LESLIE
Kinabukasan ay maaga akong nagising at nagluto.
Nagluto ako ng tinola, para pag-gising ni Boss ay may mahigop siyang mainit na sabaw. Siguradong may hang-over iyon dahil sobrang lasing niya kagabi.
Nang maihanda ko na lahat sa mesa ang pagkain ay balak ko na sanang gisingin ang Boss ko, kaso ay bumukas naman na agad ang pinto ng silid ko at lumabas doon ang boss kung walang pang-itaas at nakahawak pa sa kanyang ulo.
Nakaramdam naman ako ng awa dahil tila ba sobrang sakit ng ulo nito dahil hinihilot niya pa iyon.
"Sobrang sakit ba?" Alalang tanong ko. Tumango naman ito. Bakit kaya sobrang gwapo pa rin nito kahit bagong gising.
Lumapit ako rito at hinila ang kanyang kamay at pina-upo sa mono-block.
"Bakit ba kasi naglasing ka ng ganun kagabi. Iyan tuloy mukha kang ewan ngayon." Sermon ko rito at ako na ang naghilot ng kanyang ulo.
Nasa likod niya ako at nakasandal naman ang ulo niya sa bandang taas ng tiyan ko o doon sa medyo baba lang ng boobs ko. At habang hinihilot ko nga ito ay nakapikit naman ang mga mata nito.
"Hindi ka kasi sumama kaya ayon naparami ng inom. Kung nandun ka sana edi hindi ako nalasing." Diko ba alam kung meron bang mga laman ang sinasabi nito o sadyang magaling lang maglaro ng mga salita. Kahit na sinong babae siguro masabihan lang ng ganun ay kikiligin na. Pero iba ako, marahil nga siguro ay nakakaramdam ako ng unting pagtingin sa boss ko dahil nga sa gwapo nga naman ito, at hindi mahirap gustuhin kung physical appearance lang ang pagbabasehan, pero lahat ng bagay ay may limitasyon, at alam ko ang limitasyon ko. Marami na akong naging Boss na gwapo rin at nagkaroon din naman ako ng mga pagtingin sa kanila, hindi na rin iba sa akin ang mga babaeng lagi kung nakaka-away dahil alam kung mga babae iyon ng mga boss ko. Iyon ang isa sa dahilan kung bakit malakas ang kapit ko sa sarili ko dahil sa ayaw kung ibaba ang sarili ko gaya ng ginagawa ng mga kapwa kababaihan na iyon.
Itong Boss ko lang na'to ang pinakaka-iba sa lahat. Siya lang kasi ang pumapatol sa lahat ng banat ko at mga jokes ko at ang bukod tanging alam kung paano ako inisin.
"Kaya siguro ang dami mong babae, magaling ka kasing mang-uto." Turan ko.
"Ganun ba yon? Wala naman akong babae ngayon ah. Ikaw lang." Banat pa nito na nakapagbigay na naman ng kakaibang reaksyon sakin. Ito pa ang isang kaibahan, siya lang ang naging Boss kung nakapagparamdam sa akin ng ganito. Kaya hindi ko maintindihan e kung bakit sa kanya ko lang ito nararamdaman lalo na kapag may mga salita itong kinakagulat ko.
"Sus, bolero." Wika ko nalang at binatukan ang ulo niya. "Kumain na nga tayo." Sabi ko pa at umalis na sa likod niya at umupo na sa kaharap niyang upuan.
"You're coming with me tomorrow." Wika ni Boss sa akin, kasalukuyang hinahatid na niya ako ngayon pauwi sa boarding.
"Saan?" Tanong ko.
"Secret." Wika naman nito na may malokong ngiti sa labi.
"Hoy, kung sa bar or club man yang binabalak mong puntahan, hindi ako sasama." Matigas kung turan.
"Chelax okay, huwag kang mag-alala ayaw naman kitang pilitin sa mga ganoong lugar kung ayaw mo talaga."
"Oh di saan tayo ngarod magpupunta aber."
"Sa Siargao." Sagot nito kaya agad akong nakaramdam ng excitement.
"Magdadagat tayo sa Siargao? Sasakay tayong eroplano?" Halata sa boses ko ang sobrang excitement. "Alam mo pangarap ko talagang makasakay ng eroplano tapos mag-travel kahit saan. Kaya gusto ko pag yumaman na ako patravel-travel nalang ako, pupuntahan ko lahat ng bansang pangarap kung puntahan ng walang preno-problemang pera." Pag-kwento ko.
"Saang bansa ba ang gusto mong puntahan?" Tanong naman nito.
"Marami, pero gusto ko munang puntahan ang Japan kasi namangha ako sa sobrang kalinisan ng japan pati mga high-tech technology nila gusto kung makita sa personal, gusto ko ring makita ang mt. Fuji nakakamangha kasi pag nakikita ko sa pictures e mas nakakamangha siguro pag nakita ko na sa personal." Sobrang lawak ng mga ngiti ko habang sinasabi iyon sa kanya. Pero ng tumingin ako rito ay may napansin akong ekspresyon ng mukha niya. Pero hindi ko na agad napagtu-unan ng pansin iyon ng magtanong pa muli ito.
"Saan mo pa gustong magpunta?"
"Gusto kung magpunta sa South Korea para makita ko yung mga idols kung oppa, sa China par makita yung great wall of china nila, sa thailand din, sa vietnam, gusto ko ring pumunta sa dubai doon mga expensive ang mga tao roon kaya alam kung malabo akong makapunta roon, sa italy rin, tapos sa spain gusto kung mapuntahan yong pinakamalaking cathedral nila ron, tapos sa Greece din, sa Usa, ah basta marami pa pero gusto ko ang last na mapuntahan ko ay Switzerland." Mahabang pag-kwento ko at habang sinasabi ko ang mga iyon ay sobrang excitement naman ng nararamdaman ko.
"Bakit sa Switzerland ang last na gusto mong puntahan?" Tanong nito.
"Switzerland kasi ang pinakapayapa sa lahat, alam mo yung tipong nakikita mo pa lang yung itsura ng Switzerland sa mga social media, nakakapagbigay na sa akin ng peace, tipong pinapakalma niyon ang buong pagkatao ko, paano pa kaya pag nakita ko na sa personal. Basta pangarap ko talagang Switzerland ang last na puntahan ko kasi pag inuna kung puntahan yon baka hindi ko na mapuntahan ang mga lugar na gusto ko pang puntahan, baka mastock na ako roon kasi sa sobrang ganda ng atmosphere doon baka mas pipiliin ko nalamg na doon na ako manirahan, baka doon ko na rin hanapin sa mr. Right ko, at baka doon na rin kami bumuo ng pamilya."
"Sus asa ka namang may papatol sa'yong ibang lahi, sa pangit mong yan. Magkakamali talaga ang lalaking papatol sa'yo" Wika nito na sinabayan ng mahinang pagtawa niya. Alam kung nang-aasar na naman to eh.
"Hoy! Ang kapal ng mukha mo sa ganda kung to, kahit mga tambay magkakagusto sa akin e, ibang lahi pa kaya. Pag ako talaga nakapangasawa ng mayaman na gwapo na mabait na mapagmahal na nasa kanya na ang lahat na ibang lahi, who you ka sa akin!" Dinuro ko pa ito ng hintuturo ko matapos kung sahin ang huling kataga.
"Okay lets see kung sinong magkakamalimg patulan ka. Sino kaya ang unlucky man na iyon?"
"Kapal ng apog mo. Sayo sana mapunta yang mga sinasabi mo. Sana nga magkaroon ka ng Aids dahil sa dami ng mga babaeng tinitira mo." Irap kung saad sa kanya.
Narinig ko naman ang pagtawa nito dahil sa pag-irap ko.
"Paano magkakaroon ng Aids e sa'yo ako sabik na sabik."
"May sinasabi ka!?" Malditang tanong ko dahil may binubulong-bulong ito na hindi ko narinig.
"Sabi ko ang pangit mo. Nandito na tayo." Wika nito sa akin na alam kung hindi naman iyon ang binubulong-bulong niya kanina. Ngumuso naman ako at masakit na umirap sa kanya bago bumaba.
"Huwag na huwag kang tatawag sa akin sa kalagitnaan ng gabi dahil lang sa lasing ka, hindi na talaga kita iuuwi, hindi ko na rin sasagutin ang mga tawag mo." Wika ko rito bago pabagsak na sinarado ang pinto ng kotse niya. Imbis na magalit sa ginawa ko ay narinig ko ang malakas na halakhak nito sa loob.
"Who you ka talaga sa akin pag ako napangasawa ng ibang lahi." Bubulong-bulong kung turan habang naglalakad pa-akyat sa kwarto ko.
Pagkapasok ko sa boarding ko ay agad kung hinagis ang bag ko sa upuan. Sobrang naiinis lang kasi talaga ako. Sakto namang nag-ring ang cellphone ko ng kunin ko iyon sa bag ko ay nakita ko ang pangalang 'dimonyong mesyo angel' na pangalan sa contact ko at ang boss ko iyon.
Hindi ko nga sana sasagutin kaso ay baka may importante itong sasabihin.
"Hello!" Inis kung sagot. Agad ko namang narinig ang mahinang tawa nito aa kabilang linya. "Galit ka pa? Sorry na baby." Sa sinabi nito ay agad akong natigilan. At ito na naman ang hindi ko maipaliwanag na pakiramdam.
"Maaga tayo bukas, mag-pack ka ng mga damit mo one week tayo sa Siargao. Huwag ka ng magalit hm." Sobrang lambing at lamyos ng boses nito ibang-iba nung nasa sa sasakyan niya ako. Hindi na ako sumagot basta agad ko ng pinatay ang tawag dahil hindi ko na talaga alam ang kung ano mang nararamdaman kung ito.
A/N: Hi mga readers ko. Kamusta kayo? Ang lakas ni bagyong Carina sana okay lang ang lahat. Stay safe and sound.