Chapter 14: Coffee Shop Incident

1987 Words
Arshen's PoV: Malayo pa lang pero tanaw na tanaw ko na ang nakasimangot na mukha ni Yana. Magkasalubong ang dalawang kilay nito habang nakacross ang dalawa nyang kilay. She's impatient, I know that. Pero katulad nga ng sinabi ko dati, ang tagal magpadismiss ng Prof huhu. Lalakarin ko pa papunta rito sa building nila. Hindi ko maiwasang mapangiwi. Nako po. Mukhang masesermunan na naman ako ng mahal na reyna. Dibale, medyo nasasanay na rin naman ako sa nangyayari. I gulped. Mas binilisan ko pa ang paglalakad. Grabe na kasi sya kung makatingin. Napakatalim. She's eyeing me intently. "Yana, wag ka nang magalit. Ang ta—" Hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin nang maramdaman ko ang isang bagay ang tumama sa aking dinadaanan. Unti-unti akong nawalan ng balanse. Hindi ko alam kung bakit pero ngayon ata ang unlucky day ko. Hindi pumapanig sa akin si swerte. Automatic na nanlaki ang aking nata nang marealize na maisasama ko pala sa aking pagbagsak si Yana dahil sa kakaunti na lang ang distansya naming dalawa. Agad kong pinagpalit ang posisyon naming dalawa. Ayos na sa akin na ako 'yung pagbagsakan nya. Napapikit ako nang mariin nang maramdamang tumama sa akin ang sahig. Mygoodness! Ang sakit huhuhu. Dibale, dahil naman 'to sa hindi ako tumitingin. Gosh. Yana smells so good. Ang bango nya. Complete package na ata ang isang 'to. Medyo sablay nga lang sa attitude. Nakapikit pa rin ako. Hindi ko kayang salabungin 'yung mata nya. Nagsimula akong magkapa-kapa hanggang sa mahawakan ko ang isang bagay. Owemji! Ang lambot! Ano kaya 'to? Hindi ako nagdalawang-isip na pisilin kung ano man 'yun. Suddenly, I just felt that Yana's no longer on top of me. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata at ang matatalim nyang tingin ang unang sumalubong sa akin. Parang nagliliyab ang mata nya sa galit. Mabilis akong napatayo dahil doon. I was about to say something when I felt her palm landed on my face. *Pak!* "Bakit ba lagi na lang 'yung dibdib ko ang pinagdidiskitahan mo ha? Ugh!" She exclaimed. Hindi ko maiwasang mapalunok. Galit na galit si Yana. Gosh. So does that mean, 'yung dibdib nya ang nahawakan ko kanina? Mygoodness. "H-Huy, grabe ka naman! Aksidente lang kaya 'yung nangyari. Hindi ko sinasadya." Kinakabahan na talaga ako sa ngayon. "Then why did you f*****g squeeze them huh?!" Nangingitngit nitong asik sa akin. I bit my lips. This is so embarrassing. Pano ko ba 'to ieexplain sa kanya? Aksidente lang talaga ang nangyari huhu. Siguro, reflexes na lang ng katawan ko. "Hindi ko naman alam na gagawin ko 'yun eh! Nafeel ko tuloy 'yung malambot mong——" Hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin nang maramdaman ko ang pagdapo muli ng kanyang palad sa aking pisngi. "Argh! Ang p*****t mo talaga, Arshen!" Singhal nito sa akin. Napakasama na ng timpla ng kanyang mukha. Natatakot na talaga ako ngayon huhu. Sige na, tatanggapin ko na 'yung pagka-p*****t ko. "Subukan mo pang magsalita, ito na ang tatama sayo." At itinaas pa ang kanyang kamao. Mabilis akong tumango bilang sagot. Natuptop ko ang aking bibig. Nako po. Lagot ako nito. Kailangan ko lang syang sundin. Oo nga tama. Ayaw ko na kasing masuntok. Paniguradong masakit 'yun. Sadista pa naman si Yana. Ang lakas nya, grabe. Pero, hindi ko naman talaga sinasadya 'yung nangyari eh. Napailing na lang ako sa kawalan at walang imik na sinundan sya. As usual, ihahatid ko na naman ang reyna hihihi. It's not that I'm complaining though. "Ah eh... Here." At pinagbuksan sya ng pintuan. Pero ang siste ayun, inirapan ako ng bonggang-bongga. Feeling ko ay medyo humupa na ang galit nya which is good. Pero baka mali naman ako diba. Hindi na ako nag-abalang ibuka pa ang aking bibig at magsalita. Mas maganda na 'yung sumusunod sa utos para hindi madali noh. I'm busy driving when suddenly, I heard she said something. "Pull over." Hindi ko maiwasang mapakunot-noo. Ako ba ang kausap ni Yana ha? I just shrugged at ipinagpatuloy na lang ang aking pagdadrive. Malay nyo naman hindi ako ang kausap diba? Ayoko namang masabihan ng feeler noh. "I said freaking pull over! Tss. Are you deaf?" Hindi ko maiwasang magitla nang marinig ko ang pagsinghal nya. Automatic na itinabi ko ang sasakyan. I glanced at her. "Sorry na. Hindi ko naman alam na ako 'yung kausap mo eh." At nagpeace sign pa sa kanya. Hmp. Nasabihan pa tuloy akong deaf. I heard she hissed as a response. Bakit naman nya kaya ako pinapastop? "Gusto kong magcoffee. Tamang-tama at may coffee shop don." She said while pointing at something. Agad kong sinundan ang kanyang tinuturo at tama nga sya. Meron nga. Napatango-tango naman ako. Now, nasagot na ang ilan sa tanong ko kung bakit. Agad akong nagmaniubra pabalik dahil nalagpasan ko na pala 'yun. From the outside, I can say na maganda ang exterior nya. Ang creative. Atsaka, labas pa lang ay naaamoy na 'yung mabagong aroma ng coffee. Parang nang-iinvite. Mabuti na lang talaga at naisipan ng isang 'to na umi-stop muna kami. "Anong order mo? Ako na lang ang pipila. Humanap ka na lang ng table natin." I said to her. She nodded her head at hindi na nakipagtalo sa akin which is good. "Chocolate Cookie Crumble Crème Frappuccino na lang 'yung akin." After she said that, mabilis na syang lumisan sa harapan ko. Hindi masyadong mahaba ang pila at mabilis din naman silang mag-accomodate kaya after ilang minutes, ako na ang mag-oorder. "1 Double Chocolaty Chip Crème Frappuccino at Chocolate Cookie Crumble Crème Frappuccino." Nakangiti kong turan sa babaeng nasa cashier. "Oh, then 2 slice ng Classic Chocolate Cake please." Dagdag ko pa. Hindi naman masyadong halata na puro chocolate noh? "Wait a minute, Ma'am." The staff said while smiling. Binigay ko na sa kanya ang bayad. Sinamahan ko na rin ng tip. Habang nag-iintay, napalinga-linga naman ako sa paligid. Napaka-peaceful ng ambiance ng place na "to. Perfect sya for relaxation. Iaadd ko nga 'to sa list ko. Suddenly, nabaling ang aking tingin sa babaeng parang laging pinagsakluban ng langit. She's wearing her usual b***h face. I can't deny na ang lakas ng dating ni Yana. She's the girl that can caught your attention easily. 'Yung tipong mapapatingin ka sa kanya kahit na ang daming iba. Katulad ngayon, nakikita ko na tinatapunan sya ng tingin ng mga customer dito. I shooked ny head at hindi maiwasang mapangiti. Nakita kong tinaasan nya ako ng kilay. Uh-oh. Mukha atang nahuli nya akong nakatingin sa kanya. Agad akong nag-iwas ng tingin. Mabuti na lang at tinawag na ako ng staff. "Here's your order, Ma'am. Enjoy your stay here po." Magiliw nitong turan sa akin. I nodded my head at kinuha na ang order namin. I'm humming while making my way towards our table. Hindi ko na inalintana pa ang matang nakatitig sa akin. "Required bang makipagharutan kapag umu-order ha?" Masungit na bungad sa akin ni Yana na ngayon ay nakacrossed-arms na. Hindi ko maiwasang mapakunot-noo. "Ano bang sinasabi mo riyan? Sinong nakikipagharutan?" Ngunit isang matalim na irap lang ang ibinigay nito sa akin. Tignan mo ang isang 'to, nagtatanong nang maayos eh. I heaved a sigh. "Minsan talaga ay hindi kita maintindihan." Natatawa kong turan sa kanya. Tulad na lang ngayon. "Shut up. Tss. Akin na nga 'yan." At agad na kinuha ang Frappe nya. Paiba-iba lagi ng mood. Ewan ko ba sa isang 'to. "Here. Eat this. Inorderan na rin kita nitong cake." I said happily at ibinigay sa kanya ang slice. Suddenly, nakita ko kung paano nag-iba ang kanyang expression. She softened up. Ang cute. We started to eat and drink in silence. It's comfortable though. Walang awkwardness sa pagitan naking dalawa. As an introvert, I classified this moment as my safe haven. Naputol lang ang katahimikan nang marinig kong nagring ang kanyang cellphone. Nasa table kasi 'yun kaya kitang-kita. "Hindi mo ba sasagutin 'yan?" I asked curiously. Ilang sandali na kasi ang nakakalipas pero hinahayaan nya lang na magring ang cellphone. "Nope. Wag ka nang magtanong kung bakit." Napanguso naman ako dahil doon. Well, gusto ko sanang makichika. Lalo na't nakita ko na 'Dad' ang name ng caller. Based on my observation, hindi sila masyadong close. Pero baka naman mali ako. Hayst. I shouldn't interfere with that. After all, kay Yana naman 'yun. "Hi, pwede bang maghello?" Someone said. Sabay kaming napatingin sa nagsalita and there, dalawang lalaki with the same of our age ang nakita naming dalawa. Automatic na napataas-kilay ako at alam kong ganon din si Yana. "Hello there, gorgeous ladies." Nakangiting saad naman ng kasama nya. Sino ba ang dalawang 'to? At sinisira ang date—— este coffee moment namin ha? "Oh our bad, I'm Adrian by the way." Pagpapakilala ng unang lalaki. "Sean is the name at your service." 'Yung kasama naman nya. So? Bakit sila nagpapakilala? "Pwede ba naming malaman ang name nyong dalawa? I bet they're beautiful too just like you two." Saad nung Adrian. Gosh. Ang uncomfortable. Paano ba namin mapapaalis ang dalawang 'to? I was about to say something nang maunahan na ako ni Yana. "Sorry not sorry but our names are exclusive. Hindi namin basta-basta pinapamigay sa kung sino lang." Direktang turan nito sa dalawa. I smiled secretly. Parang gusto ko syang icheer. Minsan pala ay may maganda ring dulot ang pagkamasungit ng isang 'to. "C'mmon, we just want to know your names. Gusto naming makipagkaibigan sa inyong dalawa. Malay nyo, kami na pala ang inyong mga future boyfriend." Nakangising turan naman ni Sean na ngayon ay nakatingin sa akin. Nakaramdam ako ng inis. Damn. Hindi ko nagugustuhan 'yun ah. Mas lalong nag-init ang ulo ko nang mabaling ang aking tingin kay Adrian. He's looking at Yana in an appropriate way. I can see the l**t on his eyes while looking at her. "May nakapagsabi na ba sayo na ang sexy mo hmm? I bet that you're good in bed." He said. Automatic na napatayo ako dahil doon. Damn. Binabastos nya na si Yana! "Excuse me? Pwede bang umalis na kayo ha? Don't you guys notice that we're really uncomfortable huh?" Nangingitngit ang kalooban ko sa totoo lang. I clenched my fist. "Relax. Nakikipagkaibigan lang naman kami sa inyo." Sean said. "Dali na, Miss. Wag ka nang mainis." Adrian said. He was about to touch the latter. Hindi ako nagdalawang-isip na hapitin papalapit sa akin si Yana. "Don't you f*****g dare touch my girl. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo." Madiin kong turan sa kanya. I'm fuming in anger. I placed my arms on Yana's waist as if I'm protecting her. Gosh. Bahala na kung anong sabihin nya. Nakita ko ang pagngisi nung dalawa. "Proof that she's your girl." Mapanghamon nilang dalawa. Pinanatili ko ang matapang kong side pero sa totoo lang ay hindi ko alam ang gagawin ko. Kapag ba nabigyan ko sila ng proof, aalis na sila? I gathered all my strength at napapikit nang mariin. Mabilis kong tinawid ang distansya naming dalawa ni Yana. Marahang idinampi ko ang aking labi malapit sa kanyang labi. I felt that she's stunned with my action. Pero wala syang dapat na ikabahala dahil hindi naman kami nagkikiss. Siguro sa point of view nung dalawang lalaki, oo. "Now, pwede bang umalis na kayo huh?" At tinignan sila ng masama. Shock was written on their face hanggang sa nakita ko na lang na umalis na silang dalawa. Napalinga-linga naman ako sa paligid. Nakakahatak na pala kami ng atensyon ng iba. Pero I don't care. Si Yana ang usapan dito. Speaking of her, kanina pa pala sya nakatingin sa akin. She's staring at me intently. There's something on her eyes na hindi ko kayang mabasa. Isang ngiti ang binigay ko sa kanya. Naramdaman kong inilingkis nya ang kanyang kamay sa aking batok at yumakap sa akin. Napahinto ako dahil doon. Ramdam na ramdam ko ang kakaibang pagbilis ng tibon ng puso ko. Ano bang nangyayari? "Let's go home, Arshen." She whispered.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD