LESLIE
Maaga akong nagising dahil maaga ring dumating si Anthony sa boarding ko. Alas tres ng madaling araw ay nagulat ako ng tumatawag ito sa akin at sinabing nasa harap siya ng pinto nitong boarding ko. Pupungas-pungas pa akong tumayo sa higaan ko at pinagbuksan ito. "Ang aga naman. Di pa ako ready e." Wika ko sa inaantok na boses.
"No, just go back to your sleep. Gigisingin kita pag pupunta na tayo." Malamyos nitong wika sa akin kaya bumalik ako sa kwarto ko at nahiga sa kama ko. Agad akong nahila ng antok pagkahiga ko palang.
Ala sais ng umaga ng may maramdaman akong nambwebwesit sa pagtulog ko. Nagtalukbong pa ako ng kumot ko. "Common on Steph, wake up." Wika ng boses na iyon.
"Inaantok pa ako." I said in a sleepy tune.
"Steph, remember we are going to Siargao." Ani pa ng boses na iyon na siyang nagpagising ng tuluyan sa akin.
Agad akong napabangon at doon ay nabungaran ko si Anthony. "Bakit di mo ako ginising! Anong oras na!" Nakita ko kaagad ang pagkunot ng noo nito.
"Ginigising nga kita e." Wika nito sa akin at doon ko lang din na realize na, oo nga naman.
Kumalma na rin ako at tumayo sa higaan ko.
"We should eat first before we go at the airport."
"Sige magluluto ako." Sagot ko naman habang tinatali ang buhok ko into a messy bun.
"No need, i already cook." Wika naman nito kaya tinignan ko ito na parang hindi makapaniwala.
"Okay, tara na ngarud ng matikman ko naman ang niluto mo. Baka sunog yon ah." Pagbibiro ko at nauna ng naglakad palabas ng silid.
Agad kung nabungaran ang mesang may pagkain. Nakita ko roon ang sunny side-up, longganisa, at hotdogs. Agad ding nanuot sa ilong ko ang mabangong aroma ng longganisa.
"Aba, Aba, Aba, gumagaling ka ng magluto ah. Baka matapatan muna na ako niya." Saad ko at dinampot ang tinidor na nakapatong sa plato at tumusok sa hotdog. Napatangu-tango pa ako habang ngumunguya.
"You cook it well." Puri ko rito.
"Syempre ako pa, fast learner ata to." Yabang nito at pangiti-ngiti pa.
"Sus, yabang ah." natatawang turan ko na rin.
Nakarating kami sa Siargao pasado alas tres ng hapon.
"Hindi ko pa nga pala natatanong, dalawa lang tayo? Wala ka bang i-mi-meet ditong mga investors mo?" Tanong ko rito habang nakasunod sa kanyang naglalakad papasok sa kubo kung saan kami mag-stay. Malaki yung kubo at may dalawang kwarto, may mini kitchen din.
"No, My friends are actually here." Sagot nito.
"Talaga, sila sir Carl?" Panigurado ko pa.
"Yep."
Nang makarating sa kubo ay agad niyang pinasok ang mga gamit ko sa isang silid, siya kasi ang nagbuhat ng mga gamit ko.
"You should rest. I know your tired." Wika nito at lumabas na pero agad akong sumunod ni hindi pinakinggan ang sinabi niya.
Pumasok ako sa kwarto niya at inilinga ang paningin wala namang kakaiba, same lang din sa kwarto kung saan ako matutulog.
Tumalon ako pahiga sa kama niya medyo nag-bounce pa nga ako dahil sa sobrang lambot ng kama niya. Nagpagulong-gulong pa akong parang bata sa higaan. Sobrang saya ko.
Kanina nga sa eroplano hindi ako natulog, pinanood ko lang ang magandang view mula sa taas, grabe ganun pala ang hitsura ng mundi pag nasa itaas ka, as in na kitang-kita mo ang buong syudad. Nanliliit ang mga sasakyan at malalaking building sa itaas. Sobra akong namangha, pati ng makababa ng eroplano hindi ako matigil sa kakalingon sa gilid ko dahil sa sobrang pagkamangha ko sa paligid ko.
Kahit ngayong nakarating na kami rito, pakiramdam ko ay hindi pa rin ako napapagod.
"Gusto mo ata akong tabihan e." Saad nito habang abala siya sa pag-aayos ng kanyang gamit.
"Kapal mo." Ingos ko at umirap pa, na siya namang kinatawa nito ng mahina.
Tumayo ako at lumapit dito, "Gusto ko maglibot, tara." Saad ko at hinawakan ang kamay nito at hinila patakbo palabas.
Narinig ko pa itong napamura ng mahina dahil sa biglaan kung paghila. Hindi naman ito nagalit sa ginawa ko, nagpati-anod din kasi ito agad sa akin.
"Wow, ang ganda." Namamangha kung wika ng makarating kami sa tabing dagat, sobrang sarap pa ng hangin na dumadampi sa aking balat.
Yumuko ako para tanggalin ang tsinelas ko para damhin ang pinong buhangin.
Naglaro ako na parang bata roon, itong kasama ko naman ay kinuha sa mga kamay ko ang tsinelas ko at siya na ang naghawak, habang ako ay parang batang nagtatakbo sa mainit na buhangin habang pinapanood niya ako.
Ngayon nalang ulit ako naging masaya ng ganito. At makapunta sa ganitong lugar. Mula bata kasi ako ay bukid, eskwela, bahay lang ako, natatandaan ko pa na ang huling nag beach kami ay nung grade 9 ako. P
Tumakbo ako patungo sa dalampasigan at doon ay buong saya akong nagpapahabol sa tubig. Sobra akong natutuwa. Napapatili pa ako sa tuwing umaabot sa paa ko ang tubig.
"Anthony!" Agad akong napatigil sa aking ginagawa at sabay kaming napalingon sa boses ng babae na tumawag kay Anthony.
Doon ay nakita namin ang mga barkada niya at sa tabi ng mga ito ay siguro mga asawa o girlfriend nila. Ang tumawag sa kanya ay iyong nasa tabi ni Carl na babae, Cyrill ang pangalan, bakit alam ko? Kasi narinig ko sila minsan na pinag-uusapan yung partner ni Carl dahil outside di kulambo ito.
Agad na nagsilapitan ang mga ito sa direksyon namin. Binati nila si Anthony at siya namang pag-abot ni Anthony sa pala-pulsuhan ko at pinakilala ako sa mga barkada nito. Ngumiti ako sa kanila ng ubod tamis. Ang iba sa kanila nakita ko na pero ang iba hindi pa.
Habang iniisa-isa ko silang tinitignan ay may nakapukaw ng aking atensiyon. Iyong babaeng nasa tabi ni Sir Edward, sobrang pamilyar niya. At pansin ko rin na tinititigan ako nito ng mabuti na tila kinikilatis o kinikilala. Gusto kung mag-expect na siya nga iyon.
Gusto kung lumapit rito at kompirmahin. Maraming nagbago sa kanya pero alam ko sa sarili kung kilalang-kilala ko siya at siya iyon.
"Kath." Mahinang bulalas ko sa hangin.
At ng hindi ko na mapigilan ang aking sarili ay kusa na lamang naglakad ang mga paa ko patungo sa direksyon niya.
Kinilatis ko ang buong mukha nito at ng makompirma ay walang sabi-sabing niyakap ko ito ng sobrang higpit, agad din niya akong niyakap ng sobrang higpit.
Nang maghiwalay sa aming yakapan ay puno ng luha ang aming mga mukha. Kapanabay naman nun ang sobrang pagtataka sa mga mukha ng mga taong nandito ngayon sa paligid namin.
"Ang tagal nating hindi nagkita, ang daming nagbago sa'yo." Iyak ko at yumakap ulit dito.
"Yeah, it's too long. I never expect that i will meet you here, and I'm so glad to be finally meet you again after all those years." Sumisinghot-singhot ding saad nito.
Nagkayayaan ang buong squad na kumain sa restaurant malapit lang din dito sa resort.
Habang naglalakad nga patungo roon ay hindi na kami naghiwalay ni Kathleen, mag ka holding hands pa kami. Pakiramdam ko tuloy ay tila bumalik kami sa highschool life namin.
Nagulat nga silang lahat ng malaman nila na mag-ka-klase kami nung highschool.
Magkatabi pa kami sa upuan habang yung asawa niya nasa left side niya habang si Anthony nasa rightside ko.
"May mga anak ka na? Sigurado meron na kasi, sino ba namang hindi magpapabuntis kung ganyan ka hot at ka gwapo ang asawa." Tanong na sagot ko rin.
"Gaga, pero oo meron na akong tatlong anak, ipapakilala kita sa kanila soon."
"tatlo agad, kunin mo naman akong ninang sa pang-apat na anak niyo."
"Actually three is enough, mahirap kasing magpalaki at mag-alaga e, mahirap ding manganak."
"Naku teh ngayon lang yan. Tsaka haler sinong maniniwala, baka nga umabot pa sa lima."
Natawa lang ito at ang kanyang asawa dahil sa sinabi ko. Pati ang ibang narito, halata kasi na may ibig akong iparating sa sinabi ko.
"Ikaw? Sino namang nakatuluyan mo. Baka nakatuluyan mo si Aron."
"Yuck kadiri, Si Aron pa talaga tangina kahit na sino hindi papatol sa kulot at maitim na lalaking yon, ang bantot pa ng hininga amoy bagang." Nandidiri kung turan, si Aron ay classmate namin nung high school na nanligaw rin sa akin.
"Tsaka wala pa akong asawa no, hindi yon ang priority ko ngayon. Tsaka gusto ko ibang lahi ayaw ko ng pinoy para naman maganda magiging kalabasan ng mga anak namin, tipong pang ms. Universe." Daldal ko pa rito.
Hanggang sa dumating ang pagkain na inorder nila, lahat nga ata ng menu nila inorder nila.
Habang kumakain kami ay deretso lang din ang kwentuhan naming dalawa ni Kathleen.
"Tanga totoo!" Gulat itong napamura matapos kung mag-kwento tungkol doon sa isang classmate naming naging kabit ng mayor doon sa probinsya.
"Taina akala ko pa naman sobrang maria clara nun sa sobrang hinhin diko alam nasa loob pala ang kulo." Gulat na gulat pa nitong turan. Itong classmate kasi namin ay iuong tipong hindi makabasag pinggan, mga ilang buwan lang siguro nun bago umalis si Kathleen sa panggasinan ay balita naman iyong tungkol aa kabit ni mayor.
Marami pa kaming napag-kwentuhan ni wala na nga kaming pakialam sa mga nasa paligid namin. Kahit ako ay nawala sa isip ko si Anthony dahil sa sobrang pagkalibang kung makipag-kwentuhan.
Si Kathleen nga ay sinusubuan pa ng kanyang asawa dahil hindi na rin ito mapatigil sa dami rin niyang kwento.