MY DISTRACTER SEXYTARY 15

1611 Words
LESLIE Days and Months passed. Sobrang tuling lumipas ng araw, akalain mong mag-sa-sampung buwan na ako sa boss ko. Magaling na rin si Papa. At paunti-unti na rin ay nakakabayad na ako sa mga utang namin at nakakapag-ipon na rin ako. Kami ng dalawa ng boss ko, patuloy pa rin ang asaran naming dalawa, may nag-iba nga lang. Bukod sa lagi ko itong inaasar ay lagi ko rin itong pasimpleng inaakit. Wala naman akong balak gawin e kasi boss ko siya at sekretarya niya ako. Totoo namang may gusto ako sa kanya pero unti lang. Ang kaso e halos araw-araw ba naman ako nitong sabihan ng 'your not my type' aba nakakainsulto kaya iyon sa parte ko. Kaya ito kinareer ko na. Tignan lang natin kung sinong hindi ma-fall. "Boss." Pagtawag ko sa atensyon nito at inilapag ang kanyang kape sa table niya at habang ginagawa iyon ay talagang sinadya kung yumuko ng husto para makita ang clevege ko. Ang kaso itong matigas na boss ko ni hindi manlang ako tinapunan ng tingin. Sige lang mag-matigas ka, mahuhulog ka rin sa akin. Bukod pala doon ay hindi na ako hinahayaan ni boss na mag-commute lagi na ako nitong hinahatid pauwi. "Steph." Paalis na ako ng tawagin naman ako nito. Ina-ngat ko ang dalawang kilay ko nagpapahiwatig na 'ano yon'. "Your coming with me tonight." Wika nito sa akin na agad kina-asim ng mukha ko. "Eh ayaw ko. Ikaw nalang. Hindi naman ako kailangan jan." Wika ko pa. "Okay then i will not going too." Wika niya na talagang papanindigan ata nito. Meron kasing nag-invite sa kanya sa party, isa sa mga kasosyo niya ang kaso ang venue ay bar. "Sira-ulo ka ba. Bakit hindi ka pupunta e baka hanapin ka ron." "Your not going, so I'm not going too." "Bahala ka. Ang pagkaka-alam ko naman ay wala naman sa invitation na yon ang kailangang may kasama." Sagot ko at tatalikod na sana ng magsalita muli ito. "Seriously, your not gonna force me to go." Nangunot naman ang noo ko dahil sa tinuran nito. Hindi ko rin ma-intindihan ang tono ng kanyang pananalita na tila nanghihikayat o nagpapa-awa na may tono ng naggagalit-galitan. "Diba nga sabi mo ayaw mo. Bakit pa kita pipiliting pumunta kung ayaw mo. Tsaka di mo ako mapipilit na sumama sa'yo kahit mag-galit galitan ka jan, ayaw ko sa maingay na lugar, total ikaw sanay ka naman sa mga ganoon ikaw nalang ang magpunta." Talak ko rito at umalis na. Pero bago ako umalis ay nakita ko ang tila dismayadong pagmumukha nito. Alam ko naman kasing gusto niyang mag-punta sa mga ganoon nag-iinarte lang. Idamay pa ako. Hindi naman ako yong tipong painosente o ano dahil umiinom naman ako ng alak. Kaso ay hindi naman ako mahilig maglasing, pag may nag-aya lang ganun o pag may mga birtdayhan tapos pilitin ka nilang mag-shot ganun lang, never akong nalasing dahil sa alak, tikim-tikim lang talaga. Pero ayaw ko talaga sa maiingay na lugar, bukod sa naiirita ako ay madali akong mabagot sa mga ganoong lugar. Lalo pa at kulob ang bar. Nagising ako kalagitnaan ng gabi dahil wala na namang tigil sa kaka-ring ang cellphone ko. At kapag ganoon ay alam ko ng ang boss ko iyon. Hindi ko nga sana sasagutin ang kaso nakakairita na. "Hello." Pagalit ko pang turan. "Steph baby, their is a woman flerting at me. I wat you here bside me, thiy keep on flerting at me." Sa sobrang ingay ng paligid sa kabilang linya ay wala na akong naintindihan sa mga sinabi niya at isabay mo pang lasing ito at nagsasalita sa sariling dialect niya. "Ano! Hindi kita gets!" "I shaid, come here." Ulit nito. Sasagot na sana ako ng may marinig akong ibang boses ng lalaki sa kabilang linya. "Hello Ms. Can pick up your boyfriend here.." sinabi nito ang address ng bar. I co-corect ko nga sana ang sinabi niya pero tuloy-tuloy naman itong nagsalita. "His really drunk and wasted. And he keep on calling and calling and talking about you." Iyon ang sabi ng lalaki sa akin at binabaan na ako ng tawag ng sasagot pa sana ako. Bahala ka jan. Umuwi kang mag-isa mo. Ginusto mo yan eh. Sabi ko sa hangin at umayos na ng higa para matulog. Ngunit mga ilang minuto lang ay "ahhhhhhhhhh... Bwisit ka!" Inis pa akong tumayo at kahit walang palit-palit ay lumabas ako ng boarding at nag-taxi para puntahan ang nanggugulo at nangongonsensya sa utak ko. Pagkarating sa bar na sinabi ng lalaki kanina ay nasa labas palang ako pero rinig ko na agad ang ingay sa loob. Dahil sa nakapang-tulog ako ay nag-alangan pa akong pumasok sa loob dahil ang pagkaka-alam ko ay hindi sila nagpapapasok kapag ganito ang suot. Kaya ang ginawa ko ay tinawagan ko si Anthony na agaran niyang sinagot. "Lumabas kana, nandito ako sa labas." Inunahan ko na siyang magsalita. Medyo pagalit pa akong nagsalita rito. "No! no! ghet me here." Lasing pa nitong wika sa kabilang linya. Lintik na lalaki to'. "Hindi ako papapasukin, kaya lumabas ka na." Wika ko pa na napapahilot nalang sa noo ko. "Hmmp.." Parang batang sabi nito sa kabilang linya bago niya pinatay. Hanggang sa may bigla nalang yumakap sa akin sa aking likuran na kung hindi ko lang agad nakilala ay nasuntok ko na ito, pero agad ko itong nakilala dahil sa pagmamaktol nito. Humarap ako dito at tinanggal ang kanyang mga kamay sa bewang ko pinitik ko rin ang kanyang noo dahil sa inis na nararamdaman ko. "Bakit ba ang kulit mo ha." Sermon ko pa. "Halikana." Hila ko sa kamay niya para mag-antay ng taxi. Kaso agad akong napahawak sa dibdib niya ng ako ang hinila niya. "Where?" Narinig kung wika nito at yumakap sa akin at sumubsob sa leeg ko. Galit ka Leslie. Paalala ko sa sarili ko dahil bigla na lamang akong nakaramdam ng kakaiba. "Iuuwi ka, ano pa ba." Pilit ko siyang tinutulak pero ayaw paawat, mas lalo niya pang hinihigpitan ang yakap niya sa akin. "Anthony."Napatingin ako sa likuran niya at ganun din siya ng may maarteng babae ang tumawag sa pangalan niya. "Baby, siya yung sinasabi ko sa'yong nanlalandi sa akin." Parang batang sumbong nito pero ang mas naka-agaw ng pansin ko ay ang pagtawag nito sa akin ng kakaiba na nagpalakas din ng t***k ng puso ko. "Baby." Ulit pa nitong pagtawag sa akin. Leslie kalma, lasing lang siya. Wika ko sa isipan ko. Hinarap ko naman ang babae habang nakayakap pa rin sa akin si Anthony na parang baby. Kinuha niya pa ang kamay ko para iyakap din iyon sa kanya. "Excuse me Ms. But who are you?" Baling ko na sa babae. "Ikaw dapat tinatanong ko ng ganyan. Who are you?" Taas kilay na wika ng babae sa akin. Aba antipatika to ah. "Alam mo miss kung hindi ka naman importante kay Anthony umalis ka nalang hindi ka rin naman niya type." Deretsahan kung sabi. "Yeah, shupee! shupee!" Lasing na turan naman nitong lalaki na to sa babae at isinenyas pa ang kanyang kamay sa babae na umalis ito. "But Anthony, you didn't notice me. I'm the girl from..." Hindi tinuloy ng babae ang kanyang sasabihin ng mag-astang bata itong nakayakap sa akin. "BLAH, BLAH, BLAH, BLAH, BLAH, WALA AKONG NARIRINIG, BLAH, BLAH, BLAH." Natawa na lang ako dahil sa asta nito. Tinakpan pa nito ang isang tenga niya. Nakita ko naman ang ekspresyon ng babae na sobrang na-insulto at nainis. "See Miss, your not that important to him. So leave." "Yeah, Leave!" Segunda pa ni Anthony. Inis namang nag-martsa ang babae pabalik sa loob ng Bar. Bumaling naman ako dito sa linta na to. "Hoy ikaw, nakakarami ka na. Bitawan mo na nga ako." Wika ko at pwersahang tinanggal ang kanyang kamay sa bewang ko. Nakita ko ang kotse niya, pero hindi naman ako marunong mag-drive, kaya taxi nalang. Isa pa ay subdivision ang bahay nito at sobrang istrikto ayaw magpapasok ng mga cab o taxi. Kaya naisipan kung sa bahay nalang ito matutulog. Kinuha ko na muna ang mga gamit niya sa sasakyan niya, lagi rin siyang may dalang pamalit sa loob ng kotse niya kaya kinuha ko na para may magamit siya kinabukasan. Nakakainis lang kasi itong kumag na to ay sunod ng sunod at yakap ng yakap. Pati sa pagsakay namin ng taxi. Nakayakap ito sa bewang ko habang nakasandal ang ulo niya sa leeg ko. Wala naman akong nagawa kundi hayaan nalang ito kasi ipipilit pa rin naman nito ang gusto niya. Pagkarating sa boarding ay agad ko itong inihiga sa kama ko. "Hay, anak ka ng mama mo. Bwesit ka, akala ko pagiging sekretarya lang ang inaplayab ko sa'yo, hindi ko alam na trabaho ko na rin ang mag-uwi ng lasing. Ay talagah naman." Talak ko habang tinatanggal ang pulo nitong puti at agad rin tumambad sa mata ko an 8 pack abs nito at abg kanyang maskuladong dibdib. Pero galit ka dapat Leslie kaya huwag mo ng tangkaing magpantasya kahit pa nakakalaway yang nakikita mo. Nung matanggal ko na ito ay tumayo naman ako para kumuha ng maligamgam na tubig at bimpo. Mahimbing na itong natutulog, humihilik pa nga. "Kung hindi ka lang gwapo, hmmm... Ewan ko nalang. Buti nalang talaga at mabait ako kahit hindi ka mabait sa akin." Talak ko pa habang dinadampi-an ng bimpo ang mukha nitong namumula. Matapos kung gawin iyon ay kinumutan ko na ito, hindi ko na tinanggal ang pantalon niya kasi haler, ano ba, common sense ka jan beh. Ba't ko gagawin yon. Mas problema ko pa nga kung saan ako matutulog dahil sinakop ng kumag na to ang kama ko. No choice sa sahig ako matutulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD