Chapter 4: Playful Destiny

1838 Words
Arshen's PoV: Hindi ko maiwasang mapalunok nang makita na nakalock pa 'yung gate namin. Ayos! Mukha atang wala pang gising ni isa sa amin. Ganon kasi 'yun. Siguro, I'll take that as an advantage na rin. Hmm... Ang tanong, paano ako makakapasok sa loob? Aha! Alam ko na! Aakyatin ko na lang 'yun. Yeah, right. Kaya ko naman. Tutal kalahi ko rin si Spiderman. Kayang-kaya ko na umakyat kahit saan. I heaved a sigh at niready muna ang aking sarili. "1...2...3." Pagbubuwelo ko. At makalipas ang ilang sandali, matiwasay na nakapasok na agad ako. Malawak akong napangiti dahil doon. Sanayan nga lang talaga. Ganto kasi ako kapag tumatakas. If you know what I mean. Pasipol-sipol pa akong naglalakad papunta sa front door. Meron akong susi nyan kaya hindi ko na kailangan pang mag-alala. Agad kong binuksan ang pintuan. Aaaahhh! Finally, makakahiga na rin ako sa bed ko. Namiss ko 'yun bigla. Mabuti na lang talaga at walang pasok ngayon. Automatic na napahinto ako nang makita ang isang pares ng paa ang nakatayo sa aking harapan. I slowly looked at the owner of them. Pakiramdam ko'y nahigit ko bigla ang aking hininga nang mapagtanto na si Mom pala 'yun. "Bakit ngayon ka lang?" Ang unang tirada nito. Nakacross ang kanyang dalawang kamay. "Dumating sa buhay ko?" I said suddenly. Mas lalong sumama ang tinging ipinupukol nya sa akin. "Hindi ako nakikipagbiruan, Leigh!" Napangiwi naman ako dahil doon. Nako po. Naloko na. Tinawag na ako ni Mom sa second name ko. Kailangan kong magready. "A-Ano kasi, Mom..." Aish. Anong sasabihin ko? "Nakidnap ako, Mom! Nakidnap ako kaya hindi ako nakauwi agad huhu." Todo-todong acting na ang ginagawa ko ngayon. "Eh bakit nandito ka at nakauwi ka pa kung nakidnap ka ha?" Nakakunot-noo nitong tanong. I bit my lips. Oo nga noh? Para namang isang detective si Mom at talagang inuusisa ako sa nangyari. Ano nang sasabihin ko nito? Mukha atang hindi effective 'yung kidnap thingy ah. Hayst. Akala ko talaga ay hindi na ako papaalisin ni ate girl huhu. Okay lang naman sa akin basta kasama ko sya. Charot lang hihi. Umiiral na naman ang kaharutan ko sa katawan. Ugh! Ano bang nangyayari sa akin ha? Sa pagkakaalam ko ay hindi naman ako ganto. "Joke lang naman, Mom. Nakisleep-over talaga ako sa isa kong frenny." I said at pinasigla pa ang aking boses. "Bakit hindi ka man lang nagtext sa akin at ininform na hindi ka pala uuwi?" May himig pa rin ng pagtataka sa kanyang tono She's staring at me intently na para bang tinatantya kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi. "Masyado kasi akong nawili kakachika sa kanya kaya ayun, nakalimutan ko na kayong itext." She heaved a sigh at lihim akong napahiyaw. That means kasi na pasok ang explanation ko sa kanya. "Sa susunod, ayus-ayusin mo iyang palusot mo, Arshen. Yung kapani-paniwala naman ha." She said. Paano kaya kapag sinabi kong hindi ako nagbibiro? "Tss. Alam naman naming hindi ka mateteen-nap dahil ang laki-laki mo na kaya. At ano bang pag-iinteresan nila sayo?" Napanguso naman ako dahil doon. Grabe naman si Mom huhu. Ang cute-cute ko kaya. At ayun ang pag-iinteresan nila. Pero iba nga lang 'yung kay ate girl. She's interested with me dahil gusto nya akong parusahan. Mygoodness. "Oh sige! Lusot ka na. Pasok sa loob." Tuluyan nang napangiti ako ng malawak dahil doon. Finally! Akala ko ay kailangan ko pang idaan sa aking precious acting skills to eh. Masayang naglakad ako papunta sa aking room. Before I forgot, kailangan ko pa palang replyan ang aking nga frenny. Feeling ko ay sasabog na ang aking inbox dahil sa dami ng text nila. Panay na rin kasi ang vibrate nitong cellphone ko. For sure ay makikisagap ng chika ang aking mga tropapips. Siguro, 'yun na lang uli ang gagawin kong excuse. Alangan namang sabihin kong nateen-nap ako, right? But before of anything else, kailangan ko muna sigurong matulog. Kanina pa kasi ako inaantok eh. Kahit kakagising ko pa lang. Bitin kase ang sleep ko. Nako, nakakabawas 'yun sa aking ka cute-an. I closed my eyes. Pero ang imahe ng babaeng nakasagupa ko ang pumapasok sa aking utak. Napapikit ako nang mariin at pinilit na paalisin sya. Ilang minuto na ang nakakalipas pero nakikita ko pa rin ang nukha nya. Okay sana kung nakangiti pero ang sama-sama ng tingin nya sa akin. I groaned in annoyance. Kinuha ko ang aking cellphone. Try ko nga syang hanapin sa f*******: o kaya sa google. "Hmm... Babae sa mall." Iyan ang nilagay ko sa search bar. Nako po, ang daming lumabas. Ibahin ko nga. "Aha! Magandang babae sa mall." Ganon pa rin. Marami pa ring lumabas. Suddenly, may naalala ako. Pwede ko 'yung gamitin. "Girl with a reptile eye." 'Yung right eye nya diba? Hindi ako nagkakamali. But bigo pa rin ako. May nabasa ako na rare ang magkaroon ng ganoong mata. Napailing na lang ako sa kawalan. I should stop this. Nahihibang na ata ako. Ugh! Mahal na reyna, lubayan mo ako! "AISH. Umaga na naman pala." I said suddenly nang marinig kong tumunog ang aking alarm clock. Kahit malaki na ako ay gumagamit pa rin ako ng ganto cause why not? Kahit tinatamad, kailangan kong bumangon dahil may pasok pa kami ngayon. Aba! Sayang kaya ang perfect attendance ko noh. I quckly composed myself at ginawa na ang dapat kong gawin. Niready ko na ang aking sarili. Ang refreshing talaga sa pakiramdam kapag naliligo ka. I took a last glimpse of myself on the mirror. Ang cute mo talaga, Arshen! Perfect na sana kung may partner na ako eh. Hayst. Lord, kelan ba dadating 'yung para sa akin? Huhuhu. I gathered my things that I need at nagsimula nang bumaba. I noticed na nandoon na ang parents ko and they're happily chitchatting with each other. "Good Morning!" Magiliw kong bati sa kanila. "Kumain ka na, Sweetie." My Dad said. Mas mabait sya kung ikukumpara kay Mom hahaha. "Tama ang Daddy mo. Baka malate ka." I nodded my head at masayang kinain ang aking breakfast. Wow. Mukha atang wala si Jane rito ah. Tamang-tama. Ayaw ko kayang masira ng demonyita ang araw ko. "Bye, Mom and Dad. Gogora na ako." Pagpapaalam ko sa aking parents nang matapos ako. I kissed both of their cheeks bago tuluyang umalis na. I used my car at nagsimula nang magdrive papunta sa University na pinapasukan ko. Malayo pa lang pero tanaw na tanaw ko na ang aking dalawang kaibigan. "Buti naman at dumating ka na." Luxxe said. "Oo nga, akala namin ay malelate ka na naman." Dagdag pa ni Laney. Napakamot na lang ako sa aking ulo. "By the way, totoo ba 'yun na may girlfriend na raw si Markus?" I asked nang maalala ko bigla. They both nodded their head. "Oo, fren! Finally!" Hindi ko maiwasang matuwa dahil doon. "Then that means, titigilan ka na nya." If you're wondering kung sino man ang lalaking 'yun, isa sya sa mga nangungulit sa akin. Mabuti na lang talaga at may girlfriend na sya. We're chitchatting with each other nang makarinig ako bigla nang chismisan nitong mga kapwa ko students. They're talking with something or someone and that's for sure. Napalinga-linga naman ako sa paligid at nakita na nakatingin sila sa iisang direksyon. "Sinong poging wonder pets ba ang pinagkakaguluhan nila roon?" Nakakunot-noo kong tanong. They both chuckled. "Gaga, hindi 'yun poging wonder pets kung hindi magandang