Arshen's PoV:
Katahimikan ang namayani sa aming dalawa pagkatapos ng nangyari. Mahabang katahimikans to be exact. It's quite uncomfortable and awkward. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakaramdam non.
Napabuga ako ng hangin sa kawalan. Aish. Bakit ko ba kasi 'yun ginawa? Masyado akong nagpapadala sa emosyon ko. Nagpadalus-dalos.
Pasimpleng pinasadahan ko ng tingin ang kasama ko ngayon. Nakatuon lamang ang kanyang atensyon sa kanyang cellphone. Actually, nakahiga sya ngayon sa bed ko.
Opo. Tama kayo nang pagkakabasa. Nakahiga talaga sya. Hindi ko na ata kailangang sabihan ng feel at home eh.
Aish. Parang gusto kong magkaroon ng powers na mind-reading para alam ko kung anong tumatakbo sa isipan nya.
I faked a cough. "Andyan na nga pala 'yung binake ni Mom na cake. Pwede kang kumain if you want."
She gave me a glance bago ipagpatuloy ang kanyang ginagawa. Aish. Sana naman hindi sya nagalit doon sa ginawa ko.
Napailing na lang ako sa kawalan at sinimulan nang gawin ang activity ko. Matrabaho sya kaya dapat wala akong sinasayang na oras.
"MABUTI NAMAN at natapos din kita." I said pertaining to my work. Hindi ko maiwasang mapangiti. Nagustuhan ko kasi ang outcome.
Napatingin naman ako sa orasan at halos mapamura ako nang makitang gabi na pala. Gosh. Masyado akong nakafocus na hindi ko man lang namalayan.
Mabili kong binalingan si Yana dahil tahimik lang sya all the time. Hindi nya na hawak ang kanyang cellphone. Bagkus, ang favorite unan ko na ang hawak-hawak nya.
I pouted. Hmp. Inaagaw nya ata 'yun sa akin ah. Pero sige na nga, pagbigyan ko na. I gues,s she fell asleep na rin kakahintay sa akin.
Pero in the first place, bakit nga ba nya ako inaantay?
I bit my lips. Hindi ko na dapat pa 'yun iniisip. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kinaroroonan nya.
There I saw her, nakapikit ang kanyang mga mata. She's sleeping peacefully. Napaka-inosente nya tignan. Sana ay lagi na lang ganto. Kapag gising kasi sya, napaka-demanding eh.
I just found myself staring at her intently. She's really beautiful. Wala akong makitang flaws sa kanya. Kahit na natatakpan pa rin ng bandage ang right part ng kanyang mukha.
Her lips na napakalambot. Gosh.
Ramdam ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko. Ugh. Ano bang meron sa kanya ha?
Napatingin naman ako sa cake at hindi ko maiwasang mapangiti nang makitang ubos na ito. I'm glad na kinain nya 'yun.
I'm contemplating kung gigisingin ko ba sya o hindi. Pero in the end, I decided na gawin na lang 'yung una.
"Yana, wake up... Gabi na." I said at mahinang tinapik-tapik ang kanyang pisngi.
"Hmm..." Bakit ang sexy pakinggan?
Aish. Nagiging p*****t na ako ha.
Maya-maya pa, nakita ko ang pagdilat ng kanyang mata. "Oh... Nakatulog pala ako." She said.
Ang cute nya kapag bagong gising. Pero syempre, ako pa rin ang pinaka-cute. Duh.
"Gabi na. Kailangan mo nang umuwi." Wala akong narinig na imik mula sa kanya. I just noticed that she started to gather her things.
We made our way at sinamahan ko sya pababa. I secretly groaned nang makitang nasa living room sila Mom at Dad.
Nako po. Naloko na. Imposibleng hindi nila kami makita.
Dapat ay tahimik lang kami. Tama. Mukhang tutok na tutok naman sila sa pinapanood nila eh.
"Good Evening po, Tito, Tita." Automatic na nanlaki ang aking mata nang marinig ang sinabi ni Yana.
Aba't! Binati nya pa talaga sila huhuhu. Infairness, Tito at Tita na ang tawag ha.
"Good Evening din. Uuwi ka na ba?"
Nakita kong napatango-tango naman ang katabi ko ngayon.
"Hay nako, Sweetheart. Gabi na. Kawawa naman si Yana. Hahayaan mo ba ang girlfriend mo na umalis sa gantong oras?" Mom said emphasizing the word 'girlfriend'. Isang ngisi ang nakita kong nakapaskil sa kanyang labi.
Napasapo ako sa aking sarili. "Mom, hindi ko nga po girlfriend si Yana."
"Oo nga naman, babaeng kaibigan kasi ang tinutukoy ko." Sus. Palusot pa.
"Yana sweetheart, dito ka na lang magstay for the night." Aish. Pati ba naman si Dad.
"Gusto ko po sana..." Nakita kong napatingin sa akin si Yana. "Kaso parang ayaw po ni Arshen."
Napangiwi ako dahil doon. Sige na, pangbest actress na ang acting nya ngayon.
"Hay nako. Wag mo nang isipin pa si Arshen. Sabihan mo lang kami kapag may ginawa syang masama sayo."
Hindi ko maiwasang mapanguso. Mukha bang may gagawin ako kay Yana? Hmp. Baka nga sya pa ang may gawin sa akin eh. Over my super cutie body.
"Sige na. Bumalik na uli kayo sa taas. Ipagpatuloy nyo na 'yung ginagawa nyong dalawa." May halong panunudyong turan ni Dad.
Ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi. Mukha atang sinabi ni Mom sa kanya yun huhuhu.
"Basta wag kalimutang maglock ng pinto ha."
Agad kong hinila papaakyat uli si Yana. Wala na akong pakielam kung anong sabihin nya. Gosh. That's so embarrassing.
"Doon ka sa couch matulog." Kalmado kong saad. Nakita kong napakunot-noo naman sya.
"Why would I? Bisita mo ako diba?"
"Bwisita to be exact." At inirapan sya. Aba, akala nya ay sya lang ang may kaya ha.
"Come here." Maawtoridad nitong turan. I gulped. She's using that tone again. Pero hindi dapat ako matakot. Nasa room ko sya noh.
"Ayaw ko nga."
"Isa, Arshen." Tinapunan ako ng matatalim na tingin. Binabawi ko na pala 'yung sinabi ko. I slowly made my way towards her.
"I want to sleep. At alam kong gusto mo rin 'yun." She said at muling humiga.
I heaved a sigh. Wala naman sigurong masama kung tatabi ako sa kanya diba? Atsaka ilang beses naman nang nangyari 'to.
I laid beside her. Nakakamiss naman ang bed ko. Pero may kulang eh, 'yung favorite na unan ko. Hawak-hawak na ng isang 'to. Hmp.
Napakagat-labi ako. I slowly placed my arms on Yana's waist at mas hinapit pa sya papalapit.
Naramdaman ko napapitlag sya bigla.
"H-Hey! Bakit mo ba ako niyayakap?" Nauutal nitong turan.
"Eh hawak-hawak mo ang favorite kong unan. Akin na 'yan para hindi na ikaw ang yakapin ko." To be honest, hindi ako nakakatulog kapag wala akong yakap huhuhu.
"Ayaw ko. Ako na lang 'yung yakapin mo."
I smiled. Mabuti naman at madali lang syang kausap.
"Goodnight, Yana." I whispered before I closed my eyes.
"Good night, Arshen."
_____//_____
"HAY nako, Arshen. Sino naman bang pinagtataguan mo riyan?" Pag-iintriga ng dalawang frenny ko.
"Huh? 'Yung pinagkakautangan ko." Palusot ko pa.
"Magkano ba ang utang mo? Tutulungan ka naming bayaran." They offered pero umiling na lang ako.
"Thank you pero keri ko na 'to."
We're here now in the cafeteria. Break time namin. Maraming students ang nandito ngayon. Napalinga-linga ako sa paligid. I'm looking for a certain person. More like, binabantayan ko kung nandito ba sya.
After ng nangyari, ginawa ko na talaga ang lahat para maiwasan ko si Yana. Nahihiya kasi ako sa ginawa ko.
Tinigil ko na rin yung paghahatid-sundo sa kanya. Hindi na ako pumupunta sa building nila. Naging mas alerto ako sa paligid ko. Who know, baka mamaya ay nandyan lang sya sa tabi-tabi. Maliit pa naman ang mundo.
Masayang kinain ko ang order kong pasta. Clear na kasi ang surroundings. Mabuti naman at wala sya.
While eating, nagsimulang magbulung-bulungan ang mga naririto.
"Oh my gash! Si Miss Yana nandito!"
