Arshen's PoV:
Hindi pa tumutunog ang alarm clock ko pero gising na ako. Actually, kanina pa ako gising. Nakahilata lang talaga ako rito sa kama ko. Wala eh. Ang sarap kayang humiga lang. Nakakatamad gumalaw.
Minutes later, I decided na bumangon na.
"Aaahh... Rise and shine, Arshen Cutie." Masayang turan ko sa aking sarili. It's really great na simulan mo ang araw sa good vibes para tuloy-tuloy na sa buong araw.
Nabasa ko lang 'yan. Itatry ko kung gagana ba sa akin.
I checked my face on the mirror at hindi ko maiwasang mapangiti. Ewan ko ba at parang good mood talaga ako ngayon.
Maya-maya pa ay napagdesisyunan ko nang gawin ang aking morning routine. I fixed at niready na ang aking sarili para sa school.
Well, schooldays kasi ngayon.
I don't have anything to worry dahil tapos ko naman na ang dapat ipasa. As a student, ayokong natatambakan ng mga gawain. Kaya as much as possible ay ginawa ko na ang mga kailangan.
Pasipol-sipol pa akong bumababa sa hagdanan. I'm heading to the dining room para kainin na ang aking breakfast. 'Yun na lang ang kulang ko at ako'y gogora na talaga.
"Good Morning Mom, Good Morning Dad." Magiliw kong bati sa aking parents and kissed both of their cheeks. I sat on the chair.
"Si Jane, Mom? Umalis na?" Pag-iintriga ko sa mahadera kong kapatid. Hindi ko pa kasi sya nakikita mula kanina.
"Nako. Siguro ay tulog pa ang isang 'yon hanggang ngayon. Mamaya pa naman daw kasi ang pasok nila." My mom answered.
Napanguso naman ako dahil doon. Hmp. Ang unfair naman non. Dapat kami rin eh. Hmp. Dibale mamaya pag-uwi ko, itutuloy ko ang aking cutie sleep para makabawi.
Napailing na lang ako sa kawalan at sinimulan nang kainin ang aking breakfast.
"Sweetie, mukha atang maganda ang gising mo ah." Napa-angat ako ng tingin nang marinig kong nagsalita si Mom.
I just shrugged. "May nabasa po kasi akong magandang story kagabi." Pag-eexplain ko.
Suddenly, nakita ko ang pagguhit ng ngisi sa kanyang labi.
"O baka naman kasi may nagpapasaya na sayo, Sweetie." Mapaglarong saad nya.
In an instance, biglang nagpop-out sa isipan ko ang mukha ng kalahi ni Zuma. At as usual, masama na naman ang tinging ibinabato nya sa akin.
Ugh. Kelan ba sya papasok sa isipan ko na nakangiti ha?
"Huy, napaisip sya bigla." Nanunudyong saad ni Dad. "D-Dad, naman!" Aish. Pati ba naman sya?
I bit my lips. Nahihibang na siguro ako. Kung ano-ano na lang pumapasok sa isipan ko. Ang lawak na siguro ng imagination ko.
Suddenly, narinig kong tumunog ang aking cellphone indicating na may tumatawag. Agad ko itong kinuha mula sa aking bulsa.
Hindi ko maiwasang mapakunot-noo nang makitang unknown number ang caller.
Sino naman kaya 'tong tumatawag sa akin ng gantong oras? Ang mga frenny ko ba? Pero kasi may pangalan naman sila rito sa contact ko.
I didn't hesitate to press the answer button.
"Hello? Sino 'to?" Ang unang pambungad ko. Baka naman kasi nawrong-number lang.
[Arshen.]
My eyes widen in shock. The way the caller calls me, kilalang-kilala ko na kung sino 'yun. Unti-unting nawala ang ngiti sa aking labi. Mygoodness.
"O-Oh ikaw pala 'yan." Nauutal kong turan. "Paano mo nalaman yung number ko, Yana?" Dagdag ko pa. Hindi kasi ako makapaniwala.
And yes, tama kayo nang pagkakabasa. Sya nga ang tumawag sa akin. 'Yung kalahi ni Zuma.
[Tss. Hindi na 'yun mahalaga.] Hmp. Ang aga-aga pero ang sungit nya na agad.
Nabaling ang tingin ko sa aking parents na ngayon ay nakatingin na pala sa akin and it looks like, nakikinig sila sa usapan.
I excused myself dahil baka kung anong marinig nilang sabihin ko. Maisipan pa nila ng ibang meaning.
[Come here.] She said. Napakunot-noo naman ako.
"At bakit ha? Mamaya pa naman ang duty ko." I answered. Aba't. Mukha atang gusto nyang mabadvibes ako agad huhuhu.
I heard she hissed.
[Well nagbago na 'yun ngayon. Just freaking come here and pick me up.]
[I expect you to be here in the mall after 7 minutes.] Hindi pa ako nakakaalma pero ayun ang siste, binabaan na agad ako ng telepono.
I groaned. Napakademanding at bossy talaga ng isang 'to. Wag ko kaya syang puntahan dyan para mas lalo syang mainis.
Hindi ko na pinagpatuloy pa ang kinakain ko. I quickly brushed my teeth. I once took a last glimpse of myself on the mirror bago tuluyang sumibad.
"Ahm... Mauuna na po ako, Mom, Dad. Kita kits na lang uli." I bid my goodbye to them.
Mabilis na pumasok ako sa aking sasakyan. Tinignan ko ang aking wristwatch at halos mapamura ako nang makitang 4 na minuto na ang nakakalipas.
Then that means na 3 minutes na lang ang natira sa akin.
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at nagsimula nang magdrive papunta sa mall. Mukha atang doon sya natulog.
Ang lakas din ng trip ni Yana noh? Tatawag tapos magpapasundo. Hay nako.
Maya-maya pa, nandito na rin kaagad ako. Malayo pa lang pero tanaw na tanaw ko na sya.
Wow. She's really beautiful. Bagay na bagay sa kanya ang uniform namin kahit na may kaunting kaiklian ang kanyang suot.
Hindi na ako nagtataka kung bakit ang daming nagkakacrush sa kanya. Just like what I've said, she's beautiful.
Okay na sana eh. May kunting sablay nga lang sya.
"Late ka ng 2 mins." Naka-crossed arms nitong saad sa akin. She's tapping her foot na para bang naiinip na.
"Mukha bang may superpower ako na kayang pumunta rito kaagad?" Sarcastic kong tanong sa kanya. Pwede sana kung may magic eh.
Isang matalim na irap ang natanggap ko mula sa kanya.
"Whatever. Just open the door para makapasok na ako sa loob."
Hindi na ako nag-abalang magsalita pa at sinunod na lang kung anong sinabi nya. After all, she's my beloved Queen na dapat sundin.
Sinigurado ko munang naka-ayos na ang lahat bago ako nagsimulang magmaneho papunta sa University.
Saglit na katahimikan ang namayani sa aming dalawa nang magsalita sya.
"Later, ihahatid mo rin ako pauwi." She said.
Napangiwi naman ako. "Hindi naman ako na-inform na instant driver mo na rin pala ako." I whispered in the air.
In my peripheral vision, nakita kong naningkit bigla ang kanyang mata.
"May gusto ka bang sabihin? Pakilakasan naman nyang reklamo mo." Hmp. Pagsinabi ko naman ang totoo, baka sapakin ako nito bigla.
Maya-maya pa ay matiwasay kaming nakarating sa aming destination. Mabuti na lang talaga at wala ng away ang naganap pa sa aming dalawa.
Ako na ang unang lumabas upang pagbuksan ng pintuan ang mahal na reyna. And it looks like nagustuhan nya naman ang ginawa ko.
"Just don't forget later. Ihahatid mo ko." Napatango-tango na lang ako bilang sagot sa sinabi nya.
"ARSHEN, nanglilihim ka na sa amin ha."
"Oo nga. Nagtatampo na kami sayo."
Iyan ang magkasunod na asik ng dalawa kong kaibigan. Napakunot-noo naman ako.
"H-Huh? Ano bang sinasabi nyong dalawa ha?" Nagtataka kong tanong. Wala kasi akong ideya kung ano ba ang sinasabi nila.
"Nako. Ang dami kasing nakakita kanina na may kasabay si Miss Yana." Pagkukwento ni Luxxe.
"Oo nga. Ang chismis, ikaw daw 'yon at may something sa inyo." Dagdag pa ni Luxxe.
I gulped. Gosh. Big deal na ba agad 'yun? "Sus. Naniniwala kayo sa chismis. Hindi ako 'yun. Wag kayong maniwala sa mga sabi-sabi. Kamukha ko lang 'yun."
Atsaka kami? Magkakasomething? Luh.
"Woah. Talaga?" Sabay nilang saad.
"Oo naman. Ni hindi ko pa nga namemeet ang 'Yana' na 'yan eh. Maganda ba talaga 'yan?" I said. Aba, ginagamitan ko na ito ng acting skills ko para maniwala sila.
"Yeah. She's really beautiful. Infact, that's an understatement. And oh, sexy din sya."
Pakiramdam ko'y nahigit ko bigla ang aking hininga nang marinig ko ang boses na 'yun. Kahit hindi ko sya nakikita ay kilala ko na agad kung sino 'yun.
I glanced at my friends at nakitang parang nastarstruck sila sa kanilang nakikita.
I gathered all my strength at dahan-dahang lumingon sa aking laruan. Ang walang-emosyon nitong mukha ang nakita ko bigla.
Hindi ko maiwasang mapalunok. Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng takot. Kinakabahan ako.
"I'm kinda hurt na hindi mo pa pala ako namemeet, Arshen." Masungit na saad nito. Nako po. Naloko na.
"Pwede bang makiupo sa inyo?" She asked to my friends. Mabilis na tumango naman 'yung dalawa. Mukha atang hindi makapagsalita.
She sat beside me dahil 'yun na lang ang bakanteng upuan.
Nang makarecover ay bumalik uli ang kadaldalan nila Luxxe at Laney. Kinakausap nga nila si Yana eh. Kaso ang tipid nyang sumagot.
Pasimpleng tinignan ko sya. Nakapokus lang sya sa kanyang kinakain.
"I'm sorry." I whispered to her. She looked at me. I saw how her one eyebrow arched.
"You don't need to says sorry. You don't know me, right?" Sarcastic nitong saad.
I bit my lips. There's something urging me na dapat may gawin ako.
I heaved a sigh at lumapit sa kanya. Dahan-dahan kong kinuha ang isa nyang kamay at ipinagsaklop ito sa akin.
I felt that she's stunned because of that. Ito na lang kasi ang naiisip kong gawin.
"I'm sorry, Yana. " Sincere kong turan. Nakita kong napaiwas sya ng tingin. "F-Fine."
Masayang napangiti naman ako. Mukha atang walang nakita 'yung mga frenny ko which is good. Ayokong asarin nila ako eh.
We continued eating. Hanggang ngayon ay magkasaklop pa rin ang dalawa naming kamay. Holding hands. Hindi nya nga tinatanggal eh.
"Ihatid mo ako sa room." She said. Mabilis akong tumango bilang sagot. I bidded my goodbye to my friends.
Tahimik lang kaming naglalakad papunta sa classroom nya. Hindi naman 'yun gaano kalayo sa akin dahil isang building lang ang pagitan.
Suddenly, she stopped to a room. Mukha atang ito na 'yun.
I smiled at her at tumalikod na nang biglang isang kamay ang naramdaman kong humawak sa aking pulsuhan.
Nagtatanong ang mga tinging ibinibigay ko kay Yana. May kailangan ba sya?
"I do think that you deserve something. A reward to be specific."
Parang nagningning bigla ang mata ko dahil doon. Wow. Gusto ko 'yon.
"Ano ba yung reward na sin—" Hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin.
Isang malambot na bagay ang naramdaman kong dumampi sa gilid ng aking labi.
My eyes widen in shock. Rinig na rinig ko ang pagsinghap ng mga kapwa ko estudyante dahil sa nakita nila.
Huli na nang mapag-alaman kong pumasok na sya sa loob ng kanilang classroom.
Argh! Ano bang ginagawa sa akin ni Yana?