MY DISTRACTER SEXYTARY 8

1061 Words
LESLIE "Boss, ito na." Hinihingal kung inilapag ang sandamakmak na folder sa table ng Boss ko. Tumakbo kasi ako para lang kunin ang pinapakuha nitong papeles sa Finance Department, paborito talaga ni Boss na papuntahin ako lagi doon, iyon pa naman ang pinakamalayong department dito sa building niya. Dagdag mo pang naka pencil skirt ako ngayon at naka blouse. Dagdag mo pa itong nakakainis na sandal na suot ko na sobrang sakit sa paa. Meron na rin akong halos isang buwan ditong nagtratrabaho sa kompanya ng boss ko. Nakapag-padala na rin ako sa amin para sa maintenance ni Papa. Unang sahod ko iyon at ipinadala ko lahat ng sahod ko kila Mama. Pagsapit ng alas dose ng tangahali, ay nagpunta ako sa mini kitchen ni boss para magluto ng pananghalian namin. Tinanggal ko ang sandal ko at itinabi iyon sa gilid. Di na kasi talaga kaya ng paa ko, may paltos na nga iyong talampakan ko dahil sa sandal na suot ko. Tinanggal ko rin ang dalawang butones ng blusa ko at kumuha ng isang chopstick at ginawa iyong pantali sa buhok ko. Ang init kasi dito sa loob walang aircon. Habang abala ako sa paghahanda ng mga rekado ng lulutuin ko ay siya namang pagbukas ng pinto ng mini kitchen ni Boss. Agad na nagsalubong ang tingin naming dalawa, nahagip pa nga ng mata ko ang paglakbay ng tingin ng boss ko sa naka expose ko ng cleavage. Pansin ko rin ang pagbaba-taas ng adams apple nito at ang biglang pagkunot ng noo nito. "Boss, hindi pa ako nakaluto." Saad kung nakatingin pa rin dito. Narinig ko itong tumikhim at napakamot pa ito sa gilid ng kanyang kilay. "Baka may maitulong ako, tulungan na kita." Wika ng boss ko. Ngumiti naman ako bago sumagot. "Sige Boss, balatan mo tong sibuyas tapos gayatin mo na rin." Naglakad naman ito palapit at kinuha ang tatlong sibuyas na pula sa kamay ko. "I told you stop calling me boss, bakit ba abg tigas ng ulo mo Ms. Rivera." Wika nito ng makuha ang sibuyas na inaabot ko. "E nasanay na ako Boss e." Sambit ko. Busy ako sa paglabas ng gulay sa refrigerator para sa isasahog ko sa lulutuin kung ulam. Pagbalik ko sa mesa ay laking gulat ko dahil ang tatlong sibuyas na pinababalatan ko kay Boss ay halos nabalatan ng todong-todo. Pagtingin ko sa Boss ko ay pansin ko ang pagka-irita sa mukha nito at ang pagpikit-mulat nito sa mata niya ng mabilis. "Hala ka Boss, hindi ganyan." Saway ko rito ng akma pa niyang babalatan ang balat ng sibuyas. "Boss marunong kaba talaga?" Natatawa kung turan. Kumuha ako ng isa pang sibuyas at ipinakita rito kung paano iyon balatan at gayatin. Habang ginagawa ko nga iyon ay hindi ko namalayan na sobrang dikit na namin sa isa't-isa. Nang matapos namin maihanda lahat ng sahog ay kumuha naman ako ng kawali. Habang nga ginagawa ko iyon ay nasa likod ko naman ang boss ko. "Ayan, pag mainit na iyong kawali, lagyan na natin siya ng mantika." Turo ko sa boss ko. Kahit hindi ako tumingin sa kanya ay ramdam ko naman ang presensya niya sa likod ko at matiim na nanonood at nakikinig sa mga sinasabi ko. "Pagkatapos igisa natin ang sibuyas at bawang." Sambit ko at tumingin sa likod ko, sa ginawa kung iyon ay tila mawawalan na ako ng hininga dahil sa sobrang lapit niya sa akin. Ngayon ko lang din napagtanto ang posisyon namin, para kaming mag-jowa sa posisyon namin. Agad ko nalang ibinalik ang tingin ang atensyon ko sa ginigisa ko. Hindi na ako nakapagsalita pa, basta lagay nalang ako ng lagay ng mga rekado sa niluluto ko, hanggang sa matapos akong magluto ay hindi umalis ang boss ko sa likod ko. Meron pa ngang sandali na napapadikit ang matigas nitong tiyan sa likod ko. Unti nalang talaga at malalaglag na tong panty ko. Iniiwasan ko na ngang lumandi, pero ito ay kusa namang lumalapit sa akin. Ayaw akong lubayan. Pag ako lumandi, akin ka na talaga Boss. Sabay kami muling kumain, and as usual siya na ang naghugas ng mga pinggan. Nakipag-agawan pa nga ako sa sponge dahil nung akmang kukunin ko iyon ay inunahan niya ako. "Let me. I can handle this." "Ako nalang Boss." Wika ko at akmang aagawin ang sponge sa kamay niya ng agad niya iyong ilihis. "Ako na Steph. Let me. From now on you will do the cooking and i will wash the dishes." Saad nito kaya hindi na ako nakapag-protesta pa lalo na at sinimulan na nitong sabunan ang mga pinggan. Pero ang mas naka-agaw ng atensyon ko ay ang pagtawag niya sa akin gamit ang second name ko. Usually kasi ay Ms. Rivera lang ang tawag nito sa akin. "Boss anong nakain mo?" Wika ko tuloy ng hindi manlang pinag-isipan. "Why?" Kunot noong tabong nito. "Luto mo lang naman kinain ko. The most delicious food i've ever taste." Dagdag pa nito. "Binobola mo naman ako Boss. Di naman ako ganun kasarap magluto." Wika ko. "That's not true. And I'm telling the truth." Wika naman nito. "Sige na nga maniniwala nalang ako." Tila napipilitan kung sabi. Nalihis na ang kung ano mang sasabihin ko. Hindi ko nalang inungkat uli dahil baka nagkataon lang na tinawag niya akong ganun. Nanibago lang kasi talaga ako. Tila ba parang may binuhay si Boss sa pagkatao ko sa pagtawag niya sa akin ng steph, wala pa kasing tumatawag sa akin ng ganun kahit sa pamilya ko, usually ang tawag nila sa akin ay lie sa mga ka trabaho ko naman ay Les pati nung nag-aaral ako ay iyon ang tawag nila sa akin. Pero may isang taong tumatawag sa akin nun ng Leslie. She is a friend of mine during highschool days. Kaso nagkahiwalay kami mula ng mamatay ang Lola niya. Hindi ko na siya nakita mula ng araw n iyon. Kaya nga sana kahit isang araw lang magkita kami ulit. Siya ang pinakatuturing kung kaibigan sa lahat ng mga naging kaibigan ko. Hindi kasi siya plastic at same humor din kami. Kaso siya ay tahimik pero badass di katulad ko madaldal pero pagdating sa awayan syempre di ako papatalo. Haler di ako si Cinderella para apakan lang ng ibang tao. _ _ _ _ _ _ _ F b account: Berleen Dreame A/N: Update ako kasi may time na ulit ako mag-update..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD