MY DISTRACTER SEXYTARY 12

1589 Words
LESLIE Kasalukuyan kaming nandito sa isang malaking restaurant. Meron kasi kaming client na i-me-meet. Ito nga ang kasama ko ay nababanas na dahil sobrang tagal dumating nung hinihintay namin. Kaya ako naman bilang mabait na secretary ni Boss ay nakipag-kwentuhan ako rito. "Boss." Pagtawag ko rito, agad namang tumingin ito sa akin. Hinawakan ko pa ito sa braso para lumapit sa tabi ko. Inusog naman nito ang upuan niya kaya ayon sobrang lapit na namin sa isa't-isa. "Nakita mo yung babaeng yun, tapos yung lalaki?" Wika ko sabay palihim na tumuro doon sa direksyon nila. "Yeah, Why?" Tanong naman nito. "Eh yung babaeng yun na nasa sulok. Yung naka-hoodie. Yung may babae ring kasama na naka-hoodie rin." "Yeah." Nakakunot noong wika nito. "Pustahan tayo Boss." Nagkatinginan kami at kitang-kita ko ang labis na kalituhan at pagtataka sa mukha niya, dahil na rin sa noo niyang nakakunot. "Pustahan tayo Boss, iyong babaeng naka-hoodie ng black asawa o kasintahan niya iyong lalaki na may kasamang hottie." Wika ko. "You think so?" "Oo nga, ano pustahan tayo. Pag tama ako bigyan mo akong limang libo." Kindat ko rito. Nakita ko namang ngumisi ito. "Pano pag natalo ka?" Tanong naman nito kaya napa-isip ako. Ano ba, wala naman akong maibibigay na pera, Ah alam ko na. "Pag talo ka bigyan kitang kiss." Malawak ang pagkakangiting turan ko dahil alam ko rin namang ako ang panalo. "Yuck, Kadiri." Wika nito. "Hoy, anong kadiri, di mo ba alam na maraming nagkakandarang mahalikan itong labing to." Wika ko naman. Pero bigla namang umiwas ito habang kagat-kagat niya ang kanyang kuko. Pero parang nakita ko itong palihim na ngumisi o ngumiti, hindi ko lang ma-confirm dahil nakaharang ang kamay nito sa bibig niya. Ang ashumera ko naman kung iisipin kung nagkukunwaring nandidiri lang ito. "Ano na Boss. Deal." Kalabit ko rito. Umayos naman na ito ng upo at sumeryoso na ang mukha pero andon pa rin ang pagkamaloko. "Okay, Deal." Sabi nito. Kaya ayon, para kaming mga marites dahil hindi na namin naihiwalay ang mga mata namin sa pinagpupustahan namin. Kaso ay parang ako lang pala ang nakatutok na parang Marites dahil itong kasama ko ay nahuli kung nakatingin sa akin. Mag-aasume na ba ako ahue. "Ayon Boss, tumayo na yong babae panigurado susugurin niya na yong babae ng mister niya." Wika ko, na tila excited pa. Ang kaso ay agad nawala ang ngiti ko sa labi at napangiwing tumingin kay Boss. Yung pesteng dalawang babae kasi, dinaanan lang yung lalaki at babae. Maling akala na naman ako. "HEHEHE, Peace." Pekeng ngiti ko at nag-peace sign pa. Itong boss ko naman ay hindi ko malaman kung nakangiti ba o seryoso. Hindi namam siya nakangiti, naka poker face nga e, kaso iba naman ang pinapakita ng mukha niya, kaya hindi ko maipaliwanag. "Binabawi ko na yung sinabi ko. Sa'yo nalang yang limang libo mo hehehe." Sabi ko pa. Umiwas ito ng tingin sa akin at lumingon sa kanyang side. Nakita kung tumaas ang sulok ng labi nito pero hindi ko naman sigurado kung tama ba iyong nakita ko o sadyang praning lang ako. Sakto namang may sumulpot na isang lalaki kaya umayos na ako ng upo. Nagkamayan sila ng Boss ko. Kaya ayon habang nag-uusap na sila ay hindi na ako nakapagsalita dahil wala naman akong naiintindihan sa pinag-uusapan nila. Ibang business kasi ang topic nila. Nang dumating naman ang pagkain ay napansin kung hindi dinampot ni Boss ang utensils. Habang ang kausap nito ay kumakain na at hinihiwa ang steak nito. Palihim kung siniko ang Boss ko at sumenyas na kumain na ito. Hindi ba to gutom. Eh hindi naman ako nagluto para sa dinner namin sa office niya dahil maaga kaming nagpunta rito sa restaurant para i-meet itong client niya. Tumingin ito sa akin, pero hindi naman nagsalita dahil tuloy-tuloy ang pag-uusap nila. Bahala na nga lang siya, kakain na lang ako. Humiwa ako sa steak ko at sinubo iyon. Pakinang shet ang sarap. Ngayon lang kasi ang nakatikim ng ganto e. Nakikita ko lang to sa mga vlog ng vloggerist na nagmumukbang, di ko akalain na ganito talaga to kasarap. As in na pagsubo mo don sa karne manunuot agad yung mabangong aroma niya sa loob ng bibig mo tapos super lambot niya para nalulunaw sa loob ng bibig pag nginuguya. Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ay hindi pa rin ginagalaw ni Boss ang sa kanya. Iyong kausap niyang lalaki, ubos na niya habang ako ini-enjoy ko iyong karne. Maya-maya ay nag-excuse ang lalaki na pupunta lang itong comfort room. Sa tingin ko rin ay tapos na silang mag-usap. "Di ka gutom?" Agad na tanong ko sa Boss ko pagkatalikod nung lalaking matanda. "Hungry." Sagot nito. "Eh bakit di mo pa kainin yang pagkain mo." Wika ko naman. Umiling ito na ipinapahiwatig na hindi niya gusto iyon. "Masarap siya. Tikman mo lang kasi, masarap siya promise." Wika ko pero umiling ang boss ko. Kaya ayon tinusok ko ng tinidor ang nahiwa kung steak ko at sinubo iyon sa loob ng bibig ni Boss ng akmang magsasalita ito. "Hep, hep, hep. Huwag mong idudura yan." Agad na pigil ko rito ng akmang kukuha ito ng tissue at doon idudura. "Nguyain mo na kasi, ang arte mo." Inis-inisan kung turan. Tila naman napipilitan itong sundin ang utos ko. Napainom pa ito ng tubig ng malunok na niya iyong karne. "Ano, masarap diba?" "Not really. It taste like a panis na kanin." Wika nito. "Ano daw, yuck ka naman. di ka marunong mag-appreciate ng pagkain. Ihahalintulad mo na nga lang sa panis na kanin pa. Ang sarap kaya." Wika ko at nilantakan na ang steak ko. "Mas masarap siguro kung ikaw ang magluluto." Wika nito kaya tumingin ako rito na parang hindi makapaniwalang nasabi niya iyon. "Sus anjan ka naman sa mga pambobola mo Boss. Di na yan bebenta sa akin." Wika ko pa. "Hindi iyon pambobola, totoo yon." Seryosong ani nito. Ang hirap naman kasing sabihin kung nagbibiro ba ito o hindi. Hindi na ako naka-resbak dahil bumalik na iyong lalaki. Siguro nag-usap lang sila ng mga trenta minutos tapos nagpaalam na iyon matanda na aalis na. Sakto namang natapos ko ng kainin iyong steak ni Boss dahil ayaw niyang kainin. Nasayangan naman ako dahil alam kung mahal iyon kaya kinain ko. Mga ilang minuto lang siguro bago umalis nung matanda ay sumunod na rin kami. Habang nasa sasakyan. Ihahatid sana niya ako kaso pinigilan ko ito. "Boss, punta tayo sa grocery." Wika ko. "Why?" Tanong nito na nakakunot ang noo habang nakatingin sa unahan. "Basta samahan mo ako." Pamimilit ko. Hindi naman na ito nagtanong pa at nag-uturn para pumunta sa grocery. Nakokonsensya kasi ako, alam kung gutom ang Boss ko e dahil hindi ito kumain. Punta kaming grocery para mamili at ipagluluto ko siya sa kanila. Pumarada ito at bumaba kaming dalawa. Kumuha ako ng malaking cart at ipinahawak iyon kay Boss. Nakasunod lang naman ito sa akin habang namimili ako ng mga gulay. Baka itanong niyo kung bakit ako bumibili ng sangkap, e kasi na-kwento niya na wala naman siyang stock na pagkain sa bahay niya dahil hindi naman siya marunong magluto. May nagluluto sa kanya na kasambahay nila sa bahay nila don sa family house nila. Pero hindi naman daw laging nagpupunta iyong yaya niya kanya para ipagluto siya. Nang mabili ko na ang mga sangkap na gagamitin ay nagpunta na kami sa counter ng matapos na lahat scan ay humarap ako kay Boss at inilahad ang kamay ko. Walang tanong tanong naman nitong kinuha ang pitaka niya at inabot sa akin ang black card niya. "Thank you ma'am, balik po uli kayo." Wika nung babaeng nas counter. Sobrang lawak pa ng pagkakangiti akala mo hindi ko alam iyang nga style niyo. Lahat ng babaeng sales lady dito sa grocery ay panay ang tingin sa Boss ko. Mga malalandi. "Boss, deretso tayo sa inyo ha." Wika ko habang nagkakabit ng sit belt. "Why?" Tanong nito. Wow ha, sobrang tipid magsalita ngayon ay. Kagabi lang ay ang lakas ng amats nitong mang-inis. "Di ba obvious. Namili tayo oh, di syempre ipagluluto kita. Kawawa ka naman kasi, walang nag-aalaga sa'yo. Bakit ba kasi hindi mo nalang ako sagutin Boss para ako na mag-alaga sa'yo." Banat ko pa sa huli. "Bakit nanligaw ka ba?" Balik tanong naman ng boss ko kaya napatingin ako dito na tila hindi makapaniwalang rumebat ito. "Luh, bakit ako. Ikaw tong lalaki e." Pagsabay ko rito. "So, sasagutin mo ako pag niligiwan kita?" Tanong nito na sobrang seryoso. "Luh, parang tanga si Boss. Di mo na ako maiisahan, gino-good time mo lang ako e." Nangingiting turan ko. "Hindi ako nagbibiro Ms. Rivera." "Luh, seryoso ka na niyan boss. Tinatawag mo na ako sa last name ko. Hay naku, di kita type no. Nagbibiro lang ako." Wika ko nalang para matanggal na ang awkwardness na nararamdaman ko sa pagitan namin. Ang lakas mang trip akala niya walang epekto yung ginagawa niya. Kung alam lang niya na kanina pa naglalag panty ko sa mga pinagsasabi niya, pati puso ko dumoble na naman sa pagtibok. Sa kalagitnaan ng pag-drive nito ay bigla naman itong huminto sa gilid ng kalsada sakto pang yung area na wala ng mga bahay. Nagtataka ko tuloy itong tinignan. Huminga lang ito ng malalim tapos sinabing. "Maniningil ako sa utang mo sa akin Ms. Rivera. Not now but soon." Seryosong wika nito na nakapagpataas ng balahibo ko. As in na seryoso ito, at tila hindi talaga nagbibiro. Napatanong tuloy ako kung anong utang iyon. A/N: Hala! anong utang kaya iyon Leslie?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD