MY DISTRACTER SEXYTARY 7

1353 Words
LESLIE Agad din akong tumilapon sa ere dahil ang pesteng babae ay bigla akong tinulak sa mga bisig ng boss ko, buti nalang hindi nasobsob ang mukha ko sa pader dahil agad kung naitukod ang mga kamay ko bilang suporta. "Love." Nag-iinarteng turan ng babae sa boss ko. Sumisinghot-singhot pa itong yumakap sa boss ko. "Love, fired that b***h. Alam mo bang walang habas niya akong sinagot-sagot. Sinampal niya pa ako at pinapalayas." Uma-arte na turan ng babae. Aba hindi lang pala makapal ang mukha nito sa mga injection, sinungaling pa at magaling mag-imbento ng kwento. "Fired her already love. Dinuro-duro niya pa ako kanina, ang dami niyang masasakit na salitang binato sa akin." Mangiyak-ngiyak pa nitong wika kaya mas lalo akong naiirita. "Hoy! Babaeng puro retoke. Ako nga tigilan mo sa nga kasinungalingang pinagsasabi mo. Anong sinampal e kung totohanin ko kaya." Galit kung turan at akmang sasampalin ito ng pinigilan ako ni Boss. "Hey, Hey, Hey" Pigil ni Boss sa akin kaya inis nalang akong napa-irap. "Eh kasi yang babaeng yan sumosobra boss e. Binabaliktad ang nangyari." Inis ko pa muling turan. "See Love, kung anong klaseng ugali ang meron iyang bago mong secretary. Kung san-san ka kasi pumupulot ng mga hampas lupa bilang secretary." Wika ng babae. "Aba't" Akmang susugurin ko ito ng hawakan ako ni boss sa braso para pigilan. "That's enough. Martha, What are you doing here?" Sumeryoso ang awra ng boss ko. "Why Love, are you not happy to see me?" Arteng turan ng babae ka napa-irap nalang ako sa hangin sabay bulong ng "Ang arte, hindi naman pinapansin ni boss." Na alam kung narinig din naman nilang dalawa dahil sinadya ko talagang lakasan. "What are you talking about, you snitch." Galit na turan sa akin ng babae. "Ano bingi-bingihan lang, di narinig. Bungol ka ba." Supladang turan ko rin. Aba hindi lang siya ang may kayang mag-suplada ano. Tuloy ay kitang-kita ko sa mukha ng babae ang labis na pagka-irita, pagka-bwisit sa akin dahil sa mga walang habas na pananalita ko at pagsagot-sagot dito. Kulang na nga lang ay ilibing na ako nito ng buhay. Narinig ko naman ang boss ko na napabuntung-hininga ng malalim, halatang siya na ang nastress sa aming dalawa ng babaeng to. "Ms. Rivera, you can go back to your desk, let me talk to her." Seryosong turan ng boss ko. Tuloy ay ang ganda ng ngisi ng bruhilda. "Ganda ng ngisi mo bruha, sigurado namang hindi ka type ng boss ko. Sa itsura mong yan na puro retoka, tanga nanaginip ka." Gigil na turan ko rito na naka-cross arm pa, kaya ang magandang ngisi nito ay napalitan na naman ng inis at galit. Inirapan ko nalang ito at tuluyan ng umalis ng tawagin ulit ng boss ko ang pangalan ko. "Ms. Rivera" Madiin pa ang pagtawag nito sa apilyedo ko. Bumalik nalang ako sa ginagawa ko, pero wala pa atang five minutes ng iwan ko sila ay lumabas na ang bruhilda na banas na banas ang pagmumukha. Nagkatinginan kami ng lumabas ito sa pinto ni Boss. Umirap ito sa akin, halatang may lihim na galit sa akin, bago ito papadyak-padyak na naglakad paalis. Umismid nalang din ako. "Matapilok ka sana." Wika ko sa hangin na siya namang nagka-totoo. Malapit na ito sa elevator ng matapilok ito sa sarili niyang sandal, hindi naman ito nasubsub sa sahig basta natapilok lang. Tuloy ay mas lalo akong natatawa dito sa kina-uupuan ko. Kaya ng tumingin sa gawi ko ang babae ay kitang-kita ko rito ng labis na pagka-inis sa akin, tuloy ay mas lalo akong nasisiyahan dahil may tao na naman akong nainis sa araw na ito. "Ay anak ng kabayo!" Agad akong napapitlag sa gulat ng tumunog ang telepono dito sa office ko. "Yes Boss." Agad na sagot ko sa kabilang linya. "Come here." Wika ni Boss sa seryosong boses. Sigurado makakatikim na naman ako ng sermon. Hindi na ako kumatok, basta binuksan ko ang pinto ng office ni boss at pumasok na sa loob. Naka-pout pa ako habang papalapit sa boss ko. "Here." Abot nito sa aking ng blue na folder. Nagtaka naman ako kung anong gagawin ko roon. Tuloy ay naisip ko na baka ipapatong ko to sa ulo ko tas papatayuin ako ng mahigit isang oras bilang kaparusahan, kasi ganto parusa ko non kay mama sa tuwing may ginagawa akong mali e, hindi lang sa ulo kundi sa kamay. Mangangawit ka nalng talaga. Mas lalo akong napanguso ng dagdagan ni Boss ng dalawa pang blue na folder ang inabot nito sa akin. Hindi ko alam na hanggang ngayon uso pa rin pala ang nga ganitong klase ng pagdedesiplina. Ilang oras naman kaya ako nitong patatayuin. Nang tumingin sa akin si Boss ay nakita ko ang pagkunot ng noo nito na para bang pinapahiwatig nito sa akin na bakit pa ako nakatayo sa gilid nito. Kaya ay masakit sa loob kung ipinatong ang isang folder sa ulo ko at ang dalawang folder ay nasa kamay ko. "What are you doing?" Ang kaninang nakakunot na noo ng boss ko ay mas lalo pang nalukot. "Eto na boss ginagawa ko na nga e." Malungkot ko pang ani. "Ginagawa? ang alin?" Takang tanong pa nito. "Ito, ginagawa ko na ang parusa niyo sa akin." Malungkot ko pa ring saad. "Parusa, What the f**k Ms. Rivera. Did i told you to do that?" Medyo natatawang turan na ni Boss. "Eh kasi diba boss, sinagot-sagot ko iyong bruhildang babaeng bisita mo kanina, tapos ito binigyan mo ako ng tatlong folder na makakapal at mabibigat pa, kaya akala ko pinaparusahan mo ako" Sambit ko. Hindi ko alam kung may nakakatawa ba sa sinabi ko at tuluyan na talagang natawa ang boss ko sa sinabi ko. "I did give you that folder, but I didn't tell you to put it on your head Ms. Rivera." Natatawang turan pa rin nito. "Ipapadeliver ko yan sa finance department. And who the hell told you that i care about that woman. She's just nothing to me." Sa sinabing iyon ni Boss ay agad na naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko dahil sa hiya. Pero itong boss ko tawa pa rin ng tawa. Tuloy ay nainis ako. "Eh kung inuuna mo kasi instructions mo bago mo iabot sa akin to." Inis kung wika sa tumatawa pa ring boss ko at padabog na umalis ako sa office ni boss para ideliver ang mga folder na to sa finance department. Habang naglalakad nga ay iniisip ko ang nangyari. s**t talaga sobrang nakakahiya. Tapos tatawanan pa ako ng boss ko ng ganun. Siguradong namumula ang buong mukha ko dahil sa sobrang pagkapahiya ko doon sa loob ng office ni Boss. Nag-sungit pa ako rito bago ako umalis. Busit ka talaga Leslie, wala ka pang one month pero mukhang mawawalan ka na ng trabaho dahil sa kagaspangan ng ugali mo. Kung bakit ba kasi pinanganak akong walang control sa pananalita at madaling mainis. Pero sa totoo lang ngayon lang ako nainis dahil sa may taong tinatawanan ang pagkakamali ko at sa boss ko pa. Matapos kung ma-i-deliver ang folder ay may binigay naman sa akin ang manager ng finance department na folder ulit, sabi ay ibigay ko iyon kay Boss. Pagbalik ko sa office ni boss ay naabutan ko pa rin itong nangingiti-ngiti habang ako ay nakasimangot. Inilapag ko lang nag folder sa table niya at lumabas na agad, kasi mas lalo akong nahihiya pag nakikita kung pinipigilan ni Boss ang tawa niya. Nakakainis talaga, pag lang talaga ang boss ko ang nagkamali, nunkang hindi talaga siya makakaligtas. Sisiguraduhin kung aasarin at lolokohin ko siya ng todong-todo hanggang sa siya naman ang mahiya. Aba hindi pwedeng ako lang no. Pero alam niyo sa totoo lang siya lang boss ko na hindi ako kailanman senermonan dahil sa magaspang kung ugali. Parang okay pa sa kanya na pinapakitaan ko ng ganun iyong babae kaninang si Martha. Sino ba naman kasing hindi maiinis sa ganung klaseng babae. Tanging mga may malalambot na puso lang masisindak doon, pero ibahin niya ako, kahit saan niya pa ako iharap na court hindi ko siya aatrasan, black belter ata ako sa Taekwondo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD