Arshen's PoV:
"Okay fine. I'll be your slave."
Kitang-kita ko ang paglawak ng ngisi mula sa kanyang labi. I don't know why pero feeling ko ay may namumuo ng plano sa kanyang isip.
Hindi ko maiwasang mapalunok. Uh-oh. Mukha atang napasubo ako rito. Sana naman ay hindi ako magsisi sa ginawa kong desisyon. Yeah, right. Para sa mga frenny ko.
Nako. Dapat maging thankful sila sa akin. Hmp. Kailangan nila akong ilibre ng fries.
My thoughts were interrupted when I heard that someone is laughing. At mukha atang alam ko na kung sino 'yun.
Etong si ate girl lang naman ang kasama ko ngayon eh.
Mas lalong nadagdagan ang kabang nararamdaman ko dahil doon. Oh scratch that, baka nga takot na ito eh huhu.
But aside from that, I can't help but to be fascinated with her. Wala lang. Ang cute nya kasing tumawa.
Parang witch na natutuwa sa ginagawa nyang spell.
Ilang minuto na ang lumilipas, mabuti naman at tumigil na rin sya. Pero hindi pa rin natatanggal ang ngisi sa kanyang labi.
Napakamot na lang ako sa aking ulo. May sayad ba ang isang ito?
I faked a cough.
"Pwede na ba akong umalis? Nakapamili na rin naman na ako sa choices mo eh." Diba 'yun lang naman ang gusto nyang mangyari kaya hinila nya ako rito?
I saw how her expression changed. May nasabi ba akong mali?
"You think na ayun na 'yon? Tss." Masungit nitong turan. Napakunot-noo naman ako. Ano bang ibig nyang sabihin ha?
"Cook. Magluto ka ng food. I'm hungry." Dagdag pa nito. Realization hits me. Asdfghjkl! Ano bang klase 'yan?
What the fork? Seryoso ba sya roon?
I glanced at her upang malaman kung niloloko nya lamang ako pero hindi, seryoso kasi ang face nya. Hmp. Ang ganda pa rin. Kainis.
"W-What are you saying? Start na agad ako ngayon? Hindi ba pwedeng sa susunod na araw na lang?" Sunod-sunod kong tanong. Grabe, wala man lang orientation.
"Are you deaf? Hindi mo ba narinig 'yung sinabi ko ha?" Maattitude nitong tanong sa akin. "I said, magluto ka."
"Ang bossy ha." I whispered at umiling pa sa kawalan.
"Bakit? May angal ka ba?" She said suddenly. Nako po, mukha atang narinig nya 'yung sinabi ko huhu. Ang talas naman ng pandinig nya.
Pilit akong napangiti. "W-Wala hehehe... Sabi ko nga, gagawin ko na 'yung sinabi mo."
I heaved a sigh. Mukha atang wala akong kawala sa isang ito ah. Napalinga-linga naman ako sa paligid upang malaman kung nasaan ba ang kitchen ng isang ito.
When suddenly, an idea crossed my mind.
Tama! Dapat tumakas na lang ako. Lihim akong napangisi.
Matamang pinagmasdan ko naman ang babaeng kasama ko ngayon. At nang makahanap ng tyempo, mabilis akong tumakbo papunta sa pintong pinasukan namin kanina.
I smiled. Bwahahaha... Ang talino ko talaga.
Agad kong pinihit ang doorknob. Unti-unting nawala ang aking ngiti nang mapansing hindi ito mapihit. What the fork?! Pano ba ito?
"You really think na makakaalis ka, right? Jokes on you dahil naka-lock ang pintuan at ako lang ang may alam kung paano 'yan mabubuksan."
I bit my lips. Nako po. Naloko na. Dahan-dahan akong nagbaling ng tingin. And there I saw her, smirking mischievously.
"Tsk. Tsk. Tsk. Such a hard-headed woman." Hmp. Meron bang soft ha? Hindi ko alam kung matatawa ba ako eh.
"Isang pindot lang, pwede ko na kayong tawaging shoplifter ng mga kaibigan mo." She said at itinaas ang kanyang cellphone. I can say na isa itong article na ready na ngang ipublish. Isang sikat na website pa naman 'yun.
Mygoodness. Then that means, marami ang makakakilala sa amin?
Pero hindi dapat ako magpasindak sa kanya. Siguro ay may iba pang paraan. Tama.
"Tulong! Tulong! Kawawa ang cute na si ako sa babaeng ito!" Sigaw ko. Bakit ba kasi hindi ko 'to ginawa kanina ha?
"Ugh! Shut up!" Alam kong naririndi na sya sa boses ko pero wala akong pake. "Kapag hindi ka manahimik dyan, tatakpan ko 'yang bibig mo at itatali kita."
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o hindi sa sinabi nya. Seryoso ba ang isang 'to?
"Really? Eh anong gagamitin mo?" Mapanghamon kong turan sa kanya. Che! Baka mamaya ay tinatakot lang ako ng isang ito.
Bored lang ako nitong tinitignan. "Ayun oh."
Hindi ko maiwasang mapalunok nang makita ang isang tali. Oh my goodness! Hindi nga sya nagbibiro huhu.
I heaved a sigh. Wala na talaga akong lusot sa isang ito. No choice kumbaga.
"Okay fine. Ipagluluto na kita, MAHAL na reyna." I said while emphasizing the word 'mahal'.
Nakita kong napaiwas sya bigla ng tingin. Anong nangyari sa isang 'to?
Hindi na sya nagsalita pa. Nakita kong umupo na lang sya sa couch at nagsimulang manood ng TV.
Agad akong nagpunta sa kitchen nya. Infairness, ang ganda nitong kinalalagyan ko ngayon ha. Para syang isang bahay dahil kompleto na lahat. Ang laki nya nga rin eh.
Hindi ko tuloy alam kung nasa loob pa ba ako ng mall o hindi na.
I shooked my head at sinimulan nang gawin ang inutos ng aking mahal na reyna. Tamang-tama at may mga ingredients naman sya rito.
Siguro ay adobo na lang ang lulutuin ko. Okay na rin 'yun at mabilis lang.
While cooking, nagflashback bigla sa akin ang mukha ni ate girl na kinidnap ako.
I can't help but to wonder kung ano ba 'yung nasa mukha nya. Scar? Pero parang hindi eh. Hindi ko maexplain. Isa na rin 'yung sa right eye nya. Parang katulad ng sa ahas?
Owemji!
Don't tell me, kalahi nya si Zuma at ready na akong patayin any minute?
Aba, hhindi ako papayag noh. Mabuti na lang talaga at may kunti akong kaalaman sa self-defense kaya medyo knows ko ang gagawin.
Minutes later, I'm done na rin. So I called her na. "Tapos na ako. Let's eat."
Katahimikan ang namayani sa aming dalawa. Hindi ko tuloy alam kung mag-oopen ba ako ng topic sa kanya o hindi.
Pero baka kasi kapag nagsalita ako, itarak nya na lang bigla ang hawak nyang tinidor sa akin huhu.
So in the end, I decided na itikom na lang ang aking bibig.
"Now clean these mess." She said matapos naming kumain. Medyo expected ko na 'yun kaya walang imik ko syang sinunod.
I thought na 'yung pinagkainan lang namin ang lilinisin ko pero hindi pala. Hindi naman ako na-inform na pati 'yung living room nya ay kasama.
Hindi ako matapos-tapos dahil panay ang pagkakalat nya. I gave her my death glare pero ang siste, ayun tinaasan lang ako ng kilay at inirapan pa talaga ako. Hmp.
At dahil kalahi ko si wonder-woman. Ayun at natapos ko na rin agad hihi.
"Sit here." She said while tapping the couch. Napakunot-noo naman ako. Gusto nya hang magtabi kami?
Kahit naguguluhan ay sinunod ko pa rin sya. Syempre ang mahal na reyna ang batas. But I made sure na may distansya pa rin naman sa pagitan naming dalawa.
Pasimple ko syang tinatapunan ng tingin. Halatang seryoso syang nanunuod ng TV.
I just found myself staring at her intently. More like admiring her. I can say that her skin is soft. Ang tangos ng ilong nya. And her lips, parang nang-iinvite.
Ugh! Control yourself, Arshen! Umiiral na naman ang gay hormones mo!
Napailing na lang ako sa kawalan at itinuon na ang aking atensyon sa aking cellphone. Kitang-kita ko na napakaraming text at chats ang galing sa aking dalawang frenny.
Sa susunod ko na nga lang 'yun titignan isa-isa. Naiistress ako eh. Mag-iisip pa muna ako nang irereply sa kanila. Alangan namang sabihin ko na kinidnap ako nitong si ate girl diba?
LUMALALIM na ang gabi pero nandito pa rin ako sa kung saan man 'to. Nawili na lang ako kakalaro na hindi ko namalayan ang oras.
I glanced at her. Busy pa rin sya kakanood pero ngayon ay nakacross na ang kanyang dalawang kamay.
"H-Huy, ate girl. Aalis na ako. Gabi na. Baka hinahanap na ako sa amin." Anong oras na rin kasi.
Tumingin sya sa akin. "Nope. Hindi ka aalis. Dito ka lang."
Napakamot na lang ako sa aking ulo. "Bakit hindi mo naman sinabi na gusto mong magsleep-over ako rito?" I asked. Edi sana nakapagpaalam ako diba?
Sinamaan nya ako ng tingin. "Shut up. This is one of your punishment."
Napangiwi naman ako dahil doon.
"Ang lupit mo namang magparusa." I said. Wala na akong pakielam kung marinig nya ba 'yun o hindi.
"Ugh! I'm tired dealing with you. I need to rest." Naghuhurumentado nitong saad at pumasok sa isang room.
Napanguso naman ako dahil doon. Ako rin, tired. Hayst. Saan naman kaya ako matutulog nito?
Wala sa loob akong humilata sa may couch. Wow, infairness ang sarap higaan ah.
I closed my eyes.
Pero ilang minuto na ang nakakalipas ngunit hindi pa rin ako napupunta sa aking dreamland.
I groaned. Ano bang kailangan kong gawin?
Suddenly, nabaling ang aking tingin sa room na pinasukan ni ate girl.
Hmm... Tulog na kaya sya? Wala naman sigurong masama kung ichecheck ko diba?
I heaved a sigh at sinunod ang kung anong gusto ko. At hindi nga ako nagkamali dahil Knock-Out na sya.
I bit my lips. Is there any chance na pwede akong tumabi sa kanya? Malaki naman 'yung bed atsaka wala namang malisya 'yun.
Dahan-dahan akong humiga sa kanyang tabi. Napapikit ako nang mariin.
Heaven! Ang sarap sa feeling.
Parang magic na dinalaw ako bigla ng antok.
"Goodnight, mahal na reyna."
_____//_____
I know naman nasa aking dreamland ako ngayon. Natulog kaya ako duh.
Isang bagay ngayon ang hawak-hawak ko. Wow, ang lambot. Parang marshmallow.
Mas pinag-igihan ko pa ang paghawak sa bagay na ito.
Natutuwa ako huhu. Ang soft nya kasi hihi.
When suddenly, naramdaman ko na lang na nahulog ako.
*Blag!*
Sapo-sapo ko ngayon ang aking likod. Grabe naman. Ang gandang bungad sa umaga. Sino bang walang habas ang sumipa sa akin ha?
Napaangat ako ng tingin at doon, nasalubong ko ang nag-aalab na tingin ng babaeng kumidnap sa akin kahapon.
"Argh! Napaka-p*****t mo talaga!" She exclaimed. Pulang-pula na ngayon ang buong mukha nya.
"Ano bang sinasabi mo riyan? Hindi naman kita ginagalaw ah." Depensa ko pa. May saltik ba 'to?
"Damn you! You just freaking touched my babies!" Galit na galit nitong saad.
Eh? Ano ba kasi 'yun—
Wait. Don't tell me, 'yung chest nya ang hinahawak ko kanina ha? Lagot na talaga ako nito huhu.
I gulped. "H-Huy wala naman akong nahawakan eh! Atsaka kasalanan ko bang marshmallow 'yung napanaginipan kong kinakapa ha?"
Automatic na isang unan ang nakita kong lumilipad. Huli na nang mapagtanto kong papunta pala ito sa aking direksyon.
Kaya ayun. Sapul na sapul ako. Grabe na talaga ito huhu.
She groaned in annoyance. Mukha atang ayaw na nyang makipagtalo pa. Aba, maganda 'yun ah.
Nakita kong tumayo na sya at nagsimulang maglakad.
I can't help but to stare at her back. Wow. I can see her exquisite curves. Aish. Hindi ba nilalamig ang isang ito?
"Hoy ikaw! Career na career mo talaga ang pagiging bench body mo noh?" Masungit kong turan sa kanya.
Talagang hindi na kasi sya naglagay ng kung ano pa man sa kanyang pang-itaas. Tanging 'yung lacey b*a lang ang suot nya.
"Ano bang pake mo? Ang sexy-sexy ko kaya, duh." Mataray nitong turan matapos humarap sa akin. Oo nga, I agree with you. You really have a good body. hmp.
"Don't tell me, nadidistract ka sa akin? Is that it?"
"Oo tama ka—— err hindi ah!" Aish. Muntik na ako roon ah. Mabuti na lang at gumana agad ang aking brain hihi.
"Bakit naman ako madidistract eh meron din naman ako nyan? Atsaka, hindi ka sexy noh. Ang payat mo kaya. Konti na lang ay makikita na 'yung ribs mo oh."
Kumakain pa ba ang isang 'to ha? Para kasing hindi. Flat na flat 'yung tummy nya.
"Sa ating dalawa, ako kaya 'yung sexy." I said in a duh tone.
Matatalim ang mga tinging ipinupukol nito sa akin. Hmp. Hindi na ako matatakot dyan.
"Hindi ka lang pala p*****t, ang hangin mo ring tao."
Aba't! Hindi nga sabi ako p*****t eh! I was about to say something nang magsalita syang muli.
I glanced at the clock. Halos mapamura ako nang makita kung anong oras na.
Mabilis akong nagpunta sa CR ni ate girl. Ginawa ko na ang aking morning routine. Wala na akong pake kung anong sasabihin nya.
"Look, kailangan ko nang umuwi. Hinahanap na ako sa amin." Pag-eexplain ko. Siguradong gegerahin na ako ni Mom nito.
"Kumain ka muna." Masungit nitong turan. Lihim akong napangiti. Concern ba ang isang ito?
I faked a cough. "Ah... Eh... Hindi na. I really need to leave."
Napaisip sya bigla.
"Okay fine. Use that door." She said at itinuro ang isang direksyon. Ang gara, hindi ko man lang napansin na may pintuan pala doon.
I quickly gathered all my things. Masaya akong naglakad. Whoo! Makakaalis na rin ako. Madali lang palang kausap si ate girl eh.
Paalis na sana ako nang marinig kong nagsalita syang muli.
"Just don't forget that you're my slave, Arshen."
_____//_____