Yana's PoV:
I'm here, staring intently at Arshen na ngayon ay nakakunot-noo. Sa totoo lang, gustong-gusto ko nang tumawa ngayon but of course, hindi pwede noh! Duh.
I keep my poker face. Mabuti na lang talaga at sanay na ako rito. Hindi ko man aminin pero masasabi kong cute talaga sya.
Gosh. Just imagine na hindi ko 'yun sinabi.
She's here again in my private room. Well, I said so. Atsaka mukhang gusto na rin naman nya. Hindi na nagrereklamo eh.
Tss. Lagi nya akong nakikita. Hindi na sya lugi. If I know, may lihim na pagnanasa ang babaeng 'to sa akin. Lagi nya akong chinachansingan! Most especially my chest!
I can feel that my cheeks are burning hindi dahil sa nahihiya ako, kung hindi dahil sa galit. Mygoodness! Hindi ko na dapat binabalikan ang pangyayaring 'yun. Baka masapak ko bigla ang isang ito.
I heaved a sigh at sinimulang pakalmahin ang aking sarili.
"Matagal pa ba 'yan?" Masungit kong turan sa kanya. Nag-angat sya ng tingin. Kitang-kitang ko ang inis sa kanyang mukha.
"Wag kang mag-alala, mahal na reyna dahil malapit na itong matapos. Wag kang masyadong atat." I can sense the sarcasm on her tone. Hindi ko maiwasang mapataas-kilay. Aba't! Ang isang ito talaga.
If you're wondering kung ano bang ginagawa ni Arshen, well, she's answering my assignment sa isa kong subject. Of course, utos ko 'yun sa kanya and her being my slave, walang-salitang sinunod nya ako.
Kaya ito ako ngayon, prenteng nakaupo sa couch. Busy akong nanonood ng movie sa TV kanina nang mapagdesisyunan kong si Arshen na lang pala ang titignan ko.
Hindi ko 'yun pinahalata. Duh. Baka ano pang isipin nya. Alam ko namang may pagkafeeler din ang isang 'to.
Suddenly, nagflash sa isipan ko 'yung scenario sa Coffee Shop. Damn. That time, she's different. Ramdam na ramdam ko ang pagprotekta sa akin ni Arshen. She's holding me as if I'm a fragile thing na kailangan nang sobrang pag-iingat.
And to be honest, she's the first person to do that. Sya lang. I can't deny the fact na I'm starting to feel something na hindi ko maexplain. Laging bumibilis yung t***k ng puso ko which is really weird.
I can also feel the tingling sensation. May idea na ako kung ano man ito pero mukhang masama ata 'yun.
Alam ko namang straight ako kaya wala akong dapat na ikabahala.
Pero...
"Ugh! Ano bang ginagawa mo sa akin, Arshen huh?" I exclaimed at marahas na binigyan sya ng malakas na hampas.
Narinig kong napahiyaw sya bigla. Hindi naman gaanong kalakasan 'yung ginawa ko. Ang OA naman ng isang ito.
"Bakit ka ba nanghahampas dyan?" Singhal nito sa akin. I hissed as a response.
"Sinisigawan mo ba ako, Arshen?" I said at nag-crossed arms pa. Sinimulan kong paulanan sya ng masasamang tingin. Hindi ko nagugustuhan 'yung tono nya.
I saw how her expression changed. She softened up. "H-Ha? Hindi kita sinisigawan, Yana. Nagtatanong lang naman ako. "
Napangisi naman ako dahil doon. Then that's good. Mabuti 'yung nagkakaintindihan kaming dalawa. I don't know why pero ayokong sinisigawan nya ako. May part sa akin na parang nasasaktan?
Aish. Naguguluhan na ako.
She faked a cough. "Ano ba kasing pinagsasasabi mo riyan? Kita mong nanahahimik ako rito eh." Itinabi nya ang kanyang hawak na ballpen at ibinaling ang atensyon sa akin.
"Ang lakas din talaga ng trip mo noh? Paiba-iba rin ang mood mo. Kanina ang lapad-lapad ng ngiti mo tapos ngayon, galit ka naman." She added. Napahinto ako dahil doon.
Damn it! Then that means na nahuli nya akong ngumingiti? Pero bakit hindi ko man lang napansin 'yun?
"Sinasabi mo bang moody ako?" I slowly made my way towards her. Panic is visible on her face.
Gay Panic eh? Ang galing ko talaga. Alam kong may secret crush ang isang 'to sa akin. Well, hindi ko naman sya masisisi. I'm really gorgeous and fabulous.
"Hindi sa ganon, Yana..." Nararamdaman ko ang kinakabahan sya. "Atsaka bakit ka ba lumalapit sa akin ha? Lumayo ka nga."
Mas lalong tumaas ang confidence ko sa ginagawa ko ngayon. Ipinagpatuloy ko pa ang ginagawa ko. I placed both of my arms sa pagitan nya.
Now, kakaunti na lang ang distansya naming dalawa.
By now, gustong-gusto ko talaga ang nagiging epekto ko sa kanya. Damn. This is fun!
"Ayaw mo bang lumapit ako sayo, Arshen?" I said at pinalungkot pa ang aking boses.
"H-Huh? Hindi naman sa ganon per——" Hindi ko na sya pinatapos pang magsalita. I quickly sat on her lap.
"Siguro kasi much closer pa ang gusto mo, isn't it?"
I saw how her eyes widen in shock and her mouth gaped. I know, hindi nya ineexpect 'yung ginawa ko. Sorry for her, umiiral ang pagka-naughty ko ngayon. I'll gonna tease her for a while.
I started to run my hands on her seductively. Mukha atang hindi pa sya nakakarecover sa nangyayari.
"Anong masasabi mo, Arshen? Hmm..." I said and bit my lips. Kitang-kita ko kung paano bumaba ang kanyang tingin sa aking labi.
"Won't you give me a support?" Isa lang 'yung palusot. I'm pertaining to her hands. Dapat ay nakalagay na 'yun sa bewang ko.
"Ah... Okay. Here." At mabilis na pinulupot ang kanyang kamay sa aking bewang.
Wow. Nagugustuhan ko ang position namin ngayon. Ang sarap sa feeling. Most especially at wala akong suot na shirt.
May full access na si Arshen sa palagi nyang pinagdidiskitahan. Pero never nyang tinapunan ng tingin ang dibdib ko.
Because her eyes are fixed on mine.
"Yana, ang ganda mo. Sobra." She said with admiration in her eyes.
I felt flustered. Ramdam na ramdam ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko. Pati na rin ang pag-iinit ng aking pisngi.
"Alam ko. Matagal na. Tss." I said at nag-iwas ng tingin. Ugh! Bakit parang bumabalik sa akin 'yung ginagawa ko ha?
Suddenly, nabaling ang aking tingin sa kanyang labi. It looks tempting. Gusto kong mafeel uli 'yun.
I glanced at her eyes and it seems like parehas kami ng gustong mangyari.
Hindi ako nagdalawang isip na iangkala ang aking kamay sa kanyang batok. Agad kong pinagdampi ang aming mga labi.
Napapikit ako nang mariin. Damn. Ang lambot ng lips nya.
Just like what we did the last time, our lips stay still on their position. Hindi ko maiwasang mapakapit nang mahigpit kay Arshen when I felt that she's starting to caress my back.
Not in a sexy way pero nakakaturn-on! Gosh.
Suddenly, naisipan kong magbawi na. And so I leaved her there dumbfounded. Ang epic ng reaction nya sa totoo lang.
Our kiss lasted longer kung ikukumpara sa kiss na ginawa namin sa room nya. It's not that I'm complaining though. Wala munang kasamang tongue for the mean time.
Sa totoo lang, I want more. I want to feel her lips again. Gusto kong halikan nya ako uli.
Sad truth pero 'yun talaga ang gusto ng maharot na side ko.
Maybe because Arshen is my first.
Napailing na lang ako sa kawalan. I started to walk towards the kitchen at kinuha ang pizza. Well, binili ko 'to a while ago for us.
Tss. Baka magreklamo pa ang isang 'yun na hindi ko sya pinapakain noh.
Speaking of her, I hope naka-recover na sya sa ginawa ko. Dala-dala ang pizza, naglakad ako pababalik sa living room.
Automatic na napakunot-noo ako. Damn. Nakarecover na agad sya! Well, ang lapad na kasi ng ngiti nya habang nakatingin sa cellphone nya.
"Sino ba 'yang kausap mo?" Hindi ko alam kung bakit pero naiinis ako. I can feel that my heart's burning in rage.
"Ah.. Wala lang 'to." She said. Still, nakatuon pa rin ang kanyang atensyon sa kanyang cellphone.
Fuck it! Ayaw ko pa naman sa lahat 'yung wala sa akin ang atensyon nya! Gusto ko sa akin lang.
Marahas na ibinaba ko ang pizza sa table. Dahan-dahan akong umupo sa kanyang tabi at tinignan kung sino ang katext nya.
"Argh! Ang dami mong babae, Arshen!" Nangingitngit ang kalooban ko ngayon sa totoo lang. Jane ang name ng pangalan ng kausap nya ngayon.
Dati Laney at Luxxe then ngayon iba na naman?!
Don't tell me, balak nya akong isama sa collection nya huh?!
"H-Ha? Ano bang pinagsasasabi mo riyan?" Nakita kong natakot naman sya. Tinignan ko sya ng masama. As in napakasama.
Damn. Parang gusto kong manampal ngayon.
"Sino si Jane?"
"Kakatapos lang nating maghalikan tapos may iba ka kaagad?" Hindi ko maiwasang mainis. Ayus-ayusin nya lang talaga ang sagot. Kung hindi ay makakatikim sya sa akin.
"Kakasabi mo lang na kakatapos lang nating maghalikan pero galit ka na naman." Balik-ekstrahada nito sa akin.
I smacked her hard. "Wag mong ibalik sa akin ang tanong." Iniiba nya 'yung topic eh.
Nakita kong napakamot naman sya sa kanyang ulo. "Ano ba kasi 'yun? Si Jane ba? Ang mahaderang kapatid ko?"
Automatic na napatigil ako dahil doon. Did I heard it right? f**k. Seryoso ba sya?
Hindi makapaniwalang tinapunan ko sya ng tingin at mukhang hindi nga sya nagloloko.
I heaved a sigh at napatungo. Mygoodness! This is so embarrassing! Sobrang nakakahiya.
So all this time, naiinis ako sa hindi dapat? Damn.
"Bakit ka ba naiinis dyan? Ayun ba 'yun——" Hindi ko na sya pinatapos na magsalita dahil agad kong inilagay sa bibig nya ang isang slice ng pizza.
"Shut up! Eto, kainin mo."