Napahinto ako dahil don. s**t. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Bakit ba parang pinagtatagpo kami ng tadhana?
Wag ka lang lilingon. Imposible namang makilala nya ako diba? Sinimulan kong pakalmahin ang aking sarili.
"Arshen."
Nanindig bigla ang balahibo ko dahil doon. Napakalamig ng boses nung nagsalita. At kilala ko kung kanino 'yun.
"Look at me." Muling turan nito.
I gulped at labag sa loob na ginawa ang sinabi nya. Once I glanced at her, automatic na naramdaman kong may humawak sa aking pulsuhan. Marahas ako nitong hinila papalayo.
Nawalan ako ng lakas para magpumiglas. Nakita ko na lang na nandito na pala kami sa garden.
Pabalyang binitawan nya ang aking kamay.
"Why? Why are you avoiding me, Arshen?!" Madiin nitong turan. Nakikita ko ang galit sa kanyang mga mata. Hindi ko maiwasang matakot.
"H-Hindi naman. Medyo busy lang talaga ako..." I reasoned out. Damn. Hindi ko alam na ganto pala ang magiging reaksyon nya.
Nakita kong napapikit sya nang mariin. Para bang pinipigilan ni Yana ang sarili nya na magsabi ng kung ano pa.
"Subukan mong hindi pumunta mamaya, malilintikan ka talaga sa akin." She said habang matamang nakatingin sa akin.
I gulped. Wala sa sariling napatango-tango na lang ako bilang sagot.
TUMATAKBO ako ngayon papunta sa room ng mahal na reyna. Malayo pa lang ay tanaw ko na ang kanyang pigura.
"Late ka." Ang pambungad nito sa akin. Nakalagay ang kanyang dalawang kamay sa kanyang bewang.
"How many times do I have to tell you that I really hate waiting huh?" She seems annoyed.
Napakamot na lang ako sa aking ulo. "Sorry na. Late kasing agpalabas ang Prof namin." Atsaka hindi ko naman kasalanan 'yun diba? Hmp.
Isang matalim na irap ang natanggap ko sa kanya. Ang attitude ha.
"Here. Dalhin mo lahat 'yan." Hindi ko maiwasang mapangiwi. Mygoodness! Apat 'yun. At for sure ay mabibigat dahil ang kakapal eh.
Aba't. Balak nya bang gawin akong kargador ha? Pasalamat talaga ang babaeng 'to at hindi ako masyadong reklamador. Nako.
'Che. Kahit naman magreklamo ka, hindi keri ng powers mo si Yana.' Sabat ng mahadera kong utak.
Pero hmm... May point nga naman. Para kasing umuurong ang lakas ko kapag si Yana na ang nagsalita. 'Yung tipong mapapasunod ka na lang talaga.
Ang hirap kontrahin ni Yana eh. Ang lakas ng epekto nya sa akin.
Napailing na lang ako sa kawalan at sinimulan nang dalhin ang pinapadala nya.
Kitang-kita ko ang pagtataka sa mga mata ng mga kapwa ko students na nakakasalubong namin. Maybe they're wondering kung bakit bitbit ko ang mga ito.
Or maybe, they're wondering kung bakit naging instant alalay ako ni Yana.
Tahimik ang naging byahe namin papunta sa mall. Ang uncomfortable. Mabigat ang atmosphere.
Nang makarating, inihatid ko ang books sa loob ng Private Room nya.
"Umalis ka na." Walang emosyon nitong turan. "Ayun naman ang gusto mo diba?" Now, nahihimigan ko na ang sarcasm sa tono ng boses nya.
Hindi ko maiwasang mapaalma dahil doon. Aaminin ko, nakakapanibago. Sanay kasi ako na pinag-iistay ako ni Yana rito.
I glanced at her. Neutral lamang ang kanyang mukha. I felt uneasy. Ayoko ng ganito sya. Ayoko ng ganto kami.
I heaved a sigh. "I'm sorry, Yana. Sorry sa ginawa ko. Sorry kung iniwasan kita." Gosh. Hindi ko talaga sya kayang tiisin.
Wala akong nakitang pagbabago sa reaksyon ni Yana. I bit my lips.
"Hindi ako tumatanggap ng sorry." Nakakunot-noo nitong turan. Anong gagawin ko?
"But if you insist..." Nabuhayan ako bigla dahil doon. May chance pa.
"Then ayain mo ako ng dinner."