LESLIE
Sobrang aga kung pumasok dahil gusto kung i-surprise si Boss. Sakto at wala namang nag pa appointment sa kanya. Nag text pa ako sa kanyang huwag siyang pumasok ng maaga.
Bumili ako ng mga sticky wall dahil sabi nga ni Boss akong bahala diba. Nag messy bun ako at bago simulan ang pagbabagong anyo ng opisina ng boss ko. Nagpatugtug pa ako ng music cellphone ko. Lahat ng gamit ni boss na nakadikit sa wall ay inusog ko. Kahit na mabibigat iyon ay kinaya ko naman.
Pagkatapos ay tumuntung ako sa upuan at sinimulan na ang pagdikit ng sticky wall. Ang kulay na napili ko neutral, pwede sa lalaki at pwede sa babae. Maganda siyang tignan kasi napaka light at napaka-aliwalas.
Inabot siguro ako ng Isang oras at mahigit sa pagdidikit ng sicky wall. Sobrang natuwa ako ng matapos dahil talagang nagkaroon ng kulay ang buong opsina ni Boss. Naibalik ko na rin sa ayos ang mga gamit niyang nakadikit sa wall.
At ang sunod ko namang ginawa ay inilabas ko naman ang mga pintura at paint na binili ko. Humiram pa ako ng hagdan sa cleaning department para gamitin ko sa pagpintura at pag-paint ng ceiling ni Boss. Mahilig din kasi akong mag drawing at mag paint. Kaya ang una ko munang ginawa ay nagdrawing gamit ang lapis. Palipat lipat ako ng pwesto at maya't maya ang lipat ko rin hagdan na ginagamit kung tungtungan. Mahigit trenta minutoa akong natapos sa pag sketch at hinanda ko naman ang mga paint na gagamitin ko. Gumamit din ako ng mask dahil matapang ang amoy nun. Binuksan ko rin ang malaking sliding window ni Boss rito para pumasok ang hangin.
Nag drawing ako ng isang babae at may dalawang bata na naglalaro sa garden habang ang babae ay naka-upo sa carpet at inilalabas ang mga pagkain mula sa basket tapos may lalaki rin na siyang asawa niya na nag pi-picture sa kanila ng mga bata. Ang una ko munang kinulayan at binigyang buhay ay ang mga halaman at bulaklak sa paligid pati ang mga butterfly. Dalawang oras ko iyong ginawa.
Hanggang sa may bigla nalang nagsalita sa gilid ko na ikagulat ko dahilan para maout-balance ako at mahulog sa hagdan. Inexpect ko ng mahuhulog ako sa matigas na sahig pero nagulat ako ng may mga maskuladong kamay ang sumalo sa akin.
Tumikhim ako at sinabing. "Hehe boss baba mo na ako." Binaba naman ako nito ng dahan-dahan.
Nakita kung napahilot ito sa kanyang noo kaya nag conclude ako na baka hindi niya nagustuhan ang ginawa ko dahil pansin ko rin na tila wala ito sa mood.
"Boss ayos ka lang?" Tanong ko pa. Hindi ko namalayan na nandito na pala siya dahil sa nakahead-set ako.
"Yeah, I'm okay." Sagot naman nito.
"Hindi ka okay e, ayaw mo ba? Di mo ba nagustuhan yong ginawa ko? Tanggalin ko nalang hindi bali sticky walls lang naman yang mga yan." Wika ko at akmang tatalikod para umpisahan ang pagtatanggal ng hawakan nito ang braso ko para pigilan ako.
"No, don't do that. It's beautiful." Wika nito. Kung ganun bakit ito nagkakaganito.
"Di ka galit boss?"
"No, I'm not." Sagot naman nito.
"Eh bakit mukhang galit ka." Pangungulit ko pa.
"I'm not mad steph, I'm pissed."
"Eh ganun na rin yon. May hindi ka nagustuhan sabihin mo para alam ko."
"Paano kung may nangyaring masama sa'yo kung hindi ako dumating ha." Sermon nito sa akin habang tinuturo ang hagdan. Iyon lang pala. Kaya nga ako nahulog dahil ginulat niya ako.
"Eh, ang OA mo Boss. Kaya ko na sarili ko. Tsaka tignan mo oh di pa ako tapos." Wika ko sa kanya at medyo hinawi siya para tumungtung ulit sa hagdan at ipagpatuloy ang ginagawa ko.
Narinig ko namang napabuntong hininga ito.
"Boss gutom ka?" Tanong ko habang ipinagpapatuloy ang ginagawa ko.
"Yeah." Tamad itong sumagot.
Tumingin ako rito kung saan siya nakaupo at hindi ko inaasahang magtatagpo ang mga mata namin dahil nakatingin din pala ito sa akin.
"Mag-luto kang Adobo, turuan kita." Wika ko.
"How can you teach me if your up there." Salubong ang kilay nito kaya napangiti ako.
"Kaya naman kitang turuan kahit andito ako, basta sundin mo lang ang instructions ko." Wika ko.
"Okay, kasalanan mo pag nasunog." Wika nito na tila nagtatampo at nagtungong mini kitchen niya.
Una kung tinuro sa kanya ay ang pagluto ng kanin tapos pinalabas ko na rin yung karne ng manok sa freezer para madifrost.
Habang abala ako sa pag paint ay sige naman ang pagbibigay ko ng instructions. Panay din ang tanong nito kung anong senyales na luto na ang karne.
Saktong malapit na ako matapos ay bumaba na ako sa hagdan para tignan ang niluluto niya.
At habang naghuhugas ako ng kamay ko ay pinatikim niya ako ng sabaw ng adobo niya. Hinipan niya pa iyon bago ipatikim sa akin.
At aaminin kung masarap. "Hmm. Masarap siya." Wika ko.
"Talaga!" Tila batang naghiwaga ang mga mata nito dahil sa simpleng complement ko.
Tumango naman ako bilang sagot.
Sya na rin ang naghanda sa mesa, pinagsandok niya pa ako. Tuloy ay ito na naman ako at palihim na napapangiti at kinikilig.
Alam na alam talaga ng amo ko kung paano kunin ang loob ng mga babae.
Sabay kaming kumain, at pareho pa naming naubos ang laman ng mga kaldero. As in walang natira. Siya na rin ang naghugas ng mga pinggan habang ako ay nag-rest muna kasi sobrang busog ko talaga.
Makalipas ang ilang minuto ay pinagpatuloy ko na ulit ang ginagawa ko hanggang sa sumapit ang hapon at doon lang ako natapos. Sobra akong namangha ng matapos dahil sobrang ganda.
Akala ko nga ay pupurihin ng Boss ko ang gawa ko kaso wala man lang itong naging reaksyon. Tuloy ay pakiramdam ko di niya na appreciate.
"Boss di ka ba nagandahan?" Tanong ko pa para makakuha ng atensyon.
Pero tumingin lang ito sa akin ng blangko. "Maganda naman." Simpleng sagot nito. Ni wala manlang ka emo-emosyon. Pakiramdam ko tuloy ay tils napipilitan lang ito.
"Mukhang hindi ka nagandahan e. Hayaan mo bibili nalang akong tinner bukas para mabakbak ko ang ginamit kung paint." Natatampo-tampuhan kung turan na akala ko naman ay magiging epekto.
"Don't erase it. It's beautiful okay, masasayang lang pagod mo pag binakbak mo pa yan, tsaka marami ka pang tatapusin na paper works kaysa ang atupagin pa yan. Hayaan mo nalang jan, ipapabakbak ko nalang sa iba pag may oras." Aray ko naman, yon lang ang sinabi, deretsahan ah. Parang di marunong makiramdam, nakakatampo tuloy.
ANTHONY
Pagkarating ko dito sa office ko ay laking gulat ko ng tinotoo nga ni Steph ang sinabi niya kagabi.
Hindi ako nakaramdam ng galit ng makita ang kaibahan sa opisina ko, nakaramdam pa nga ako ng kaginhawaan ng makita na nabago na ang kulay at desinyo ng pader. At naabutan ko pa itong nakatungtong sa hagdan at nag-paint sa ceiling.
Hindi ko alam pero bigla ang naging kaba ko ng magulat ko ito dahilan para mahulog siya sa tinutungtungan niya. Buti nalang at agad ko siyang nasalo.
Kaya kahit labag sa loob kung ipagpatuloy niya pa ang kanyang ginagawa ay wala akong nagawa dahil alam kung ipipilit niya iyon. Iyon nga lang ay dumodoble ang t***k ng puso ko sa kaba sa tuwing nakikita ko itong tumatayo at gumagalaw sa hagdanan na iyon.
Kahit ng utusan niya akong magluto ng pananghalian namin. Kaya nga habang nakatayo ito at nakatingala ay palihim ko itong kinuhanan ng litrato.
Hindi ko maipaliwanag ang sayang naramdaman ko ng pinuri niya ang luto ko. Natuwa naman ako dahil hindi ako pumalpak at nasunod kung mabuti ang bawat instructions niya.
Nang matapos ito sa pagpipinta ay halos mag-gabi na. Sobra akong namangha at nagandahan sa kanyang ginawa. Kulang pa nga ang salitang namangha.
Ibinida pa niya sa akin ang gawa niya pero para hindi naman niya isipin na nagagandahan nga ako, ay walang kaabog-abog kung sinabing "Don't erase it. It's beautiful okay, masasayang lang pagod mo pag binakbak mo pa yan, tsaka marami ka pang tatapusin na paper works kaysa ang atupagin pa yan. Hayaan mo nalang jan, ipapabakbak ko nalang sa iba pag may oras." Ni hindi pa ako ngumiti nung sinabi ko iyon kaya alam kung nagtampo siya sa akin kahit na hindi niya sabihin. Halata naman kung paano ang naging ekspresyon ng mukha niya, palihim pa nga akong napangiti ng i-nguso nito ang kanyang labi.
Palihim ko ring kinunan ng litrato ang gawa niya at pi-nost sa IG with the caption of 'Soon'
Agad namang nag-react at nag-comment ang mga kaibigan ko.
Ang sabi pa nga ni Carl. "Hanepp ah, sa opisina mo ba yan? Di ka magkakaroon ng ganyan hanggat may linta na nakakapit sa'yo." With a Haha reaction na siyang kina-iling ko nalang.
Comment pa ni Kenneth. "Sino naman? Si Mariel." With a Haha emoji rin na siyang kina-iling ko na lang din.
Tuloy ay sinagot ko ito at si-nend ang stolen picture ni Steph. Hindi naman kita ang mukha nito dahil naka-mask isa pa nakatingala ito.
Agad namang nag-comment at nag-react ang mga gago.
"Tangina ka, sino yan ha? Bakit di mo pakilala sa amin." Comment ni Carl.
"Ay parang kilala ko yan." Comment ni Edward.
"Luh tangina, pakilala mo na kami par." Comment pa ni Sandro.
"Witwew, Meron ng bagong Mrs. Anderson oh." Comment pa ni Enzo. At nagsunod-sunod na nga.
Pero ni isa sa mga sinabi nila ay wala akong sinagot. Nagkagulo pa nga sila sa comment section. Pati ang mga asawa at girlfriend nila ay nagtanong na rin.
Hindi ko nga rin alam at bakit picture ni Steph ang na-send ko. Basta ang alam ko masaya ako.