Arshen's PoV:
I glanced at the my wristwatch. Palihim akong napadaing.
Napalinga-linga naman ako sa mga classmate kong mukhang atat na atat nang lumabas. Well, pare-parehas lang kami ng nararamdaman.
Hayst. Sino ba naman kasi ang hindi? Kanina pa time pero hindi pa rin nagdidismiss itong si Sir. Overtime na sya eh. Baka naman pwedeng ituloy nya na lang next meeting. Ayaw atang magpaawat.
Suddenly, nakita kong nagtaas ng kamay si Sean. Isa sa mga classmate ko.
"What is it, Mister Sean?" Masungit na tanong ni Sir habang nakataas pa ang isa nyang kilay.
"O-Overtime na po kayo, Sir." I can sense that his nevous just from his tone. Well who wouldn't be?
But woaaah! Ang tapang nya huhu. Ang galing. He's our hero now and we must protect him.
Unti-unting bumaba ang nakataas na kilay ni Sir. Parang kumalma bigla. He checked the time.
"Oh my bad. Kanina pa pala time. Oh well, alam ko namang nag-enjoy kayo sa tinuturo ko." Nakangiti nitong saad nito at halos kaming lahat ay napangiwi.
Yeah right. Talagang nag-enjoy kami. *Insert sarcasm here*
He started to gather his thing. "You may now leave the classroom. Class dismiss." At lumabas na rin. Mukhang sya rin ay excited nang umuwi.
Napahiyaw kaming lahat at agad na inaayos ang aming mga gamit. I exited the room at mabilis na naglakad papalayo.
Medyo kakaunti na lang ang mga students na nakikita ko dahil nga kanina pa ang dismissal time. 'Yung iba pa ngang teacher eh ang aga-aga magpauwi. Hmp.
We can't relate.
While walking, hindi ko alam kung bakit pero feeling ko ay may nakalimutan ako. Hmm... Ano kaya 'yun?
Isip. Isip. Isip.
Oh my shems! Si Yana pala!
I mentally cursed at agad na naglakad pabalik. Mabuti na lang talaga at hindi pa ako masyadong nakakalayo.
Halos lakad-takbo na ang ginagawa ko dahil sa kabilang building pa ang classroom nya. Alam nyo naman na atat ang isang 'yun. Well, hindi naman talaga dapat pinag-aantay ang mahal na reyna.
Gusto kong sampalin ang sarili ko. Sa dami ba namang bagay ay 'yun pa talaga ang nakalimutan ko. Ugh!
Malayo pa lang pero tanaw na tanaw ko na ang isang pigura ng babae. Nakakunot ang noo nito. Hindi na rin maipinta ang kanyang mukha dahil sa sama ng kanyang timpla.
Nako po.
I faked a cough to catch her attenti0n. Kahit na alam kong sa akin naman talaga sya nakatingin.
"H-Hi.." Kinakabahan kong bati sa kanya. Automatic na matalim na titig ang natanggap ko mula sa kanya. "Bakit ngayon ka lang huh?" Ramdam na ramdam ko ang diin sa tono ng boses nya.
Napapikit ako nang mariin. I need to be careful with my words. Baka kasi mamaya ay isipan nyang nagsisinungaling ako noh.
"S-Sorry na."
"Wag mo kong madaan-daan sa sorry mo na 'yan ha."
I gulped because of that. Eh ano namang sasabihin ko sa kanya? Yeah right, 'yung nangyari.
"Late kasi nagdismiss 'yung prof namin sa last subject kaya ayun.." I'm hesitating kung itutuloy ko pa ba o hindi. But in the end, I decided to tell her the truth.
"Atsaka ano kasi... Nawala sa isip ko na ihahatid pa rin pala kita pauwi." The truth will set you free ika nga nila. Mas magagalit sya kapag nagsinungaling a---
*boogsh!*
My thoughts were interrupted nang maramdaman ko ang pagdapo ng isang kamao sa aking pisngi.
"Ampotchi naman!" I exclaimed habang sapo-sapo ang parte na sinapak nitong kasama ko. Ang sakit huhuhu. Ang lakas ng trip nya ha. Hindi naman ako na-inform na kalahi nya si Pacman. Solid manuntok eh.
Nagbaling ako ng tingin kay Yana at hindi ko maiwasang mapalunok nang makitang napakasama na talaga ng itsura nya ngayon. Parang sa Pokemon lang. Nag-evolve na sya. Mas malakas na ngayon kumbaga.
"Argh! How dare you?! Nakakarami ka na ng atraso sa akin ha!" Naiinis nitong saad. Napakagat-labi naman. Gosh. Ano nang gagawin ko?
I was about to say something when she motioned me to stop.
"Don't talk unless may sense 'yang sasabihin mo." Masungit nitong asik. Itinaas nyang muli ang kanyang kamao. "Baka gusto mong dumampi uli 'to sayo."
Napanganga naman ako dahil doon. Mabilis akong umiling bilang sagot. Nako, ayaw ko na kaya noh.
Habang busy sya kakatantrums, ako naman ay nag-iisip ng paraan kung paano ko ba sya mapapaamo.
Hmm.. Ano nga kaya?
Suddenly, an idea crossed my mind. Aha! 'Yung ginawa ko kanina sa cafeteria.
Pero baka hindi na 'yun gumana eh. Kailangan kong mag-upgrade. Yeah, ganon nga dapat.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. I stopped infront of her. Mukha atang hindi nya pa ako napapansin dahil busy nga sya.
I lifted my hands and placed it on her cheeks. I gently caress them.
Napahinto sya. I know, hindi nya ineexpect 'yung ginawa ko.
"Sorry na. Wag ka nang mainis, Mahal na reyna." Malambing kong saad. Diretsong nakatingin ako ngayon sa napakaganda nyang mata. Her eyes, it's so alluring and tantalizing.
Marahang dinampian ko ng halik ang kanyang pisngi. Hindi ko alam kung saan ba ako kumuha ng lakas para gawin 'yun.
I can see a tint of redness on her face. Namumula sya.
She hissed at nag-iwas ng tingin.
"It's hot in here. T-Tsk. Tara na nga. Idrive mo na ako pauwi." Suplado nitong turan at agad na naglakad papalayo. Hmp. Hindi man lang ako inantay eh.
But still, hindi ko maiwasang mapangiti. Does that mean na tinanggap nya ang sorry ko? I hope so.
Masayang naglalakad ako papunta sa parking lot. Alam naman siguro ng babaeng 'yun ang kulay ng kotse ko.
At hindi nga ako nagkamali dahil nandoon na sya kaagad. Nakacross ang dalawa nyang kamay while waiting for me.
Mabilis na pinagbuksan ko sya ng pintuan. Isang irap muna ang ibinigay nya sa akin bago pumasok sa loob. Aba't!
I just shooked my head at umikot papunta sa driver's seat. Nagsimula na akong magdrive nang makitang okay naman na sya.
Through the ride, katahimikan ang namayani sa aming dalawa. Wala namang tension sa atmosphere namin.
Minutes later, I stopped the car. Well, red sign kasi.
Hmm. Macheck nga 'tong katabi ko. Pasimpleng tinapunan ko ng tingin si Yana.
Nanlaki bigla ang mata ko.
"H-Huy! Bakit mo tinatanggal 'yan ha?" I exclaimed. Well, she's unbuttoning her uniform! Mygoodness.
Sumisilip na sa akin ang hindi ko dapat makita.
"Gusto mo talagang sumali bilang hubadera ng taon noh? O kaya naman mag-apply sa Bench ha?" Feel na feel talaga eh.
Hmp. Hindi ba sya nahihiya sa akin? Ako kasi 'yung nahihiya kapag nakikita ko syang nakaganyan lang.
"What's your problem? Bakit mo ba ako pinapakielamanan ha?"
"Paano kapag may nakakita sa iyo nyan?"
"Tss. So simple. Tinted 'tong car mo." She said in a duh tone. "Atsaka ikaw lang naman ang pwedeng makakita nito."
Nahigit ko bigla ang aking paghinga dahil sa kanyang sinabi. Ramdam na ramdam ko ang pagbilis bigla ng puso ko. I'm flattered.
I bit my lips. Gosh. Seryoso ba sya?
ANG GANONG routine namin ay nagtuloy-tuloy. Hatid-sundo ko nga si Yana. Opo, naging instant driver na talaga ako.
Minsan nga ay tinatanong ko sya kung bakit naging ganon 'yung role ko eh.
"Kasama 'yan sa responsibility mo. Lugi ako kapag hindi kita nauutusan." Iyan mismo ang sinagot nya sa akin noong minsan na nagtanong ako.
Wala na talaga akong nagawa kung hindi career-rin na 'yun. Ieenjoy ko na lang siguro. Pero parang gustong-gusto nya akong pahirapan eh.
Utos here. Utos there. Linis here. Linis there.
Huhuhu. Inaalila nya ako eh. Gusto kong umangal. Hmp. Kaso ayoko namang masapak uli. Sayang ang precious face ko noh.
Napapadalas na rin ang pag-iisleep over ko sa place nya. Obviously, utos nya 'yun noh. Mabuti na lang talaga at hindi ako pinagbabawalan nila Mom at Dad. They understand me naman daw.
Pero, nababawasan yung quality time ko together with my friends. Kaunti na nga lang sila eh.
Tulad na lang ngayon, nandito uli ako kay Yana. It's past 8 pm na rin.
Luxxe:
Miss ka na namin, Arshen huhu.
Laney:
Oo nga. Missing in Action ka na eh.
Hindi ko maiwasang mapangiti dahil doon. Dibale, babawin naman ako sa kanila sa susunod na araw.
"Sino 'yan?"
Nasapo ko bigla ang aking dibdib nang may marinig na nagsalita. Aish. Nanggugulat naman kasi eh.
"Bakit ba bigla-bigla ka na lang nagsasalita riyan ha?" I asked at nagbaling ng tingin sa direksyon ng nagsalita.
Mabibigat ang mga hiningang binibitawan ng kaharap ko.
"I repeat, sino 'yan? At may pangiti-ngiti ka pa talaga ha." Nagtitimpi nitong saad. Magkasalubong na ang dalawa nyang kilay habang nakatingin sa akin.
Napakunot-noo naman ako. Anong nangyari sa isang 'to? Atsaka masama bang mag-smile?
"Wala. Ayaw kong sabihin. Pilitin mo muna ako."
She groaned in annoyance. "Hindi ako nakikipagbiruan, Arshen ha!"
I gulped. Oo nga. Hindi nga.
"S-Si Luxxe at Laney lang 'yung kausap ko." Kinakabahan kong sagot sa kanya. She's staring at me intently na syang mas nakadagdag sa kaba ko.
Ano ba kasing nangyayari ha at nagkaganito sya bigla?
"Dalawa pa talaga sila huh? Damn." I heard that Yana is whispering something pero hindi ko naman masyadong narinig.
I was about to ask kung ano 'yun nang magsalita syang muli.
"Bumili ka ng ice cream. 'Yung pinakamalaki. Here's the money." At inabot sa akin ang pera. I'm here at pinoproseso ang lahat.
"Mygoodness. Ano pa bang inaantay mo? Move. Now!"
I startled because of that. I composed myself first. Akmang aalis na sana ako nang maramdamang may humawak sa aking pulsuhan.
"I forgot, iwan mo 'yang cellphone mo rito. Baka mamaya, itext mo pa ang dalawang 'yun." She said. Kahit naguguluhan, sinunod ko na lang ang mahal na reyna.
Napakamot na lang ako sa aking ulo nang makitang umupo na sya sa couch at talagang naka-dekwatro pa.
Hayst. Anong nangyari sa isang 'yun? Minsan talaga ay hindi ko sya maintindihan. Hmp.