girlalu." "Ang ganda nya talaga noh?" "Oo nga, I hope na maging girlfriend ko sya." "Asa ka, bro! Ni wala ngang pumapasa sa nagtatangkang manligaw sa kanya." Mas lalong nadagdagan ang takang nararamdaman ko. Sino ba kasi 'yun? Nakakacurious kasi eh. Ganon ba talaga sya kaganda ha? "Hindi mo sya kilala, Arshen?" "Mukha bang magtatanong ako kung kilala ko?" Sarcastic kong tanong. Narinig kong napatawa naman silang dalawa. "Okay, okay chill." They said na para bang sumusuko. Luxxe faked a cough. "That girl na pinag-uusapan nila, she's Yana Coleen Del Fierro. She's one of the popular girls here. Ang ganda nya, 'yun nga lang ay napaka-snobber." "I can't believe na hindi mo sya kilala, Arshen." Naiiling na saad ni Laney. "Malay mo, sya na pala 'yung the one mo." Dagdag nya pa. Napaubo naman ako dahil doon. Ano bang sinasabi nya ha? "Che! Straight as a pasta nga ako." Saad ko sa kanila. Muling ibinaling ko ang tingin sa mga students. I really tried my best para maaninagan kung sino ba ang pinag-uusapan nila. Baka kasi kilala ko diba pero hindi ko lang alam 'yung pangalan. Madalas kasing mangyari 'yu— Oh shoot! Is this for real? Automatic na nanlaki ang aking mata nang makitang muli ang babaeng nakasagupa ko sa mall. I gulped. Is she the girl they're talking about? Pakiramdam ko'y nahigit ko bigla ang aking hininga. I'm doomed! Wala na ata akong takas sa kanya huhu. Destiny, bakit ka ba nakikipaglaro sa akin ha? Jowa 'yung kailangan ko pero bakit kaaway ang binigay mo sa akin? Bago pa magtama ang aming mata, mabilis akong nag-iwas ng tingin. Iniyuko ko rin ang aking ulo. Mas maganda na 'yung nag-iingat. Ayoko nang mapasama pa sa g**o eh. "Ahm... Guys, tara. Baka malate na tayo sa klase natin." I said to them. Napatango-tango naman silang dalawa biglang sagot. DAYS HAVE PASSED, so far ay matiwasay naman ang naging buhay ko. Walang naging conflicts which is good. I really tried my best to avoid Yana. Shems, nakiki-Yana na ako. Well, she's the girl na nakasagupa ko nga noon. A.K.A. mahal na reyna. Naging mas maingat na ang aking galaw dahil nga iisang University ang pinapasukan namin. May chance na magkita kami bigla at 'yun ang iniiwasan ko. Nagiging mas aware ako sa paligid ko. Kapag sa cafeteria naman ay lagi kong tinatakpan ng libro ang aking mukha para if ever na nandoon din sya, hindi nya ako makita. Papunta ako ngayon ng restroom. Actually, dapat ay nasa parking lot na ako ngayon. Pero kasi, hindi nakaayos 'yung tie ko. I need a mirror to fix it kasi. When I reached the rest room, napansin kong wala ng students ang nandon. Maybe umuwi na sila. Kanina pa kasi ang dismissal time. Agad kong ginawa ang dapat kong gawin. Mabuti na lang talaga at natuto na akong mag-ayos ng tie namin hihi. Ilang sandali ang nakalipas and tada! Tapos na rin ako. I'm humming habang naghuhugas ng kamay. When suddenly, isang presensya ang naramdaman ko sa aking likuran. Napakalakas nito. Hindi ko maiwasang mapalunok at mahintakutan bigla. Sino to? Wala naman akong nakitang students... So multo 'to? Napagdesisyunan kong wag na lamang tignan sa salamin kung sino 'yun. Pinanatili kong nakayuko ang aking ulo. I heaved a sigh. Kailangan kong makaalis dito. I gathered all my strength and courage at mabilis na tumakbo. Malapit na ako sa pintuan nang maramdaman kong isang kamay ang humawak sa aking pulsuhan. Madiin ang pagkakahawak nito. "Leaving so soon, Arshen? You really thought na hindi na ulit tayo magkikita, right?" That voice. Kilala ko kung kanino yun! Ugh! Bakit ba kasi mapaglaro si Destiny?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD