Chapter 13: So It's a Date?

2164 Words
Arshen's PoV: Automatic nanlaki ang aking mata dahil sa sinabi nya. Hindi ko maiwasang mapanganga. Tama ba 'yung pagkakarinig ko? I gulped nang medyo maiproseso na ng utak ko ang lahat-lahat. "S-Seryoso ka ba?" Nauutal kong turan. Hindi talaga ako makapaniwala. I glanced at her at mariing sinuri ang kanyang expression. Baka naman kasi ginigood-time nya lang ako diba? O kaya naman nag-iimagine lang ako. Alam nyo namang malawak ang aking imagination. "Mukha bang nagbibiro ako ha?" She squinted her eyes at matalim na inirapan ako. Now, nakacross na ang kanyang dalawang kamay sa kanyang dibdib. Hmp. Ang sungit naman. Parang nagtatanong lang eh. I'm speechless. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Seryoso si Yana sa sinabi nya. Should I ask her for dinner? Pero bakit naman? Atsaka, mas lalo lang madadagdagan ang kahihiyan ko sa buhay kapag ginawa ko 'yun huhu. Pero hindi ko na dapat pa iniisip 'yun. Pambawi ko na lang ito sa ginawa kong pag-iwas. Kakain lang naman kami diba? Wala naman kaming gagawing masama. I faked a cough. "Bakit mo naman naisipan 'yun, Yana?" Isang mapait na ngiti ang pumorma sa kanyang labi. "I just want to experience it. Eating dinner with someone." Natigilan ako dahil doon. Parang nanghina ako nang makita ang pagrehistro ng lungkot sa kanyang mukha. Automatic na nakaramdam ako ng guilt. Ang galing nya talagang magtago ng emosyon. Pabago-bago. Ang hirap ipredict. Damn. Parang gusto kong hambalusin ang sarili ko. Katahimikan ang namayani sa aming dalawa. She's looking into something. Pasalamat na lang ako at hindi na sa akin nakatingin ang mga mata nya. Laging nanghihypnotize kasi ang mga 'yun. Hindi masyadong magfafunction ang utak ko para makapag-isip. I bit my lips. What should I do next? Aish. Tinatanong pa ba 'yun, Arshen? Syempre kung ano ang tama at dapat. Isang buntong hininga ang aking pinakawalan. "Free ka ba later? Pwede ba kitang ayaing magdinner, Yana?" I said at marahang hinaplos-haplos ang kanyang kamay. Parang naiimagine ko na 'tong kaholding-hands. Chos. Umiiral na naman ang kaharutan ko. Ilang sandali na ang nakakalipas pero wala pa rin akong naririnig na sagot nula sa kanya. Napalunok ako dahil doon. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba. Nagbago na ba kaagad ang isip nya? Irereject nya na ba ako? Gosh. Nakakahiya talaga itong ginagawa ko huhuhu. Wala akong nakitang pagbabago sa kanyang expression. Neutral lang ito kaya hindi ko mahimigan kung anong magiging decision nya. "Okay fine." Parang nagdiwang bigla ang kalooban ko. Mygoodness! I don't know why pero nakaramdam ako ng saya just by hearing that words. Kahit na parang napilitan lang sya. "Mga 6:30 na lang kita susunduin namaya ha." Nakangiti kong turan sa kanya. She looked at me for a while at mabilis ding nag-iwas ng tingin. "Sige na. Umalis ka na. Magkita na lang tayo mamaya." Mataray nitong asik sa akin. Napailing na lang ako sa kawalan bago nagsimulang maglakad papunta sa aking sasakyan. Now, medyo mapapanatag na ang loob ko. Ang sarap pala sa feeling. I don't know why but through the whole ride, hindi matanggal-tanggal ang ngiting nakapaskil sa aking labi. Aish. Nababaliw na ata ako. Kailangan ko nang itulog 'to. _____//_____ "Mga Ka-Frenny, saan ba magandang kumain with someone?" Tanong ko sa aking mga kaibigan. Kavideo call ko kasi sila ngayon. At syempre, kailangan ko ng tulong nilang dalawa. Hello? This is my first time kaya need ko talaga ng advice. I saw how their eyes widened and started squealing. Automatic na napangiwi ako dahil doon. Agad kong inilayo ang aking cellphone. Gosh. Ang sakit sa tenga eh. "Owemji! Tama ba kami nang pagkakarinig?" "Don't tell me, may date ka tonight with your someone ha?" I slapped my forehead because of their remarks. "Oo, tama kayo nang pagkakarinig pero hindi 'yun date noh. Magdidinner lang kami." Ang aadvance naman kasi nilang mag-isip. Porket magddinner, consider as date na agad? Muli, narinig ko na namang tumili silang dalawa. Ang sakit sa tenga. Mygoodness. Naiistress ako sa dalawang 'to. "Fren, finally! Magkakaboyfriend ka na rin! Hindi ka na single." Luxxe said while grinning. "Oo nga. Akala namin ay hindi mo na mahahanap ang 'The One' mo. So, sino nga pala 'yung kasama mo. Gwapo ba?" Turan naman ni Laney na ngayon ay nakangisi na. Napakamot naman ako sa aking ulo. Nako po. They thought na lalaki ang kasama ko. I'm contemplating kung sasabihin ko ba o hindi. Hindi ko rin kasi alam kung maniniwala ba sila. "Actually, babae 'yung kasama ko tonight." I said while biting my lips. "Sabi ko na nga ba at babae talaga ang para sayo!" "Lumihis ka na ng daan, Arshen. Congrats!" Ugh. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa dalawang 'to. "Che! Anong pinagsasasabi nyong dyan? Walang malisya ang dinner namin. Atsaka si Miss Yana kaya 'yung kasama ko." I heard they gasped in shock. Hindi makapaniwala ang mga tinging ibinibigay nila sa akin. I started to explain furthermore para naman kahit kaunti ay maproseso nila ang lahat. Pero syempre, hindi full details. Parang sinummary ko na lang. And thankfully, nakatulong naman sila. They started to give me advices and pointers that I should remember. Para naman daw hindi maturn-off si Yana na syang hindi ko maintindihan. They said na I should think of a place na comfortable at maganda ang atmosphere. I started to browse the internet dahil wala akong maisip na ganon. Suddenly, something caught my attention. Ang ganda kasi. Ang comfortable ng ambiance kahit na hindi pa naman ako nakakapunta sa place na 'yun. Agad kong tinawagan ang contact number at nagpareserve. Okay. Ako na lang ang kulang. Napatingin naman ako sa orasan at nakitang past 5:30pm na pala. I should fixed myself. Mas maganda na 'yung maaga. Parang ngayon lang ako tinamaan ng realization. Bakit nga ba bongga ang paghahanda ko? Aish. "Ang cute ko talaga." I said to myself while smiling. I once took a last glimpse of myself bago tuluyang umalis. Parang nakahinga naman ako nang maluwag nang makitang wala ni isa sa aking family members ang nakasalubong ko. For sure ay kakantyawan na naman ako ng nga 'yun. Hayst. Agad akong sumakay sa aking sasakyan at nagsimulang magdrive papunta sa place ni Yana. I hope by now ay nakaayos na sya. I knocked three times on her private room's door. Maya-maya pa, narinig ko ang langitngit ng pintuan. And there I saw Yana, wearing a yellow dress. It fits perfectly on her. This is my first time seeing her with that type of clothes. She's really gorgeous. Ang ganda nya. Sobra. "Close your mouth. You might catch a fly." Nakataas-kilay nitong turan na syang nagpabalik sa aking realidad. "Alam ko namang maganda ako pero wag mo namang masyadong ipahalata." Dagdag pa nito. I shooked my head upang pagtakpan ang aking kahihiyan. "Che! Ang feeling mo naman." Sige, Arshen. Deny pa more. She was about to say something nang magsalita akong muli. "Tss. Tara na nga. Para matapos na 'tong dinner natin." Masungit kong turan sa kanya. "Wait. What do you mean by that? Hindi ba tayo kakain dito sa mall?" Confusion is present on her tone now. Nagtataka sya. I started to get the uneasy feeling. Paano kung hindi sya pumayag diba? "A-Ano kasi... Naisip ko na sa iba na lang para maiba naman. Don't worry, malapit lang naman 'yun." Nakita kong napatango-tango naman sya at walang imik na naglakad papunta sa aking sasakyan. Of course, papayag ba akong maiwan? I opened the door for her. Nang okay na ang lahat, nagsimula na rin akong magmaneho papunta sa aming destination. It was just a short ride dahil nga katulad ng sinabi ko, malapit lang 'yun. "Tara rito." I called her papunta sa VIP room. Ito talaga ang pinareserve ko. Baka kasi ayaw nya ng may mga tao. "Wow..." Was the first thing that I heard from her. Binalingan ko sya ng tingin at kitang-kita ko ang admiration sa kanyang mga mata while scanning the place. "I didn't expect na rito mo pala ako dadalhin." Hindi ko maiwasang mag-alala. "Hindi mo ba nagustuhan? Okay lang naman. Pwede namang bumalik na lang tayo ng mall." Nakita ko ang sunod-sunod nyang pag-iling. "No it's not like that. I'm just mesmerized with this place, Arshen. I'm fascinated." She said at nakita ko ang unti-unting pagguhit ng ngiti sa kanyang labi. Hindi ko maiwasang mapatulala. I didn't know na may igaganda pa pala sya. Agad kong pinaghila ng upuan si Yana. From our spot, kitang-kita ang lights ng city. Pati na rin ang mga stars sa langit. Para sa akin ay nakakakalmang pagmasdan ang mga 'yun. "Let's ask each other a question habang inaantay natin 'yung order nating food." Diretsong turan nitong kasama ko. I nodded my head. It seems fun din kasi. "Sige, ikaw na muna ang mauna." Nakita kong sumeryoso bigla ang kanyang mukha. "Anong pumasok sa isipan mo at iniwasan mo ako?" Hindi ko maiwasang mapalunok. Nakakagulat naman ang tanong nya. Straight-forward eh. "Don't you know that I started to get worried about you? Iniisip ko na baka ako 'yung mali, Arshen." Dagdag pa nito. I heaved a sigh. Mas lalong nadadagdagan ang guilt sa aking dibdib. Aish. Nagsisisi tuloy ako. "I'm really sorry, Yana. After the k-kiss, nakaramdam ako ng hiya. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya 'yun na lang ang naisip kong gawin." I reasoned out. Wala akong narinig na sagot mula sa kanya. So I guess, okay na? Now, It's my turn to ask her a question. "Noong nakita kita sa mall, totoo ba 'yung nasa right side ng mukha mo?" Actually, nagdadalawang-isip pa ako kung sasabihin ko 'yan. Nakita kong natigilan sya bigla. She's clenching her fist. Pagak syang tumawa. "Yeah. Totoo 'yun. That thing makes me feel ugly. And I freaking hate it." Madiin nitong turan. I softened up. Gusto kong sabihin na kahit na may ganon si Yana, maganda pa rin sya. "When you first saw me in that state, hindi ka ba natakot?" "What?! Never akong nakaramdam ng takot dahil sa nakita kita." Mabilis kong turan. At bakit naman aber? We got interrupted nang makita naming dumating na pala 'yung inorder namin. Sayang. Nakatatlong tanong lang kami. Through the whole time, comfortable ang atmosphere sa pagitan namin. We're just enjoying the presence of each other. And mind you guys, magkahawak-kamay kaming nakatingin sa labas. Hindi ko nga alam kung paano basta alam ko lang, we're holding each other's hands at wala ni isa ang gustong magtanggal non. Our hands perfectly fit each other. "Yana, gusto mo bang pumunta tayo ng perya? Alam ko kasi na may malapit dito nun." I offered her. Keri pa naman kasi ng oras namin. "Okay. I trust you naman kahit hindi ko alam kung ano 'yun." Napangiwi naman ako dahil doon pero what do I expect diba? Binayaran muna namin ang aming bills bago pumunta muli sa aking sasakyan. We quickly made our way towards the perya. "Damn. You never failed to amuse me." She said. Parang nagniningning ang mga mata nya habang nakatingin sa destination namin. Ang cute. I just chuckled with that at mabilis na syang hinila papasok. "Arshen, gusto ko nung prize nila." She said while pointing at something. Napakamot ako sa aking ulo. "Paano ba 'yan? Eh hindi ako magaling sa ganyang game eh." Hmp. Hindi naman ako katulad ng sa mga movies at w*****d na kapag may gustong prize ang kanilang girl ay kayang-kayang kuhain. Nakita kong napairap naman sya. "Tsk. Ako na nga lang kukuha." Masungit nitong turan. Wala akong nagawa kung hindi icheer sya. Moral support. I didn't know na magaling pala si Yana sa ganto. Sa ilang sandaling nagdaan, marami na kasi syang napanalunan. Bumili na nga kami ng ecobag para doon ilagay ang mga prize eh. We also tried the rides here at super nag-enjoy talaga ako. Well, gusto rin kasi 'yun ni Yana. I glanced at my wristwatch. Past 9pm na rin pala. "Yana, kailangan na nating umuwi." I said to her. Nakita kong nagbago bigla ang kanyang expression. "Okay." She said and heaved a sigh. Suddenly, nakita kong paika-ika na syang lumakad. "Let me carry you. Alam kong pagod ka na." I said at mabilis na lumuhod patalikod sa kanyang harapan. Piggyback-ride ang gagawin ko. Maya-maya pa, naramdaman ko na lang na inangkala nya na ang kanyang kamay sa aking leeg. I startled with the touch. I can feel the tingling sensation. Ang lakas talaga ng epekto nya. Inilagay ko ang aking kamay sa kanyang likuran para pang-suporta. Dahan-dahan akong tumayo at nagsimulang maglakad. I bit my lips. I can feel her warm breath on my earlobe and it sends shivers to me. "Thank you for this night, Arshen." She whispered to me. Napangiti ako. "Sana ay nag-enjoy ka. Sorry, this is my first din kasi with someone." "No worries. Medyo na-enjoy ko naman sya. Tss." Kahit hindi ko sya nakikita, parang naiimagine kong inirapan nya ako. "Pero kung gusto mong bumawi, pwede naman nating ulitin' to sa ibang araw." At hindi ko maiwasang mapangiti dahil doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD