Chapter 2: She Found Me

2067 Words
Yana's PoV: "Damn that girl! Nakakainis!" How dare her! Hindi man lang nag-iingat. Natapon tuloy sa akin 'yung coffee. Sayang ang silk dress ko. Ang ganda-ganda pa naman non and then namantyahan na. I groaned loudly. Argh. Nag-iinit ang ulo ko dahil sa kanya. Most especially when I remember the way she touched my chest. I know naman na hindi nya 'yun sinasadya. Pero napakalaking kasalanan non sa akin because she's the only one who did that to me! Ang p*****t nya! Pwede namang hindi mapunta roon ang kamay nya eh. Aish. My thoughts were interrupted nang biglang may nagbukas ng pintuan ng aking room. "What the hell is this huh?!" Humahangos na tanong ni Samantha. From the tone of her voice, alam kong galit sya. Oh by the way, she's my step-mother na never kong naging kasundo. She's really mean and I don't like her. She acts as if she's the superior in this house. Hindi ko na sinasabi pa kay Dad 'yung pinaggagagawa nya sa akin. Why bother though? Hindi nya naman ako pakikinggan dahil bulag sya sa kanyang so-called love. Tss. I just shrugged at bored na tinignan sya. "I don't know. Basta ang alam ko ay picture iyang hawak mo." She groaned in annoyance. "That's not what I mean! Bakit ka ba lumabas huh? At talagang nagpakita ka pa sa babaeng 'yun!" She exclaimed habang masamang nakatingin sa akin. Bahala syang magalit dyan. Wow. Nakuha nya agad 'yung tape ng CCTV for that day. Hmm... impressive. Pero ano pa bang i-eexpect ko? "You know na hindi ka dapat makita dahil masisira ang pangalan ng mall. Anong sasabihin nila? Na may monster na gumagala sa mall?" I clenched my fist. Sumusobra na sya. "Excuse me? You're the only one in this house who thinks that I'm a monster." "Obviously, I'm out that day to buy my precious coffee. Then napadaan ako sa nearby restroom to wash my hands then boom! That happened." I explained. Napangisi ako nang makitang parang napahiya sya. "So, what now? Tss. Bakit ba lagi ka na lang nakabantay sa ginagawa ko? Bodyguard ba kita?" I added. Para syang bulkan na anytime ay pwedeng sumabog. So fun to watch. Suddenly, napansin kong itinaas nya ang kanyang kamay na para bang isasampal ito sa akin. "Go on. Ituloy mo 'yan. Siguradong mas tripleng sakit ang ibibigay ko sa iyo." I'm just looking at her boredly. Her hand stopped in the air. Hindi ko 'yun sinalag. I can see the hesitation on her eyes. Well, she knows na gagawin ko kung anong sinabi ko. "Ayoko nang maulit pa ang pangyayaring 'to." She said instead. Tsk. Sayang. Hindi nya tinuloy. Miss ko nang manampal. Maya-maya pa, narinig ko na lang ang pagsarado ng aking pintuan. Finally! Wala na rin si Samantha. Mas lalong nadadagdagan ang init ng ulo ko kapag nakikita ko sya. Yana Coleen Del Fierro is my name. Kung naguguluhan kayo kung sino ba ako... I guess, wala naman na akong dapat pang sabihin sa inyo. I just shrugged at kinuha ang aking laptop. I opened the CCTV na nakapwesto noong araw na 'yun. Of course, ako pa ba mawawalan? Duh. I paused and zoomed it. Hindi dapat mawala sa isipan ko ang mukha ng babaeng 'yun. The girl with an addictive scent. So intoxicating. Pinagmasdan ko ang kanyang features. I can say na maganda sya pero mas maganda pa rin ako. Kung wala lang 'tong pesteng nasa mukha ko. I groaned in annoyance. "I need to find that girl! Ugh! Lagot talaga sya sa akin!" Arshen's PoV: Ilang araw na rin ang nakakalipas matapos ang krimen na 'yun. Oo, hanggang ngayon ay kina-classified ko pa rin syang krimen. Eh nakakamatay naman kasi 'yung ganda nya! Err... I mean, nakakamatay 'yung klase ng titig nya. Parang nagstay na lang ata sa utak ko 'yun at hindi na nabura pa. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang kakaibang bilis ng kabog ng puso ko. Siguro ay dahil sa kaba at takot. Nako po. Every time kasi na pinipikit ko ang mata ko, parang nagfaflashback bigla sa akin 'yung pangyayari. Mygoodness. Pano ba ito mawala huhu? Nagiging maingat na rin ako sa mga lakad ko. Aba, malay ko ba at baka mamaya ay nasa tabi-tabi lang si ate girl na nabangga ko. Lagot talaga ako kapag nagkita kami huhu. Pero hindi naman na mangyayari siguro 'yun. Ang laki-laki kaya ng mundo. At sa tingin ko ay nakalimutan nya na rin ako. "Huy!" "Ay monster na maganda!" I exclaimed. Napasapo ako bigla sa aking dibdib. Gosh. Nakakagulat naman 'yun. "Kakabasa mo kasi ng fantasy books 'yan. Matatanggap ko pa 'yung maganda pero mukha ba akong monster ha?" Nakataas-kilay na turan nitong kapatid ko. Kahit kelan ay paepal itong si Jane. Napaka-maattitude eh. "Ano bang kailangan mo rito ha?" Masungit kong tanong. "Kanina pa chat nang chat sa akin si Ate Luxxe. Nasaan ka na raw ba at inaantay ka na nila ni Ate Laney." Napakamot na lang ako sa aking ulo. May usapan nga pala kami ngayon na magkikita-kita uli kami. I'm so pre-occupied kasi, aish. "Okay fine. Sige na. Chupi ka na roon." Pagpapaalis ko kay Jane. Isang irap ang natanggap ko mula sa kanya bago tuluyang umalis. Aba't! Ang isang 'yon talaga oh. I heaved a sigh at hindi na lang sya pinansin pa. Ayoko kayang mastress. Nakakabawas 'yun sa pagiging cute ko. I glanced at the clock at halos mapamura ako nang makitang 3:05 pm na. Fudgee bar! 3:00 pm 'yung call time namin eh. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at nagsimula nang mag-ayos. Isang simpleng outfit pero pak na pak sa akin ang kinuha ko. I glanced at the mirror once I'm done. Ayoko na ngang magsalita pa ng kung ano. Baka maulit uli 'yung sa may restroom. Napalinga-linga ako sa paligid. Mukha atang umalis sila Mom at Dad ah. Itetext ko na lang sila later na umalis ako. Hindi pa ako nakakasakay ng aking sasakyan nang marinig kong tumunog ang aking cellphone. Nako po. Mukha atang kilala ko na kung sino man 'yun. Niready ko muna ang aking sarili bago sinagot ang tawag. [Hoy babaita, asan ka na ba ha? Kanina pa kami nandito] Hindi ko maidentify kung sino kila Laney at Luxxe 'yung nagsalita. Baka parehas sila. "Grabe naman. Namiss nyo agad ako?" [Che! No way!] I chuckled because of that. "Sige na. Don't worry dahil OTW naman na ako." They're about to say something nang ibinaba ko na agad ang tawag. For sure ay sesermonan pa ako ng dalawang 'yun. Mabilis akong sumakay sa aking sasakyan at nagdrive na patungo sa meeting place namin. Teka lang! Hindi ko maiwasang mapalunok nang mapansing papunta pala ako sa mall na pinangyarihan ng krimen. Oh shoot! Pero diba, mababa lang naman ang chance na magkita kami? Yeah, right. Ganon nga. When I reached my destination, agad akong nagpunta sa food court. Nandoon daw kasi silang dalawa. Hmm... Mukha atang marami-rami ang tao ngayon ah. Pero bakit parang ang daming couple ngayon? Huhu. Isa na namang pagkakataon na mapapasabi ako ng when kaya. Malayo pa lang ay kitang-kita ko na ang dalawa kong kaibigan na kumakain ng fries ng potato corner. At 'yung pinakamalaki pa talaga ha. I gulped. Nakakatakam tuloy. Mabilis akong naglakad papunta sa kinaroroonan nilang dalawa. "Oops! Bago nyo ko sermonan. Ito na 'yung usb at picture ni Nathan." Alam na alam ko na kasi ang ganitong scenario. Kitang-kita ko ang pagbabago ng kanilang mukha. Hihi. Ang galing ko talaga. I gave the usb to Laney at kay Luxxe naman ang picture ni Nathan. Crush nya 'yon eh. He's one of my classmates. Habang busy silang dalawa, dahan-dahan akong kumuha ng fries. Napapikit ako nang mariin. Owemji! Ang sarap talaga nya. Parang okay lang sa akin kahiy kainin ko ito sa araw-araw. AS USUAL, boys hunting na naman pala ang activity namin ngayon. Hay nako. Hindi man lang lumelevel-up eh. "Fren, ayun! Hindi mo bet?" "Fren, ang gwapo ni kuyang naka blue oh." Napailing na lang ako sa kawalan. Gusto talaga nila akong mahanapan ng crush. Kahit kasi ako ay hindi ko alam kung anong type ko. Ewan ko ba. Ang hirap kasi iexplain. Parang bigla mo na lang syang mararamdaman. Suddenly, isang tao ang nakakuha ng atensyon ko. I can say that she's a girl kahit na nakahoodie sya. Wala lang. Magaling akong manghula eh. Hindi ko alam kung bakit hindi maalis 'yung mata ko sa kanya hanggang sa papalapit na sya sa direksyon namin. Pakiramdam ko'y nahigit ko bigla ang aking hininga nang bigla syang nag-angat ng tingin. Nagtama ang mata naming dalawa. Oh no! Mygoodness! Bakit naman ganto? She's the girl na nakasagupa ko sa restroom! Ramdam na ramdam ko ang kakaibang pagbilis ng t***k ng puso ko. Siguro ay dahil sa kaba. She's staring at me intently. Diretso lamang ang kanyang tingin sa akin. I gulped. "M-Mga fren, pupunta lang ako ng CR ha." Hindi ko na inantay pa ang kanilang sagot. Mabilis akong tumayo at naglakad papaalis. Hinayaan ko na lang na gumalaw ang aking paa at dinala ako nito sa kung saan. Napalinga-linga naman ako sa paligid. Whoo! Mukha atang nailigaw ko na— "Where do you think you're going huh?" Naestatwa ako bigla dahil doon. T-That voice. Hindi ako pwedeng magkamali. Dahan-dahan akong tumingin sa pinanggalingan ng nagsalita. And there, I saw her. Napakasama ng tinging ipinupukol nya sa akin. Hindi pa ako nakakaalma nang maramdaman kong hinawakan nya ang aking kamay at sinimulan akong kaladkarin papunta sa kung saan. Gusto kong magprotesta. Pero napukaw ng atensyon ko ang isang feeling na hindi ko maexplain. Para akong nakukuryente. Fudgee bar! May superpower ba ang isang ito ha? I noticed that we entered a room. Asan na ba kami ha? "Sit." She said. Isang salita lang pero mabilis na napasunod nya ako. Ano bang meron sa babaeng ito ha? Ano bang gagawin namin dito? Nanlaki bigla ang aking mata nang makitang mabilis nyang tinanggal ang kanyang suot na pang-itaas. "H-Huy! Bakit mo tinatanggal yan? Pwede kitang kasuhan ng r**e!" I exclaimed. Gosh. Naningkit bigla ang kanyang mata. She started to make her way towards me. Bago pa magkasala ang aking precious eyes, agad ko na itong tinakpan gamit ang mighty hands ko. "What the hell are you saying? Sa ganda kong ito? Hindi ba't parang baliktad huh? Kung titignan ay ikaw ang mas mukhang gagawa non sa akin." I can hear her voice nearby. So that means, malapit na sya sa akin. I pouted because of that. Grabe naman ang isang ito huhu. "Bakit ba tinatakpan mo iyang mata mo ha?" She asked. "Maybe you're scared na makita ang pagmumukha ko. You think that I'm a freak, right?" Now, mahihimigan na ang pagkainis sa kanyang boses. Mabilis akong umiling. "Hindi sa ganon." "Then what is it huh?" She asked. Marahas nyang tinanggal ang aking kamay na nakalagay sa aking mata. "Syempre, ayaw kong magkasala!" I said at saktong-sakto na naglanding ang aking tingin sa kanyang dibdib. Automatic na napaiwas ako ng tingin. Grabe na 'to huhu. "Sinisigawan mo ba ako huh?" Mataray nitong tanong. "H-Hindi ah." Mabilis kong sagot. "Ano ba kasing kailangan mo sa akin?" Kitang-kita ko ang pagguhit ng ngisi sa kanyang labi. "Be my slave or I'll make you suffer." I gulped."Huh? Paano kapag wala sa dalawa 'yung gusto ko?" "Eh ano bang gusto mo?" "Syempre ikaw." Natuptop ko bigla ang aking bibig. Kung ano-ano na lang ang lumalabas eh. "Este wala! Hindi ba pwedeng kalimutan mo na lang yung nangyari?" "You want this?" She asked at itinaas pa ang kanyang kamao. I gulped at mabilis na umiling. By the looks of it ay talagang gagawin ni ate girl kung anong sinabi nya. Mukha pa namang malakas manuntok ang isang 'to. Edi kawawa naman ang cute na face ko kapag nagkataon. "Good. Now choose. Be wise. Hindi mo alam kung anong kaya kong gawin." Saad nya at nagcross-arms pa. "Gusto kong malaman para aware ako sa anong kaya mong gawin." Sukat doon ay kitang-kita ko ang pagbabato nya ng matatalim na tingin sa akin. "For pete's sake! Just choose. Kawawa naman si Luxxe at Laney kapag nadamay sila sa away natin." Napahinto ako dahil doon. How did she knew their names? I bit my lips. Mygoodness. This is serious. Kailangan ko ngang maging maingat sa desisyon ko. Napapikit ako nang mariin. "Okay fine. I'll be your slave."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD