LESLIE
"Hello Ma." Pagsagot ko sa tawag ni Mama, pauwi na ako at kasalukuyang nakasakay sa elevator. Hindi na ako nakapag-paalam kay Boss dahil kausap naman niya ang mga kaibigan niyang sila sir Sandro at Sir Edward. Basta ay tenext ko nalang siyang mauuna na ako dahil baka hindi ko pa maabutan ang last trip ng jeep na masasakyan ko, baka nagkataon pa ay maglakad ako pag nangyari iyon.
Sinabi sa akin ni Mama na pina-operahan na nila si Papa, pero syempre hindi fully paid iyon, utang ko sa hospital iyon kaya kailangan ko pang kumayod.
Naglalakad na ako papunta sa sakayan ng jeep, malayo pa nga lang ay kitang-kita ko na ang mahabang pila.
Lumipas ang trenta minutos ay nandito pa ako at nakapila. Ubos na kasi ang jeep at hinihintay na bumalik ang naunang nag-pasada, parami na rin ng mas parami ang mga nakapila.
Nangangalay at namamanhid na ang mga paa ko sa pagtayo, isabay mo pa ang pagod ko sa buong maghapon dahil sa mga trabaho ko sa opisina.
Ilang minuto siguro ay dumating na ang isang jeep, agad na pumasok ang mga nasa unahang linya, agad nga iyong napuno at may mga bumitin pa na mga kalalakihan. Malabong aabot ako kasi sobrang haba pa ng pila.
Siguro ay sa pang-apat akong jeep bago makasakay.
Lumipas na ang halos dalawang oras at nandito pa rin ako nakapila dahil wala pang bumabalik na jeep. Okay sa umaga, agad akong may nasasakyan dahil marami ang namamasadang jeep pero pagsapit ng gabi uunti nalang kasi nga naman gabi na at uwian na para magpahinga, kaya minsan inaabot ako hanggang alas onse bago makasakay kasi ganito lagi ang tagpo tuwing uwian na galing sa mga kanya-kanyang trabaho. Kaya nga ang iba ay nagtataxi nalang kapag hindi talaga makapaghintay.
Lumipas pa ang trenta minutos na paghihintay sa ika-tatlong jeep, ng may magbusina ng kanyang sasakyan. Hindi ko pinansin iyon dahil baka may binusinahan na iba. Umabot kasi ang pila dito sa side walk dito sa kalsada.
Naulit pa ang pag-businang iyon na pati ang kaharap kung babae ay napatingin sa sasakyang bumusina. Tapos ay naulit muli, pero nanatili akong nakatingin sa harap habang naka cross arm at nakasimangot na nababagot na.
At bumusina pa nga ulit. "Ms. Ikaw ata ang binubusinaan ng mamahaling sasakyan na iyon." Kausap sa akin ng nasa harap ko, kaya iyon, agad akong lumingon at doon ay nakita ko ang boss ko. Nagsasalita ito pero hindi ko marinig dahil sa pinaghalong ingay ng mga tao at ingay ng mga sasakyan lalo na kapag motor.
Itinuro ko pa ang sarili ko ng sumenyas ito sa akin na ipinapahiwatig na 'tara na, sumabay ka na sa akin' tumango ang boss ko kaya agad akong lumapit sa sasakyan niya.
Nabuhayan tuloy ako ng dugo dahil sa wakas ay makaka-uwi na ako. .
"What took you so long to notice me." Wika nito ng maka-upo ako sa shot gun seat.
"Eh malay ko bang ako ang binubusinaan mo, at malay ko rin bang mapapansin mo ako sa sobrang dami ng taong nakapila jan." Saad ko naman. "Pero salamat Boss ah, Sobrang sakit na ng paa ko sa ilang oras na nakatayo jan." Ngiting pasalamat ko kay Boss.
"Tsk. dito libre no." Pa ingos na wika ni Boss sa akin kaya agad na nan-liit ang mga mata kung tumingin dito.
"Naku Boss anong binabalak mo sa akin, gagahasain mo siguro ako no." Biro kung wika, akala ko pa nga ay hindi niya ako papatulan pero agad akong natahimik ng patulan niya ang sinabi kung iyon.
"Di sana matagal ko ng ginawa. Lagi ka pa namang labas pasok sa office ko."
"Eto naman si Sir nagbibiro lang e." Saad ko nalang para mabawasan ang nararamdaman kung pagka-ilang.
"Kanina Boss ngayon naman Sir na." May pa smirk pa ito sa labi ng sinabi niya iyon, "Pero hindi ako nagbibiro, Steph." Dagdag nito na sobrang seryoso ng mukha.
Hindi na ako nakapagsalita nun dahil nakaramdam na ako ng pagka-intimida at the same time ay may iba akong nararamdaman, tila ba ay parang biglang bumilis ang pintig ng puso ko na kadalasan ay nararamdaman ko sa tuwing kasama o kausap ko ang Boss ko. Lalo na kapag may mga sinasabi itong hindi ko kayang sabayan.
Kaya sobrang gulat ko ng biglang humagalpak ng tawa ang Boss ko. Nagtataka ko tuloy itong tinignan na nakakunot pa ang noo ko. Basta ang lakas ng tawa nito pero tila naman parang musika iyon sa pandinig ko lalo pa at tila nag slow mo sa paningin ko ang Boss ko. Basta hindi ko maipaliwanag, para akong henehele ng tawa niya, ni hindi ko nga alam kung anong tinatawanan niya.
Nagising nalang ako sa pag-iisip kung iyon ng malakas na pinitikan ni Boss ang noo ko kaya agad akong napahawak doon.
"Ano ba!" Reklamo ko habang hinihimas ang noo ko. Patuloy pa rin ito sa pagtawa pero hindi na kasing lakas nung kanina.
"If you just see your face earlier, it's so funny. Oh my God." Tumatawang turan pa nito.
"Oh my God, Steph. Don't take it seriously, I'm just joking and besides your not my type." Dagdag pa nito.
Aray, ang sakit nun ah. Kapag talaga ako tinamaan ng kasaltikan at kalandian tignan lang natin pag dika pumatol sa akin pag nilandi kita. "Nakakatawa yon! Para ka ngang bangag na tumatawa diyan ng mag-isa." Inis ko tuloy na wika.
Pero imbis na ma-off mas lalo pa itong tumawa. "Talo pikon ka pala HAHAHA." Wika pa nito. Kainis tong lalaking to' ang sarap sakalin. "Umayos ka na ngalang sa pagmamaneho mamaya mabangga pa tayo. Mumultuhin kita pag ako natege at ikaw humihinga pa." Pa-irap kung turan, naiinis pa rin kasi ako dahil sa totoo lang ay naisahan niya ako roon. Muntik na tuloy akong maniwala.
"Teka kanina pa ako nagmamaneho, saan ba ang bahay mo?" Maya-maya ay tanong nito dahil hindi na ako umimik.
"Eh di hanapin mo." Supladang sagot ko.
"Sige madali naman akong kausap e." Wika naman nito at laking gulat ko nalang ng mag-uturn si Boss at pumasok sa pakanang daan.
"TEKA! TEKA! TEKA." Agad kung pag-angal.
"Bakit?" Inosenteng tanong ng Boss ko sa akin na tila ba wala itong alam.
"Anong bakit! Tatanungin mo akong ganyan ikaw nga tong biglang nag-uturn. Saan mo ako balak dalhin ha." Wika ko.
"Sabi mo hanapin ko bahay mo, eh diko naman alam kung saan ka nakatira. e madali akong kausap e iuuwi nalang kita sa bahay ko, oh diba tapos ang usapan." Nagkibit-balikat pa itong nagpaliwanag. Anak ng tokwa oh, kung kailan naman sinapian ng katarantaduhan ang Boss ko eh wala pa ako sa mood. Hindi nalang sana ako sumama at tumayo nalang doon sa pila.
"Mag u-turn ka ulit. Iuwi mo ako hindi sa inyo." Sobrang dali namang kausap ng Boss ko dahil walang pasabing nag-uturn nga ito tuloy ay muntik masadsad ang mukha ko sa harapan buti nalang at agad kung naitukod ang mga kamay ko. Tinignan ko tuloy ng nakakamatay na tingin ang Boss ko lalo pa at alam kung nakita niya ang nangyari sa akin dahil nagpipigil ito ng tawa.
Tuloy ay mas lalo akong nabad-trip. Nang maihinto ako nito sa harap ng gate kung saan ako umuupa ay agad kung tinanggal ang seatbelt ko at bumaba sabay sobrang lakas na isinarado ang pinto ng sasakyan ng Boss ko. Ni hindi manlang ito nainis na mas lalo kung kina-inis dahil naka-ngisi pa ang hinayupak.
"Bye Ms. Pikon, have a sweet dream. Sana makita mo ako sa panaginip mo." Sigaw sa akin ni Boss habang binubuksan ko ang gate.
"Che! Mabangga ka sana! Bwisit!" Wika ko at narinig ko ang halakhak nito ng tuluyan na akong makapasok sa loob. Pati tuloy ang pag-akyat ko ng hagdan ay mabibigat ang mga paa ko dahil sa pagdadabog ko. Humanda ka bukas, akala mo ha. Matitikman mo ang ganti ng isang api. Nakarami ka ngayong araw, sisiguraduhin kung mas makakarami ako sa'yo bukas. Pati ang pagbukas ko sa pinto ng kwarto ko ay padabog. Nakakainis kasi e. Di na talaga ako sasabay sa hinayupak na iyon, ang lakas ng timing mang-asar, kuhang-kuha niya tuloy inis ko ngayong araw.