LESLIE
Maaga akong nagising, alas kwatro ay naligo na ako.
Ngayong araw ang paghihiganti ng isang api, akala siguro ni Boss papalampasin ko ang ginawa niya sa akin kahapon lalo na ang sinabi niyang 'your not my type' naapakan niya ego ko don ha. Tignan lang natin kung hindi siya mahulog sa alindog ko.
Nagsuot ako ng pencil skirt na hapit na hapit ang shape ng katawan ko, ang pang-itaas ko naman ay isang puting blouse na hapit na hapit rin sa katawan ko, sinadya ko pang hindi ibutones ang dalawang butones neto para makita ang unting clevege ko, pero syempre tsaka ko na iyon tatanggalin pag nasa opisina na ako, ayaw ko namang naglalakad ako jan e ang clevege ko ang pinagtitinginan nila.
Meron din akong blazer na nabili ko pa sa ukay. At nagsuot ako ng pulang sandal na may taas na dalawang inches.
Sa mukha naman ay nag-make up ako pero light lang, di talaga ako marunong mag make-up pero tiruan ako ni Reyshelle dahil minsan ng may ibigay siyang make-up sa akin ay tinanggihan ko dahil hindi naman ako marunong pero sabi niya ay tuturuan niya ako, ang kaso naman nung natuto ako hindi ko naman ginagamit dahil hindi ako komportable, pero iba ngayon.
Matapos kung lagyan ng kolorete ang mukha ko ay ang huling nilagay ko ay pulang lipstick sa labi ko. Buti nga ay bumagay sa akin ang red na lipstick.
Sa buhok naman ay ginamit ko ang curler na binigay din sa akin ni Reyshelle, kinulot ko ang buhok ko mula sa taas hanggang sa ibaba ng buhok ko. Medyo nahirapan pa ako dahil sa hindi ko makita ang buhok ko sa likuran pero nairaos naman. Kaya ng natapos ay laking puri ko sa sarili ko dahil talagang nag-iba ang awra ko ngayon, para akong babaeng may class.
Pagkarating ko sa kompanya ay ramdam ko ang mabusising mga mata ng mga ka-trabaho ko. Para nila akong kinikilatis ng mabuti dahil sa ayos ko ngayon. Pero wala lang sa akin iyon dahil confident pa rin akong naglakad patungo sa elevator. Bakit ba, kahit naman pagtinginan nila ako wala silang mapapala. Tsaka di naman para sa kanila kung bakit ako nag-ayos ng ganito kaya pakialam ko kung pag chismisan nila ako, wala naman silang ambag sa buhay ko.
Nang bumukas ang elevator ay sinimulan ko ng tanggalin ang dalawang butones ng blusa ko. Nakangisi pa ako habang iniisip ang magigihg reaksyon ng boss ko. Not my type pa la ha, sige let the game begin.
Inilapag ko ang bag ko sa table ko at kinuha ang salamin para i-check ang ayos ko.
Sobrang lawak ng pagkakangiti ko ng buksan ang seradura ng pinto ng opisina ng Boss ko, dahil iyon naman na ang nakasanayan ko, hindi na ako kumakatok kasi iyon din naman ang bilin sa akin ni Boss.
Ang kaso ay ako ata ang nagulat sa nakita ko at madadatnan ko. Aba! nalate lang ako may sumalisi na agad.
Nakita ko kasi sa akto kung paano akitin ng haliparot na babae ang Boss ko na hindi naman pinapansin ang babae dahil abala ito sa mga paperworks niya.
Agad na tumayo ang babae sa pagkaka-upo niya sa mesa ni Boss ng makita ako halatang gulat na gulat. Nameywang ako habang nakahawak pa rin ang isang kamay ko sa seradura ng pinto.
Naglakad ako ng dahan-dahan at pinag-krus ko ang mga braso ko.
"Na-late lang ako may sumalisi na agad. Hoy babaeng haliparot hindi club to' kung kailangan mo ng magkakamot diyan sa p***y mo doon ka sa club." Walang prenong turan ko.
Agad na napansin ko ang reaksyon ng babae na tila napahiya, pero matapang pa rin naman ang awra nito. Naglakad pa ako patungo sa table ng boss ko kung saan siya umupo kanina, umupo ako roon at ipinatong ang dalawang kamay ko sa mesa habang matiim na tinititigan ang babae.
"Maganda ka sana, kaso..." Umiiling-iling at pabiting turan ko.
Tinignan ko pa ito mula ulo hanggang paa. "Maganda ka sana kaso wala kang class. Bakit ba kayong mga mayayaman ang hilig niyong ibaba ang mga sarili niyo hano. Basta makalasap lang ng sarap gustong-gusto agad, Nakakababa ng dignidad. Ineng kung ako sa'yo ang dapat mo munang pagtuunan ay ang pag-aaral mo." Wika ko sa babae. Pansin ko kasing mas bata ng ilang taon sa akin ang batang to' halatang mga nasa edad 19 o 20.
"Di mo ba nakikita ang lawak at ang liwanag ng future mo tapos hahayaan mo lang mawasak dahil sa mga lalaki. Ito ha payong kapatid," Tumayo ako sa pagkaka-upo ko at nilapitan ito. Inakbayan ko pa ito. Kung kanina ay matapang ang awrang inilalabas ng mukha niya kahit halata namang natatakot, ngayon naman ay nakayuko at tila napahiya na sa mga sinabi ko. "Hindi mo dapat ibinaba ang sarili mo sa kahit na sino. Tandaan mo to' bilang babae dapat magkaroon din tayo ng delikadesa' at respito sa sarili, kasi pagdating naman sa mga lalaki wala namang mawawala sa kanila e, mananatili silang buo. Pero tayong mga babae pag nawasak, wasak na agad. Pilitin mo mang lumaban at manatiling matatag. Pilitin mo mang buuin muli ang sarili mo, wala na hindi na maibabalik kaya dapat tayong mga babae kailangan nating i-built yung bridge and walls natin kasi kahit na sino pang lalaki ang pumasok sa buhay natin kung matatag kang concrete at mahabang tulay hinding-hindi ka kailanman maibaba ng kahit na sino. Kasi Matatag ka na eh, malawak na ang pang-unawa mo. Kung kaya ng mga lalaking maging mataas, kaya rin natin. Hindi na nila iisipin na easy to get tayo, at mga laruan lang nila tayo. Kung feeling natin mas kailangan natin ang mga lalaki sa buhay natin, mas isipin mong mas kailangan tayo ng mga lalaki dahil kung wala tayo di naman sila magkaka-anak at mapapalago ang mga lahi nila e." Mahabang advice ko sa babae. Sa sobrang haba ng sinabi ko natuyuan na ang lalamunan ko.
"Oh sige umalis ka na." Huling wika ko at hinatid ito mula sa labas lang naman ng pinto ng opisina ng boss ko.
Sana lang ay isina-ulo man lang niya ang advice ko. Napahinga nalang ako ng malalim at nagpasyang pumasok na muli sa loob ng office ni Boss.
Pagpihit ko ng seradura ay siya namang gulat ko ng may humila ng pinto pabukas mula sa loob. Sobrang bilis ng pangyayari, agad kasi akong hinila ni Boss at sabay sarado sa pinto tapos isinandal ako sa likod ng pinto habang ang isang kamay nito ay nakatukod malapit sa tenga ko.
Natulala ako ng ilang segundo bago naka-react. "Boss ano ba. Nanggugulat ka masyado eh."
"Mag-aagree na sana ako sa sinabi mo kanina kaso may kulang." Wika nito at humawak pa sa baba niya.
"Ano naman yon aber?" Nakataas ang dalawang kilay na tanong ko.
"Both men and women are equally. It's just that society changes people. But I actually agree that women should not look down on themselves." Wika nito.
"Oh tapos?" Tanong ko dahil hindi nito tinapos ang sinabi nito.
"Kasi pag ibinababa nila ang mga sarili nila mas umaangat naman ang pride at kayabangan ng mga lalaki." Seryoso nitong turan na nakagpakunot sa noo ko dahil tils biglang nagbago ang awra nito. Kanina lang kasi ay maloko ang mukha nito ngayon naman ay tila hindi ma maipinta.
Hanggang sa mapansin ko ang mata nitong napadako sa clevege ko na nakalitaw. Gotcha!. Ako naman ay pasimple pang nag chest out para mas lalong lumabas ang clevege ko. Umarte nalang akong tila wala akong alam.
Hanggang sa ibaba niya ang kamay niyang nakapatong sa pinto at humawak sa kanyang tie para luwagan iyon.
Tuloy ay palihim akong napangiti, sino kayang nagsabi ng 'Not my type' when infact merong isang kumag na tila hindi na maipinta ang postura dito.
"Ba't ba ganyan ang suot mo?" Wika ni Boss ng makabalik ito sa kanyang upuan. Tila pa bossy pa itong nagtanong.
"Bakit? Anong masama sa suot ko? Ito naman dapat talaga ang suot ng mga secretary diba." Sagot ko. Hindi naman ito nagsalita dahil nakita ko itong napa-inom ng tubig.
"Ang ganda kaya ng suot ko ngayon." Ngiting puri ko sa sarili ko habang nakatingin sa whole mirror ni Boss dito sa office niya.
"Maganda nga Pangit naman ang nagsusuot." Agad na nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya kasabay ng pagharap ko rito at pagtaas ng isang kilay, pinag-krus ko pa ang mga braso ko. Lintik na lalaking to' alam na alam talaga kung paano ako asarin at galitin.