MY DISTRACTER SEXYTARY 6

1448 Words
LESLIE Matuling lumipas ang araw, halos dalawang linggo ko na rin bilang sekretarya ni boss. Boss na ang tawag ko sa kanya kasi iyon ang gusto ko. Para kasing napaka yayamanin ng sir, di ako sanay. Akala ko ang trabaho ko lang ay umupo magdamag, i-appoint ang mga nagpapa-appointment ng meeting, i-inform si Boss sa gagawin niya sa isang araw pero dai hindi pala ganun. Walang araw na hindi ako inuutusan ni Boss, ginawa na nga akong cook dito sa office niya, 3x a day pa kung magpa-timpla ng kape. Uutusan niya pa akong kunin ang mga envelope na hindi ko naman alam kung tungkol saan sa iba't-ibang department. Kaya imbis na suotin ko ang takong na binigay sa akin ni Reyshelle at mag-suot ng pencil skirt ay mas pinili ko nalang na mag-suot ng pantalon. Total hindi naman pang-sekretarya ang inaplyan ko, kundi cook at utasan ni Boss. Naku kung alam niyo lang, mula ng unang pagluto ko kay Boss kulang nalang talaga ay doon na ako sa kusina niya tumira. Buti sana kung yung kakainin lang niya ng lunch ang lulutuin ko kaso pati meryenda niya minu-minuto nag-papaluto. Fake news si Alice sabi niya depedepedeng oras pumapasok si Boss pero bakit ganun, mas nauuna pang pumasok si Boss kaysa sa akin. Kaya imbis na asikasuhin ko ang mga schedule niya e mas inuuna ko pa ang pagluluto ng pagkain niya. Tulad ngayon, imbes na asikasuhin ko ang sched niya, nandito ako sa mini kitchen ng office niya at nagluluto. Kasalukuyan akong nagluluto ng sinigang na bangus at omelette na napanood ko don sa korean mukbang kaya naisip kung gayahin. "hmm, bango naman niyan!" Napatingin ako sa direksiyon ng pinto nitong mini kitchen ni Boss ng sumigaw ito dahil sa excitement. Lumapit pa ito sa kawaling nakasalang sa gasul, binuksan nun ang takip ng kaserola at inamoy. Buti nalang talaga sobrang gwapo ng Boss ko, kaya okay lang sa akin kahit gawin niya pa akong katulong. Habang busy ako sa pag-scramble nitong itlog ay panay naman ang bukas ni Boss sa kaserola kaya sinuway ko ito. "Boss alam kung gutom ka, pero hindi mapapadali maluto iyang sinigang kung panay naman ang pagtanggal mo niyang takip." Wika ko. Napasandal naman ito sa pader na hanggang pang-upo niya lang ang taas, nag-krus pa ito ng kanyang mga braso, tuloy ay hindi ko mapigilang hindi mapasulyap sa mga braso niyang namumukol na ang mga ugat. Alam kung napansin iyon ng Boss ko pero hindi naman ako nito binawal o kung ano. Alam ko na ang dahilan kung bakit ako ang kinuha ni Boss bilang sekretarya niya sa dinami-rami ng nag-apply bilang secretary niya. Ako lang daw kasi ang hindi nag-pakita ng kahit na anong interes sa kanya. Kung alam niya lang na malapit ng malaglag ang panty ko ng una ko siyang makita. Tsaka syempre sinong matinong babae ang agad na magpapakita ng motibo kung ang a-applyan ay trabaho. May delikadesa rin naman ako bilang babae kahit malandi ako ay alam ko namang i-limit ang sarili ko sa mga ganoong bagay. "Ilang minutes pa bago maluto ito?" Maya ay tanong ng boss ko. "Malapit na Boss, 3 more minutes kalalagay ko lang nung kangkong e." Sagot ko naman habang niluluto ang omelette sa isang kalan. "Bakit kasi Boss hindi ka nalang kumain sa labas, di sana hindi ka nag-aantay ng ganito katagal." Wika ko. "Nah, i rather not to eat if that's the case, gusto ko home cook ang kakainin ko. Kung kakain man ako sa labas gusto ko may kasama rin ako para hindi naman boring." Sagot nito. "Eh bakit ba kasi ayaw mo Boss, siguro hindi kayo kumakain no pag walang nagluluto sa inyo ng pagkain, sabi kasi ni Alice hindi ka daw kumakain pag galing sa cafeteria ang pagkain na kakainin mo, ang arte mo naman Boss." Walang prenong bulalas nitong bibig ko. Huli ko ng ma-realize kung anong nasabi ko kaya tumingin ako rito kasi baka nagalit ko ba ito sa mga sinabi ko, mawalan pa ako ng trabaho ng di oras. Pero iba naman ang naging reaksyon nito sa sinasabi ng sarili kung magiging reaksiyon nito. Imbes kasi na magalit o kumunot ang noo nito sa buwiset ay nakita ko itong nakangisi. "Ayaw ko lang talaga ang mga luto nila sa labas. Lasang-lasa kasi ang mga betsin na nilalagay nila sa pagkain. Nakakawalang gana pag ganun." Wika ni Boss. "Ayaw mo ng ganun Boss e betsin naman ang sinigang mix ah." Wika ko namang natatawa. "Okay lang sa akin pag mga ganyan, basta hindi magic sarap o kung ano." Wika nito. "Okay, noted boss. Buti nalang hindi ako mahilig maglagay ng kung ano-anong seasoning pag nagluluto ako. Ganun din kasi sa bahay masyadong strikto si Mama pagdating sa pagkain, ayaw din nun ng mga betsin e." Pag-kwento ko na. "Oh yan na Boss, luto na. Kumain ka na." Wika ko ng maihanda ko na lahat. "Sabayan mo ako kumain." Wika nito sa akin. "Naku Boss huwag na kumain naman ako sa boarding bago pumasok." Pag-tanggi ko. "Mabuti pa boss na ayusin ko ang sched mo ngayon kasi hindi ko naayos kanina iyon dahil pinaluto mo ako." Wika ko. Akala ko naman ay makaka-alis na ako sa mini kitchen na iyon at magagawa ko na ang mga trabaho ko, pero itong si Boss hinawakan ako sa balikat at pina-upo sa isang upuan. "Pag sinabi kung sabayan mo akong kumain, sabayan mo ako." Wika nito na seryoso na ang boses. Hanga rin talaga ako dito sa Boss ko dahil walang ka arte-arte kung kumain, nakakamay pa e. Matapos naming kumain ay siya na ang nagligpit ng mga pinagkainan namin, sabi ko nga ay ako nalang e kaso mapilit. Bumalik naman ako sa labas kung nasaan ang table ko. Kahit busog pa ay ipinag-patuloy ko ang trabaho ko. Hanggang sa lumipas ang ilang oras. Bigla na lamang may babaeng dumating. Maganda ang babae, maputi at makinis. plakada ng make-up ang mukha nito, kaso mataray ang awra. "Where's Anthony?" Sus, mataray nga. Hindi lang mukha pati na rin ng ugali ay mataray din. "Ma'am do you have an appointment..." Di ko na natuloy ang sasabihin ko ng masungit at mataray na sumabat ito. "Didn't you here me? Where's Anthony? Uhh, Nevermind i know his here." Wika nito na naka-irap pa, tumalikod ito sa akin at akmang bubuksan ang pinto ng office ni Boss, kaya agad akong humarang dito. "Ma'am, hindi po kayo pwedeng pumasok sa loob kung wala kayong appointment sa boss ko." Wika ko, naku unti nalang talaga at mahahampas ko tong bababeng to' akala niya siguro matatakot ako sa pagiging mataray niya. Naks, laking palaban kaya ako. "How dare you stop me." Nakataas ang isang kilay nitong turan. "Secretary ka lang naman." Wika pa nito sabay pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa, tila pa nanunuya ang tinging ipinupukol nito sa akin. "Hindi ko alam na may ganyang taste pala si Anthony na maging secretary. Too boring and too plain. Halatang galing sa hirap." Pang-iinsulto nito sa akin, tuloy ay hindi na ako nakapag-pigil. "Hoy! Ms. whatever your name is. Makalait ka sa akin siguraduhin mong wala akong malalait sa'yo." Mataray ko na ring wika, nag cross arm pa akong humarap dito sabay sandal sa nakasaradong pinto. Pinasadahan ko rin ito ng tingin mula ulo hanggang paa. "Ako pa tinawag mong too boring and too plain kaysa naman sa'yo. Mula mukha hanggang pwet e puro injection pati s**o halatang fake." Wika ko. Nakita ko naman sa mukha nito kung paano ito nainsulto sa sinabi ko. Akmang duduruin ako nito ng kanyang daliri ng walang habas ko iyong hinampas. "Wala kang karapatang duruin ako, bakit sino ka ba. Kung wala kang appointment sa boss ko umalis ka nalang." "How dare you. Wala kang karapatang sumbatan ako ng kung ano-ano. Sisiguraduhin kung makakarating to kay Anthony. I will make sure he will fired you. Pagsisihan mo lahat ng mga sinabi mo sa akin oras na alisin ka ni Anthony bilang secretary niya." Nangangalaiting wika ng babae. "Oh di sige, sama mo pa tatay mong magsumbong sa boss ko." Hindi ko na alam kung saan ko pa nakukuha ang lakas ng loob ko sa mga pinagsasabi ko. Ni wala na sa isip ko kung baka matanggal na ako sa trabaho ko. "Ikaw! How dare you!" Galit na galit ng wika nito. Akmang sasampalin ako nito, kasi sakto namang bumukas ang pinto ng office ni Boss, kaya imbis na tumama sana ang palad nito sa mukha ko ay humampas lang iyon sa ere. Habang ako ay gulat na gulat dahil hawak ng boss ko ang balakang ko dahil na out balance ako ng buksan nito ang pinto mula sa loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD