayong mag-alala kaya ko sarili ko, parang hindi niyo naman ako kilala, ako kaya ang girl version ni Papa." "Naku nagawa mo pang magbiro." Niyakap ko nalang si Mama sa likod. "Para naman kay papa, tsaka 24 na ako, hindi na ako bata para mag-alala kayo ng labis sa akin, naisip ko rin na magkaroon ng bagong experience." Wika ko. "Ano namang i-apply mo kung doon ka sa Maynila magtratrabaho?" Napangiti naman ako ng may ma-isip akong kalokohan. "Prostitute." Sagot ko kaya agad na humarap sa akin si Mama na kulang nalang ay hambalusin ako. "Ma, joke lang." Agad na wika ko ng pulutin nito ang tsenilas niya at akmang ibabato sa akin. "Naku Leslie! Yan ang huwag na huwag mong gagawin, itatakwil kita pag ginawa mo yan, sinasab ko sayo" "Ma, joke lang" Agad na lumapit ako kay mama ay malambing na niyakap ito. "Syempre hindi ko gagawin yon, Mag- accountant ako, Alam niyo namang iyon ang tinapos ko. Huwag na kayong magalit Ma, sisiguraduhin kung malinis ang mangagaling na perang ipapadala ko sa inyo." "Sigurado ka naba jan nak sa desisyon mo?" May bahid ng lungkot na wika ni Mama. "Mama kung hindi ko to gagawin baka malagay sa alanganin si Papa, uuwi rin ako agad pag gumaling na si Papa at kapag nakaipon na rin ako, magtatayo ako ng gilingan ng palay dito para hindi na natin kailangan bumayhe ng isang oras para lang magpagiling ng palay dito sa bayan, tsaka magandang business iyon. Tapos palakihin rin natin ang store para naman mas marami na tayong maibenta, ipapa-renovate ko na rin ang bahay para hindi laging na sa kwarto niyo natutulog si Lana." Wika ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD