MY DISTRACTER SEXYTARY 13

1337 Words
LESLIE "Pati ba naman bahay mo itim at gray din ang disenyo. Di ka talaga mahilig sa colorful no. Para kang si Dracula kulang nalang e magkaroon ka ng pangil para ikaw na talaga si Dracula. Pati ilaw dim. Wala na bang ililiwanag yan." Lintanya ko sa boss ko pagpasok ko ng bahay niya. Sobrang mangha ko ng makarating nga dito dahil sobrang lawak ng paligid niya at ang laki ng bahay niya kaso pagpasok ko naman ay e di ko ma appreciate ang design ng bahay niya dahil as in na itim at gray ang lahat ng kulay na makikita mo. Ang tiles ng bahay niya gray, ang kurtina niya gray. Ang furniture niya gray, ang sofa gray. Tapos ang ilaw dim. Ang railings ng hagdan niya black pero may shade ng gray. Ang kusina niya, well naiba naman don sa mesa dahil varnish lang. Pero ang counter niya gray ang lahat ng gamit pang kusina kung hindi black mga silver. At ang kusina lang niya ang may matinong ilaw. "Favorite mo talaga ang black na color Boss no." Kausap ko sa boss ko habang abala ako sa pagluluto. "Nah. I don't like black actually." Sagot naman nito kaya napangiwi ako. "Huh? Di mo gusto e kung itong bahay mo kulang nalang maging bahay ni Dracula pati nga office mo black din ang pintura. Malapit ko na tuloy maisip na ang lungkot lungkot siguro ng buhay mo. Kung di ka lang magagalit baka pinalitan ko na ng ibang color ang pintura ng office mo." Daldal ko. "Then do it. I'm not gonna be mad if you want to change it." Sagot naman sa akin ni Boss. Nakatalikod kasi ako rito habang kinakausap siya, naka-upo kasi to sa mesa niya. Kaya hindi ko matansya kung nagbibiro ba ito o hindi. "Sabi mo yan Boss ah. Magulat ka nalang pag ginawa kung pink yung office mo." Pagbibiro ko pa. "Do what you want, i don't care." Wika naman nito. Aba mabait ata boss ko ngayon ah. Basta nalang umo-o sa mga sinasabi ko. At para ma-confirm ko kung seryoso ba ito o hindi ay humarap ako na sana ay hindi ko nalang dapat ginawa. Akala ko ay naka-upo siya doon sa mesa pero bakit nasa likod ko lang pala siya. Umangat pa ng kaunti ang ulo ko dahil sa tangkad niya, hanggang dibdib niya lang kasi ako. Tumikhim ako at tumalikod na, hindi ko na naman maipaliwanag ang nararamdaman ko, bigla na namang bumilis ang pagtibok ng puso ko at hindi na ako komportableng gumalaw. Alam na alam talaga ni Boss kung paano maglaro ng mga babae pero sisiguraduhin kung hindi ako magiging isa sa mga iyon. Kahit pa aminin kung nagkakagusto ako sa kanya hinding-hindi ako mahuhulog sa patibong niya. Masakit kaya masaktan. Ilang beses ko ng naranasan ang masaktan, nasubukan ko na ring maging tanga at manhid dahil sa lintik na pag-ibig na yan. Kaya kung binabalikan ko yung mga past relationship ko, tangina na-realize kung napaka OA ko pala. Hindi dapat ako umiiyak dahil sa mga pesteng lalaki. Kaya ayon nung nagka-jowa ako ulit ako naman itong play girl. Na chamba lang na yung huling ex ko ay ang tipo ng lalaking hindi makabasag pinggan sa sobrang hinhin na daig pa ang babae, at sobrang bait din, hiniwalayan ko na agad, ayaw ko sa mga lalaking ganun e. Hanggang sa natapos akong magluto at naghanda. Nag-luto ako ng chopsuey at steak dahil hindi siya nakakain kanina ng steak. Ipanagsandok ko na rin siya ng adlie rice, sosyal ng kanin niya talagang mamahalin. Ililigpit ko na sana ang mga kawaling ginamit ko ng magsalita naman si Boss. "Join me." "Busog ako boss e, tsaka niluto ko lang talaga yan para sa'yo." Ngiti ko. Pero pinilit ako ni Boss, tumayo pa talaga ito at hinila ako para umupo. Pinagsandok niya rin ako ng pagkain ko sa plato, wala nalang tuloy akong magawa kundi ang kumain kahit na busog na ako. "Your steak is more delicious than that restaurant steak." Wika nito habang nginunguya ang karne. Palihim naman akong nangiti dahil sa complement niya. "Sus, maarte ka lang kamo Boss. Magkalasa kaya yung steak na niluto ko sa steak don sa restaurant." Wika ko para iwasan ang pagngiti ko. "Nah, I'm telling the truth. Your steak is 10x delicious than their steak." Ano be nemen tong Boss ko. Ang hilig magpangiti at magpakilig. "Okay sabi mo e." Kibit balikat ko nalang na pag-agree kahit naman na kanina pa talaga ako kinikilig sa complement niya. Pagkatapos naming kumain ay hinatid na rin ako ni Boss pauwi. Ang sabi ko nga ay mag-commute nalang ako pauwi pero mapilit e. Habang nasa loob ng kotse nito ay pareho kaming tahimik. Kanina ko pa napapansin ang sobrang pagka seryoso ni Boss. Akala ko kanina ay dahil lang sa gutom o pagod sa trabaho kaya tila wala siya sa mood makipag-biruan kaso parang mas napapansin ko ng tila may mabigat siyang problema dahil sa inaasta niya. Hanggang sa maihatid na niya ako, ay wala pa rin itong imik. "Salamat Boss, ingat ka pauwi." Ngiti kung sabi bago bumaba. Tumango lang naman ito at minaneho na ang kanyang kotse pagkapasok ko ng gate. Ano kayang problema niya? ANTHONY Matapos kung maihatid si Steph pauwi ay dumeretso ako sa bar ni Carl. Naupo ako sa dati kung pwesto at umorder ng matapang na alak na agad kung inisang lagok. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Bakit nagiging ganito kalabis ang epekto niya sa akin. Sa tuwing nagsasalita siya nag-iiba ang reaksiyon ng katawan ko. Muli akong lumagok ng alak sa baso ko. Kinuha ko rin ang cellphone kung kanina pa ring ng ring. It's Mariel. She's my wife. Pero mula ng ikasal kami hindi na naging maayos ang lahat. Aaminin kung nagsisisi ako sa padalos-dalos kung desisyon. Ni hindi ko man lang kinilala ang babaeng iniharap ko sa altar. Now she's at japan, she's a half Filipina and half japanese. Nang maikasal kami tsaka ko lang nalaman na pornstar pala ang napangasawa ko. I was mad and angry because she didn't tell me soon. At patuloy pa rin niyang ginagawa ang trabaho niyang iyon kahit na sabi kung tatanggapin ko siya basta sumama lang ito sa akin dito sa Pilipinas. But no she choose to be a f*****g w***e in her country. Thankgod sa japan naganap ang kasal namin kaya madali ang proseso ng divorce ang kaso ay ayaw niyang pirmahan ang divorce paper na pinapadala ko sa kanya. It really sucked. I want to be free and find another woman to be with. I want my own family but Mariel doesn't want too. She even told me that she doesn't want to carry a child in her womb. What a bullshit is that. Hindi naman ako nagpakasal dahil lang sa libog, pero si Mariel ang pagkakaintindi niya sa kasal ay para lang maibigay ang isang pangangailangan ng isang lalaki at babae, and that's a big bullshit. And still she wants to be with me while doing her disgusting job. How can i do that if evey time i saw her, i was disgust. She's not even worthy to be a mother and a wife. She doesn't know what a marriage is. Even my parents are against her when they find out what she really is. Agad kung pinatay ang tawag pero nag ring lang ulit iyon kaya wala na akong nagawa kundi ang sagutin iyon. "Honey, when will you stop sending the divorce papers? I told you i don't want to do it. I love you Hon, please don't do this to me." Pagmamakaawa nito. "I don't love you anymore Mariel. I don't want you in my life anymore. I want you to be out of my life, when will you understand that? I give you so much a chance to change and to be with me. But what did you do, you choose your f*****g job against me. I really regret marrying you." Masasakit na salitang wika ko bago ko ibaba ang tawag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD